Kinabukasan maaga akong gumising para makadaan pa ko sa 7/11 malapit sa school bago pumasok. Gusto kong pasalamatan si Santi sa pagtulong niya sakin kahapon dun sa mga siraulong taong yun at pati na rin sa pagpapaliwanag niya kay lola.
Yayayain ko kasi sana siya kagabi kumain sa bahay kaso pag lingon ko wala na siya.
Kumuha ako ng dalawang c2 at oreo. Gusto ko kasing ngayong umaga ko na ibigay sakanya dahil maaga naman siya pumapasok kaso sarado pa ang canteen namin nang ganitong oras at ayoko ding makita ng iba pa naming mga kaklase, aasarin lang ako nung mga yun.
Pagkatapos kong magbayad ay agad agad akong lumabas nang mapansin ko si Santi na naglalakad.
"Santi!" sigaw ko sakaniya at agad namang siyang lumingon
"Oh, aga mo ngayon ah? Dati kulang nalang second subject ka pumasok ah, bagong buhay na ba?" pang-aasar niya sakin
Ano ba naman 'to napaka aga mambwisit. Inagahan ko na nga para mabilihan siya ng pagkain.
"Hoy, ang kapal mo naman! Isang beses lang yun no" pag dedepensa ko na tinawanan lang niya.
Bwisit to! Pasalamat ka niligtas mo ako kahapon, kung hindi nako!
Inabot ko sakanya yung isang c2 at Oreo
"Ano yan?" tanong niya
"Pagkain Santi, hindi ba obvious?" sagot ko saka siya inirapan "Kunin mo na!"
"Bakit, crush mo ako?" nginitian niya ako ng nakakaloko
Ipinukpok ko sakaniya yung bote ng c2
"Aray ko! Napaka bayolente mo talaga Adrianna"
"Ang kapal naman kasi ng pagmumukha mo Santi. Wala akong crush sa'yo no! Pasasalamat 'yan sa pagliligtas mo sakin kahapon at pwede ba wag mo akong tawaging Adrianna, ang pangit pakinggan" reklamo ko sakanya
"Akala ko pa naman crush mo na 'ko, akin na nga yan" hinablot niya sakin yung c2 at Oreo saka tumakbo papasok ng classroom
"Guys! Crush ako ni Gabby! Binigyan ako ng c2 at Oreo!" sigaw ni Santi
Bwisit talaga.
Dahil sa kalokohan niya inulan kami ng asar buong araw. Wala namang gaanong tao sa classroom kanina kaso lang ang loko pinagyabang na binigyan ko siya ng c2 at oreo sa bawat kaklase naming papasok sa pinto ng room.
Naglalakad na ko papasok sa kanto namin nang may umakbay sakin. Nagulat ako kaya agad kong sinapak kung sino man iyon
"Aray! Nakakarami ka na sakin Gabby ha."
Sumimangot ako nang marinig ang boses niya. Si Santi nanaman.
"Bakit ba? Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong ko sakanya pero tinawanan niya lang ako
"Grabe ka Gabby! Hindi no, kasama ko buong tropa tatambay kami kela Miko. Crush mo talaga ako no?" binatukan ko nga ang loko
"Aray naman! Dapat pala di na kita tinulungan kahapon e, kaya mo naman yung mga yon" tinignan ko sya ng masama saka ako naglakad ng mabilis pauwi samin.
Hindi naman na niya ako sinundan kaya mabilis lang akong nakauwi dahil sigurado akong lagot nanaman ako kay lola pag nagkataon.
Nasa labas palang ako ng bahay ay rinig ko na ang sigawan nila lola at tito.
"Ano ba naman 'yan Rolan, may trabaho ka pero wala kang pera? Lahat nalang inaasa mo sa akin e alam mo namang ang pera ko ay maliit lang ang halaga. Iyong binibigay ng kuya mo para sa budget ng mga bata hindi kakasya sa ating lahat iyon." Sermon ni lola.
YOU ARE READING
Inlove with Mr. Troublemaker
Teen FictionGabby Alegre is just a simple girl, an honor student, athlete, and an obedient daughter to her parents. What if she fell inlove with a troublemaker? Will she risk everything?