Chapter 1

38 7 7
                                    

"And the champion is... Adrianna Gabrielle Alegre"

As I heard my name announced by the emcee, I stood up from the seat that was assigned for our school. I heard my schoolmates cheered for my name as I walk towards the stage.

"Congratulations Gabby." My principal said as I receive the medal, trophy, and the worth 5,000 cash

I smiled at everyone. Sa wakas, nagbunga din yung dalawang buwang hirap ko sa pag-iisip kung paano magiging unique yung mga gawa ko.

Nagkaroon ng picture taking bago kami isa-isang bumaba ng stage. I witnessed the other contestants running towards their parents who seems to be very proud of them. How I wish nandito rin sila mama at papa para suportahan ako.

Dumiretso na lang ako papunta sa upuan naming ng mga kasama ko. Next na yung iba pang mga categories. I won 2nd place in Quiz bee competition at ito champion in Essay Writing.

"Hoy Gabby! Panalo ka nanaman, natalo mo yung mga nasa higher levels ang lupet mo!" natutuwang sabi sakin ni Reema, one of my bestfriends and my number 1 fan. She also joined the contest pero sa ibang category, she won ofcourse

"Alam mo namang di na ako papayag na hanggang 3rd lang ako e, ayoko namang sayangin yung mga panahong pinaexcuse tayo sa klase ng halos dalawang buwan" natatawang sagot ko sakanya.

Pagkatapos ng program pare-parehas na kaming umuwi. Nagmamadali na ako dahil walang kasama si lola sa bahay kundi yung kapatid ko.

Pag-uwi ko sa bahay tulog na sila kaya sinarili ko nalang yung pagkapanalo ko, wala naman akong makukwentuhan e. Hindi naman sila interesado sa mga ginagawa at sinasalihan ko kaya minsan hindi rin sila pumapayag, buti nalang minsan nagagawan ng paraan ng teachers ko.

Weekends have passed at wala akong ibang ginawa kundi tumulong sa bahay. Naglinis kami dahil akala naming uuwi sila mama kasama yung isa ko pang kapatid but we were wrong. Umasa nanaman kaming uuwi sila dahil ilang linggo na silang di umuuwi tapos wala pa kaming contact sa kanila dahil wala naman akong cellphone, lalo naman yung lola ko dahil hindi rin sya interesado sa mga gadgets.

Pagdating ko sa room sinalubong agad ako ni Reema at Jino, they are my friends. Sila ang lagi kong kasama sa school at kung saan-saan but Jino doesn't like joining writing competitions kaya hindi namin sya kasama ni Reema doon.

"Andito na ang champion whooo hahahah" pang-aasar ni Jino sakin, siguro ay dinaldal na ni Reema ang lahat sakanya, wala namang bago. Alam naman ng lahat na sobrang daldal ng bunganga ni Ree

Inirapan ko lang sya saka dumiretso sa upuan ko .

"Gab, alam na ba ng parents mo na nagchampion ka?" tanong ni Reema sakin

Umiling lang ako

"Huh? Hindi nanaman ba sila umuwi? Ano ba naman yang parents mo Gabby, sa tatlong taong pagpasok mo dito isang beses ko pa lang ata nakita ang papa mo, nung nag transfer ka dito" medyo naiinis na sambit niya

"Pwede ba Ree wag na natin silang pag-usapan" I replied as cold as possible para malaman niyang ayaw kong pag-usapan sila mama at papa

She's right, isang beses lang si papa pumunta dito sa school at si mama ay never pa. Minsan lang din sila umuwi sa bahay namin dito because they are too busy with their jobs at hindi man lang nila kami naisip.

When afternoon class came yung class adviser na namin ang pumasok. Tumahimik kami nang pumasok siya dahil medyo nakakatakot siya but sometimes nakikipagbiruan siya samin pero kapag seryoso siya dapat seryoso ang lahat lalo na kapag klase na.

"Good afternoon class" he said at sabay sabay kaming tumayo ng mga kaklase ko

"Good afternoon Mr. Reyes" we said in unison, ayaw na ayaw niya sa lahat ang hindi sabay sabay sa ganto, minsan he will get mad at us kapag hindi sya satisfied sa pag greet naming sa kaniya.

"Before we start our lesson meron muna akong I a-announce" saad niya, medyo kinabahan ako di ko alam kung bakit

"Ano po yun sir?" tanong ni Santi, kaklase kong kulang sa aruga, laging nagpapapansin sa mga teacher.

"Well, there will be a competition next month on the biggest university in our city and the one who will win the competition will have a full scholarship."

Wow? Seryoso yun?

"They only allowed 5 students per school and I've decided to choose those five from your section. As I call your name please stand up"

"Hala ang swerte naman nun, sana makasama tayo Gab" saad ni Reema habang mahigpit na nakakapit sa braso ko

"Gwen"

"Woah top 1"

"Charlotte"

"naks"

"Sis, makakasama ka dyan, ako wala na akong pag-asa puro nasa top yan" nag-aalalang sagot ni Reema

"Ano ba Ree, kaya natin yan"

"Dominic"

"Oy pare ang lakas" rinig ko sa grupo nila Santi na papansin

"Lianne"

"And lastly, Gabby."

Nakangiting saad ng adviser ko

"Whooaaa champion talaga" pang-aasar ni Jino

"Go Gabby" isa pa to si Reema

"Go crush"

"Sana all Gabby"

"Iba talaga to si Gabby"

Bwisit talaga tong mga to, sinimulan kasi nina Reema e

"By the way, let's congratulate Gabby for winning 2nd place in Quiz Bee and Champion in Essay writing contest" he announced proudly

"Gabby talaga di papatalo" komento ng iba kong mga kaklase

"So they are the selected students who will join the contest, goodluck sa inyo. Bago kayo umuwi kunin nyo sakin yung mga papers na kailangan ninyong ayusin dahil ipapasa yon sa kanila. You may now take your seats" he said

Habang pa upo ako umepal si Santi

"Hoy Gabby" pang-aasar niya

"Ano nanamang problema mo?" naiinis na tanong ko sakanya

"Init naman ng ulo mo"

"Pake mo?" sagot saka sya inirapan

"Congrats" sagot nya sabay kindat

A/N: Hi guys, I edited this dahil napansin kong may mga kulang na words at ang daming maling spelling. Sabaw haha. Anyways, thank you for reading this 💖

Inlove with Mr. Troublemaker Where stories live. Discover now