IV:Again

21 18 4
                                    

Fionne's POV

"Bat wala ka kanina sa cafeteria,may nagyari ba?"tanong ni Lyse

"Wala may ginawa lang ako saglit"sagot ko naman sa kanya

Hindi na sya nagtanong at dumating na din ang teacher

Hanggang sa matapos ang klase iniisip ko pa rin ang nangyari kanina

"May sleepover mamaya kila ash sasama ka ba"tanong ni Blaire habang naglalakad kami

"Kayo pupunta ba kayo"pabalik kong tanong sa kanila.Tumango naman silang dalawa

"Sige sasama ako tutal Sabado naman bukas"nakangiting sabi ko sa kanila.Wednesday kasi ako nagtransfer

Nakarating na kami ng dorm at naghanda na para mamaya sa sleepover

"Fionne ano sa tingin mo maganda"tanong ni Lyse sa akin at ipinakita ang dalawang pajama set

"Yung una"sagot ko

Inilagay nya naman sa bag nya yun at nagumpisa na syang magpalit

Natapos na kaming maghanda at papunta na kila Ash.Dito nila naisipang magsleep over kasi malawak ang kwarto ni ash at may dalawang kwarto at umalis naman ang kasama nya kaya solo namin ang kwarto

Nakarating na kami at pinapasok kami ni Ash.Nakita kong nadoon din ang mga lalake

"Andito rin sila?"takang tanong ko kay Ash

"Oo sa kabilang room sila matutulog"sabi ni ash

Inilapag ko muna ang bag ko sa sahig at umupo na katabi nila Lyse

"Meron bang marunong magluto sa inyo?"tanong ni Ash.  Napalingon naman sa akin sila Lyse

"Ako"sabi ko

"Marunong din si Lander"sabi naman ni Vix.Napangiti naman si Ash

"Pwede bang kayo ang magluto hindi kasi ako marunong"nahihiyang sabi nya

"Ano ba yan antanda tanda mo na di mo parin alam magluto"pabirong sabi ni Vix.Binato naman sya ni Ash ng unan at lumingon naman sa amin

"Please"sabi nya

Tumango nalang ako at pumunta ng kusina.Tinignan ko ang nasa loob ng kanilang ref at nakitang puno nito

"Ano lulutuin natin?"Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko

"Ano bang gusto nila?"tanong ko sa kanila

"Gusto nila lahat basta masarap"sabi nya.Nagisip naman ako ng lulutuin at napagisipang tinola at adobo nalang

"Tinola at adobo nalang kaya?"Tanong ko sa kaniya.Tumango naman sya

Napagdesisyunan namin na ako ang magluluto sa adobo at sa kanya naman ang tinola.Nagsimula na kaming tahimik na magluto

"About dun sa likod ng school may alam ka na ba dun"pagbabasag ko ng katahimikan

Nakita kong napalingon sya sa akin pero saglit lang at ibinalik ang tingin sa niluluto nya

"Wala pa"tipid nyang sagot.Naging tahimik kami ulit na nagluluto

"Ang bango naman nyan"sabi ni Vince pagkapasok nya palang sa kusina

Nakita kong sumunod na din ang iba at umupo na.

"Para kayong mag-asawa dyan"biro ni Vix sa aming dalawa ni Lander

"Hoy pasalamat ka nagluto sila"sabi ni Ash at nagsimula na silang mag-away

Natapos na ang niluluto namin at inilagay na sa lamesa.Nakita kong kumuha na sila Blaire ng mga plato at inilagay na sa lamesa.Umupo na kami at nagsimula ng kumain

"Ang sarap naman,pwede na kayong mag-asawa"sabi ni Vix habang kumakain

Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi nya at itinuloy ang pag-kain

"By the way magstargazing tayo mamaya sa labas at maglaro na rin tayo"sabi ni Lyse

"Ano ka bata"sabi ni Vince.Napasimangot naman si Lyse

"Kahit kailan talaga ang epal mo"sabi ni Lyse

"Eepal lang sa buhay mo"natatawang sabi ni Vince.Mas lalong napasimangot si Lyse at itinuloy nalang ang pagkain

Nagtawanan naman kami sa kanilang dalawa at tinapos ng kumain

Patungo na kami sa garden kung saan kami maglalaro at magstarstargazing.Naglatag naman sila ng tela kung saan kami uupo

"Anong gusto nyo magstargazing muna o maglalaro na tayo?"tanong ni Lyse sa amin

"Laro nalang muna"nakangiting sabi ni Ethan

"Okay maglalaro muna tayo"masayang sabi ni Lyse

Umupo muna kami at pinakinggan ang mga sasabihin ni Lyse

"Ang lalaruin natin ay lost and found"sabi nya

"So hahanapin natin ang mga gamit na nasa listahan na ito"pagpapakita nya ng isa box

"Bakit sasali ka pa ikaw ata nagtago ng mga yun"sabi naman ni Vix.Napairap naman si Lyse sa kanya

"Duh bakit pa ako sasali kung alam ko kaya hindi ako ang nagtago ng mga yun may inutusan lang ako"pagtataray sa kanya ni Lyse

"Okay sabi mo eh"wala ng nagawa si Vix

"So anyways kailangan nating magpartner.So ako at si Ethan,si Ash saka si Vince,si Blaire at si Vix and Fionne at si Lander okay so lets go and magkikita tayo dito ng 10pm ok"tumayo na si Lyse at bumunot naman na kami at sumunod naman kami

Nagkahiwahiwalay na kami para maghanap at ang kailangan naming hanapin ay black hat and rubbershoes

Walang nagsalita sa pagitan namin dalawa ni Lander. nakarating na kami sa likod na bahagi ng academy at nakitang nadun sa itaas ng maliit na puno ang hat balak ko sanang kunin na iyon ng may napansin kaming naguusap.

"Ano nagawa mo na?"tila bang naiinip na tanong ng isang lalake

Nagtago kami sa isang puno at nakinig.Medyo familiar ang boses na iyo kaya sumilip ako para makita kung sino yun.Kaya lang madilim na kaya hindi ko naaninag ang mga mukha nila
Pero pamilyar talaga ng may naalala ako napatingin ako kay Lander at mukhang alam nya din

Are they the one that i saw the here the other night at the exact same place?Again?

Maraming salamt po sa book cover.  Mayra-belle

Caught in Strings Where stories live. Discover now