Chapter 1

7 0 0
                                    

CHAPTER 1: Manila

                                  Lavinia Point of View

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, masaya ako at the same time malungkot.

"Nak Avi magiingat ka sa Manila ha, lagi kitang kakamustahin sa facebook" masayang saad ni tita, alam kong malungkot siya gusto niya lang ipakita na masaya siya para ganun din ang maramdaman ko.

Ngumiti ako ng pilit sabay ayos ng salamin ko "Mamimiss po kita tita, I love you" sagot ko.

Tuluyan ng umalis ang van, kaagad kong kinuha ang cellphone na binigay sa akin ni tita.

Binuksan ko ang facebook ko agad namang nag pop up ang message ni Libbie, ang nag iisang kaibigan ko.

Libbie : Nabalitaan ko sa Manila ka na pala magaaral, nakakatampo at hindi ka man lang nagpaalam sa akin.

Libbie : Huy mag ingat ka diyan ha, sobrang ma mimiss kita.

Libbie : Ayos lang kahit iniwan mo ako dito, hindi mo naman ako ipagpapalit diba?

Libbie : Aba ako pa rin dapat ang bestfriend mo dahil kong hindi baka maglakad ako mula dito hanggang diyan sa Manila maagaw ka lang.

Libbie : I love you bestfriend.

Halos mapangiti ako sa nakita kong mga message ni Libbie sa akin, alam kong maiintindihan niya ako.

Lavinia : I love you too bestfriend.

Lavinia : Ikaw lang ang the best among the rest na bestfriend ko.

Lavinia : Mamimiss din kita, sobra.

Lavinia : Mag usap tayo lagi dito sa facebook ha, mag iingat ka lagi.

Lavinia : Pakibantay na rin si tita alam kong iyakin yun.

Nakangiti kong reply sa kaniya, hindi ako nag paalam kay Libbie dahil alam kong mas mahihirapan lamang akong umalis.

                                      3 hours later

"Ma'am nandito na po tayo" saad nung driver.

"Salamat po" sagot ko, nakatulog na pala ako habang nasa biyahe.

Kaagad kong inayos ang salamin ko at kinuha ang maleta sa likod, napaka laki ng bahay.

Hindi na ako masyadong nagulat dahil napakalaki din naman talaga ng bahay nila sa La Union.

Pagbaba ko ay bumungad sa akin ang pagkadami daming mga katulong.

Ngayong nandito na ako sa Manila kailangan kong mas galingan para makabawi naman ako kay tita.

Pinadala ako ng boss ni tita dito sa Manila para gawing alalay ng apo niya, pumayag na kaagad ako dahil sila na rin daw ang mag papaaral sa akin.

"Dito po tayo" saad nung isang katulong at kinuha ang dala kong maleta. "Ako na po ang magdadala" saad ko at pinipilit na kunin sa kaniya. "Ako na po, ituturo ko rin kong saan ang kwarto mo" ngumiti na lang ako.

Mas malaki pala itong bahay na 'to,

Mas moderno at talaga namang mukhang mamahalin ang bawat materyales na ginamit.

"Ma'am ito po ang kwarto ninyo, ang kasunod naman po ay ang kwarto ni sir Koi" pagpapaliwanag niya.

"Puntahan mo ako sa may dirty kitchen kong tapos ka na mag ayos ng gamit mo" saad niya sabay ngiti, tuluyan na siyang umalis.

Sa loob ng kwarto ay may kamang pang dalawang tao, mas malaki pa ata ang kwarto na ito kaysa sa bahay namin sa La Union.

Para sa isang katulong na kagaya ko, napakaswerte at napunta ako sa ganitong kwarto.

Nagsimula na akong mag ayos, sakto lang naman ang mga dala kong damit.

May nakita kasi ang tiyahin ko sa facebook, online seller kasi ang kaibigan niya mula sa kabilang bayan kaya ayun binilhan niya ako.

Toot Toot Toot

Tita Nida : Nak kamusta? Nasa mansion ka na ba ng mga Rosenheim?

Tita Nida : Magiging busy ang tita mo dahil alam mo naman may trabaho ako kayla sir Rex.

Tita Nida : Ilang araw na lang at pasukan niyo na, magpakabait ka diyan.

Tita Nida : Mag ingat ka palagi anak kong maganda. I miss you, I love you.

Offline

Pinipilit kong hindi maluha, pagkatapos kong makita ang mga message ni tita sa facebook mas lalo akong ginanahang mag aral.

Lavinia : I love you more tita kong maganda and I will always miss you.

Lavinia : Mag iingat ka din po diyan, opo nakarating na po ako napakalaki nga po ng mansion nila.

Lavinia : Pagbubutihin ko po tita, promise ko po yan sa'yo.

Pinunasan ko muna ang aking salamin at nagpatuloy ng mag ayos ng mga damit.

Nakasampay na sa closet ang school uniform at uniform ko pang trabaho, ang gaganda.

Pati ata ang mga damit na ito ay mamahalin.

                                       10 minutes later

Natapos na rin, nag buhos lang ako dahil naligo na rin naman ako sa La Union.

Nakakahiya kong haharap ako sa kanilang amoy pawis, hindi na nga ako maganda amoy araw pa.

Kaagad akong lumabas habang suot suot ang salamin ko, masyadong malaki ang bahay hindi ko alam kong saan ang dirty kitchen na sinasabi niya.

Bakit ba ngayon ko lang 'to naisip?

Haist pa ikot ikot lang ako.

Boog Boog Boog

"Aray" habang iniinda ang sakit ng ulo ko dahil sa pagkakabunggo, shunga mo naman Avi mayroon ka na ngang salamin di mo pa rin nakita. "Sino ka ba at bakit pakalat kalat ka dito?" walang emosyon niyang saad habang nakatingin sa akin hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nalaglag ang salamin ko.

Pero matangkad at lalaking lalaki ang boses.

"Sorry po" saad ko at hinanap ang salamin ko sa may sahig.

Aish magpakita ka, wag naman ngayon oh.

"You're looking for your glasses?" tanong niya.

"Here, basag na" sabay abot nito sa akin "Next time be careful, don't worry I'll order some glasses for you on instagram" sabay singhal at umalis na.

Halatang naaawa lang sa akin.

"Iha ayun si sir Koi, ayos ka lang ba? Pagpasensyahan mo na at mainit ang ulo" saad ni ate, wala talaga akong makita.

"Ate meron po ba kayong salamin, nabasag ho kasi yung salamin ko" saad ko "Kahit anong grado ay pagtitiisan ko na lang po" dugtong ko pa. "Aba meron hintayin mo ako dito at kukunin ko sa kwarto" saad niya at tumakbo na paalis.

Pisteng yawa na mga mata 'to.

Can This Be Love? Where stories live. Discover now