"Howlan right? " napatingin ako kay Denice na nakaupo saaking tabi. Kasalukuyan ko siyang hinahatid sa kanila na ayaw ko sanang gawin.
"yeah " walang gana kong sagot.
" You seems a nice girl howlan" Saad nito.
Ngumiti siya hindi ko alam kung peke ba iyon o hindi. Napag-alaman kong mas matanda siya ng dalawang taon sa'kin at kung pagbabasihan sa ganda ay oo mas maganda siya mga 5'7 ang height niya samantalang ako ay 5'4 lang.
"I am" tipid kong sagot.
kung maari lang ay hindi ko siya sagutin ngunit nakakahiya naman kung babastosin ko siya anak pa naman siya ng mayor. Hindi na muli siyang sumagot, naramdaman niya siguro na hindi ko siya gusto kausap.
"Diyan lang sa sa may brown na gate. Thankyouu see you tomorrow!" aniya.
Bumaba na siya sa sasakyan at pumasok sa kanilang bahay. May balak pa pala siyang bumalik bukas? bakit ba hindi nalang sila magkita dito sa bahay niya at maglandian hanggang gusto nila hindi doon sa office.
Galit kong pinaandar ang kotse. Pagdating ko sa pottery ay madilim na nasa kabilang bayan kasi ang bahay ni Denice kaya't na-gabehan ako.
"oh! ayan na susi mo aalis na ako tapos na naman trabaho ko dito" padabog kong inilagay sa mesa ang susi ng kotse niya na siyang ginamit ko sa paghatid. Nag-angat siya ng tingin nakasimangot ito at kunot ang noo aba! kanina ang ganda-ganda ng ngiti niya kay Denice ah!
"Galit ka? hmm" he make his voice seducing as if maaakit niya ako noh! never!
"hindi, nag papaalam lang" I pouted. What? bagay ba sa'kin yun? baka nakita niya nakakahiya! baka isipin niya nagpapacute ako. Tumalikod siya gamit ang kanyang swivel chair halatang ayaw niya talaga akong kausap.
"sege na aalis na ako, baka napapaso ka pa sa presensiya ko"
hindi maitago ang hinanakit sa boses ko kani-kanina lang ang lakas ng tawa niya noong nakikipag usap siya Kay Denice pero saakin pinakikita niya talaga harap-harapan na ayaw niya saakin.
"stay, may pag-uusapan pa tayo" he commanded. Huminto ako sa akma kong pag-alis, unti-unti akong humarap sa kanya ngunit agad akong napaatras ng nasa harap ko na pala siya, isang dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko i can even smeel his breath.
"S-sir " hindi ko magawang magsalita ng maayos his presence keep bothering me. Akala ko'y lalayo na siya ngunit mas lumapit pa siya saakin hanggang sa ma corner ako ng magkabilang braso niya.
"Bakit ka galit miss Madora hmm? i can feel it You're jealous" aniya sa tonong nakakaakit and did he just call me with my first name?
"No sir I'm not walang dahilan para magselos ako hindi kita gusto. Pwede bang pakawalan niyo na ho ako?" saad ko. Kunting-kunti nalang ay mahihimatay na ata ako.
"come on Madora push me away" Aniya sa tono paring nang-aakit. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay ito sa dib-dib niya ramdam ko ang bawat pagtibok ng puso niya ramdam ko rin ang matipuno niyang dib-dib palagi siguro tong nag gegym sa isip-isip ko.
"You like it? it's all yours" mabilis kong inalis ang pagkakahawak ko hindi ko namalayan, napatagal ata. Laking pasasalamat ko ng umalis siya sa harap ko at umupo mismo sa mesa niya, itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likod bilang bigyan ng supporta ang kanyang katawan.
Kinuha ko iyong pag-kakataon upang makalabas na ng opisina, akala ko'y pipigilan niya ako ngunit laking pasasalamat ko at nanatili lang siya sa kanyang pwesto at 'di gumalaw.