"Beast, punta tayong Log Haven ngayon." - si Gal habang nag-liligpit ng school things niya. Tapos na kasi ang last subject namin.
Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siya sa ginagawa niya.
"Sure~" Tinatamad na sagot ko sa kanya.
Tumigil ito at tumingin sa akin na nakapangalumbaba lang.
Inirapan ako at saka nagpatuloy sa ginagawa niya. "The legendary knights are back." mahinang sabi nito tapos isinara na ang backpack na puno na ng mga books.
"I know. At last, we're going to meet the famous gang group here and abroad." tumayo ako at tumingin sa kanya ng nakangiti.
My beast chuckled after i said that. Tinapik pa koh nito ng sumabay ito sa paglalakad koh palabas ng classroom patungong locker room.
LOG HAVEN
Ito ang lugar kung saan laging tumatambay "dati" ang Legendary Knights. Sa labas ay iisipin mong simpleng disco bar lang pero pag pumasok ka ay para itong music lounge and bar.
Pagpasok pa lang namin ni beast ay dinig na namin ang ingay ng mga taong nagkakasiyahan. May sikat na banda pang tumutugtog sa stage.
Umupo kami sa isa sa mga vacant seat sa tapat ng bartender. Kilala na kami ng bartender na si Carlo kaya nung umupo kami ay nilapagan niya agad kami ng usual frozen margaritas namin.
"What's the occasion, Carlos?" kunyari ay nagtatakang tanong ni Gal.
Nakakunot ang noong tumingin ito sa gawi namin. "Lagi na lang ba kayong huli sa balita?" umiling iling pa ito bago nagpatuloy, "Dumating na ang pinakamalakas na gangster sa underground."
"Talaga? Sino? Mas malakas kesa sa Angel of death na kinuwento mo sa amin last week?" sunod-sunod na tanong ko.
Nagkibit-balikat lang ito saka nagpatuloy sa ginagawa nitong paghahalo ng mga alak.
I sipped my margarita bago ako bumaling ng tingin sa second floor terrace ng bar. Kitang-kita doon ang limang lalaki na nagkakasayahan. May mga kaakbay pang mga babae ang mga ito maliban sa isa na medyo mahaba ang buhok na may natural ringlet curl.
His aura of authority and oozing sex appeal surrounds him but instead of being pulled by his handsomeness ay mangingilag ka kaagad kahit hindi ka titigan nito...
Every girls was looking at him but no one dared to approach him. Napangiti si Dream ng makilala niya ang isa sa mga member ng legendary knights. Ang kababata niyang si Sammuel Jhon Earl. Kinalabit niya si Gal at itinuro ang pinsan nito gamit lang ang eye contact...
"Jackpot!" ngumiti ito bago bumaling sa bartender. "Carlos, isang basong tubig please... Yung sa tall glass at puno ng yelo. "
Napataas ang kilay koh ng tumayo agad si Gal ng mailapag ng bartender ang order nito. Naglapag ako ng pera sa mesa bago koh sinundan ang Beast koh na umakyat sa second floor kung saan nagkakasiyahan ng ang LK.
Napangisi ako sa ginawa ni Gal ng makalapit ito kay Sam at napapigil ako ng tawa ng magumpisa na sa kalokohan niya ang beastfriend koh.
Gal's POV
Taas noo akong naglakad paakyat sa second floor ng bar lounge. Margarita sa kaliwang kamay at tall glass na may tubig na puno ng yelo sa kanan. I composed myself, void with any emotion but deep inside i'm laughing with my ass off. Time for my revenge!
Hindi ako napansin ng mga nagkakasiyahan, nasa likod na ako ng target koh. I raised my right hand and poured the water in his head until the last drop of it. Nabasa na din yung girl na kaakbay niya.
"What the hell! " bigla itong napatayo at nagmura bago humarap sa akin. Natahimik ang lahat at pati ito ay natigagal. "G-gal... " he stuttered.
TBC
"I'll write whenever i feel like it... "
-Author