Chapter 2

21 3 7
                                    

Habang nagsasagot ako ng activity namin, may naramdaman akong tumama sa ulo  ko.

"Ay putek!"

Nilingon ako ni Reema

"Anong nangyari sayo?" tanong nya

"May tumama sa ulo ko e" sagot ko habang lumilingon kung saan para hanapin kung sinong gumawa non

"Huh?" tanong ni Reema

May narinig akong tumawa sa may tapat ko kaya lumingon ako. Nakita ko si Santi na umiwas ng tingin habang nagpipigil ng tawa.

Inirapan ko nalang sya. Baka tropa nanaman nila may gawa nun. Napaka papansin talaga

Nagpatuloy ako sa pagsasagot.

Maya maya kinalabit ako ni Reema

"Gabby, eto ata yung tumama sayo. Nakita ko dun sa ilalim oh" tinuro nya ang ilalim ng upuan ng kaklase namin na nasa harap nya

Inabot nya sakin ang isang crumpled paper. Itatapon ko na dapat pero may napansin ako kaya binuklat ko muna

"Gabby, congratulations sa'yo. I love you"

Yuck, kanino naman manggagaling to? Imposibleng sa tropa to ni Santi dahil puro pang-aasar lang naman ginawa nila sakin

"Ang pangit naman ng sulat nyan" reklamo ni Reema saka hinablot ang papel at pinakita kay Jino

Hay nako....

"Uy, si Gabby may secret admirer" pang-aasar ni Jino

Nagsilingon naman ang ibang kaklase namin na nakarinig at nagsimula na silang asarin ako

Tinignan ko nalang sila ng masama at pinagpatuloy ang ginagawa ko

"Sino kaya yun, pag nakita ko yun sasapakin ko yun" rinig kong sabi ni Santi

Hay ewan.

Pagkatapos ng klase, nag kaniya kaniya na kami ng uwi nila Reema dahil hindi naman kami magkakapitbahay.

Nang may makita akong bakanteng jeep ay agad akong sumakay.

Pagdating ko sa kanto namin ay agad akong bumaba at naglakad papasok.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng mga lalaking nagsusuntukan sa daan. Namukaan ko yung iba dahil mga kaklase ko yung mga yon. Tatakbo na dapat ako palayo pero may humigit sa kamay ko

"Hoy! Ano ba?" sigaw ko sa lalaking humawak sakin

"Ang tapang mo ah" ngumisi sya at hinila ulit ako "Pare, kaklase ata nila to, kaparehas ng uniform o, swerte may babae" sigaw nya sa mga kakampi nya

"Hayop ka! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko ulit sa kanya.

"Pare, lumalaban!" sigaw nya ulit kaya nainis ako. Hindi sya nakatingin sakin kaya sinamantala ko ang pagkakataon na yon para makatakas kaya kinagat ko sya sa braso. 

"Aray! Walanghiya kang babae ka!"

Tatakbo na sana ako pero nahablot nya ang buhok ko. Bwisit naman, bakit kasi hindi ako nagtali ngayon.

"Hoy! Bitawan mo nga sya" sigaw ng kung sino kaya lumingon ako

Si Santi... 

"Paano kung ayoko?" sagot nung lalaki saka hinigpitan ang pagsabunot sakin

Naiyak nalang ako sa sakit.

Tumalikod si Santi saka naglakad palayo

"Paano ba yan miss, iiwan ka na ata ng kaklase mo" tumawa sya nang malakas

Inlove with Mr. Troublemaker Where stories live. Discover now