CHAPTER 5

3 0 0
                                    

CHAPTER 5

sa magandang pag sasama namin ni kiel at ng mga kaibigan ko ay wala na akong mahihiling pa...

sa hindi inaasahang panahon at araw na kung saan ay dapat sasagutin ko na ang tao'ng pinaka mamahal ko ay nag karoon ng trahedya.....

August 9, 2019
nasa isang mall kami para mag bonding mag kakaibigan at ngayon ko na din naisipan na sagutin na si kiel colter ang lalaki'ng mahal ko
ng sasabihin ko na sakaniya ang totoo ay may tumawag saakin na agad ko namang sinagot
"ren ang tatay mo..... inataki sa puso"
sa sinabing yon ni inay ay natulala na lamang ako at hinahantay na dugtungan pa ang sasabihin niya, hindi ko na napansin ang nasa paligid ko at ang tanging si inay lang ang pinapakinggan ko
" wala na ang tatay mo ren" bigla nalang tumulo ang mga luha ko at naramdaman ko nalang ang pag higpit ng yakap ng mga kaibigan ko

pag katapos ng balitang iyon ay umuwi ako sa probinsiya namin para makita ang tatay ko sinamahan rin ako ni kiys at kiel pa uwi at dinamayan ako

Days past na libing na si tatay nag kasama sama kami ulit mag kakapatid para sa huling silip namin kay itay..

hindi pa man ako nakaka recover sa pag kawala ni itay ay si inay naman ang sinugod sa ospital dahil napapabayaan na niya ang sarili niya dahil masiyado niyang dinibdib ang pag kawala ni itay..

sa dami ng problema ko ay diko na naalala pa ang mga kaibigan ko at si kiel kaya't kina musta ko sila lalo na si kiys dahil napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang na bo-bother

kaya kina usap ko siya "kiys parang this past few day's lagi kang balisa at laging tumitingin sa likod?"
" ahh kase ren si daddy kase may kasong hinahawakan at yung kaso nayon ay medyo delikado, kaya na pa praning ako kung may ng sta stalk ba sa'akin" na bigla naman ako sa sinabi ni kiys
" kiys baka na pa paranoid ka lang? Magaling naman na abogado ang daddy mo kaya matatapos agad yan" sabay yakap sakaniya

ilang araw na din ng hindi ko na masiyado nakaka usap si kiel kung maka usap ko man ay sa chat lang, minsan ko nalang din siya makita sa school para bang iniiwasan niya ako
pero hinayaan ko nalang dahil baka kaylangan niya lang ng time

pero habang binibigyan ko siya ng time at hinahantay ko na maka re cover ako sa mga problema at pag katapos non ay babalikan ko siya....

Pero wala na pala......

wala na ako'ng babalikan...........

habang inaayos ko yung sarili ko ay mas na una palang bumalik yung totoo niyang mahal :)

________________
ng maka salubong ko si kiel sa hallway ay kina usap ko na siya
"kiel may problema ba tayo? Bakit parang iniiwasan mo ako? May nagawa ba ako'ng mali?" habang sinasabi ko yon sakaniya ay may na mumuo ng mga luha sa mata ko
" ren sorry pero dipa pala ako ready pumasok ulit sa relasyon"
pag katapos niyang sabihin yon ay tumulo na ang luha ko
" stuck parin pala ako kay ashley e siya parin pala"
hindi na tumigil yung mga luha ko sa pag tulo, ng ma realized ko lahat ng sinabi niya ay himala na may nasabi pa ako sakaniya
" so all this time yung ex mo parin pala, sana nung una palang sinabi mo na para dina tayo umabot pa sa ganito"
" sorry ren pero wala na talaga e hanggang dito nalang" yan lang yung huli niya saking sinabi at umalis na siya sa harapan ko...

na iwan ako dong mag isa habang iniintindi ang bawat salitang sinabi ni kiel sa akin...

The One That Got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon