CHAPTER 6

2 0 0
                                    

CHAPTER 6

na gising nalang ako ng wala'ng ka gana gana dahil sa nangyari kahapon hindi ko na alam kung paano ako naka uwi dito sa apartment basta ang alam ko lang ay sinaktan ako ni kiel...

__________________
ng matapos na ako mag ayos sa aking sarili ay pumasok nako at naka salubong ko si kiys na tumatakbo at sobrang putla
" kiys anong nang yari sayo?" nag aalala ako sakaniya dahil ganoon ang itsura niya
" ren may sumusunod talaga sa'akin hindi lang ako na pa-praning" pag tapos non ay umiyak na siya sa'akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit at hinahayaang kumalma siya

ng matapos na ang klase namin ay lagi ko lang sinasamahan si kiys para kumalma siya
habang dinibdib ko ang mga problema ko ay diko na na aalala yung mga tao'ng tumulong sa'akin nung mga panahon na ng hihina ako isa na don si kiys kaya ngayon ay babawi ako
habang nililibang ko si kiys para makilimot siya sa problema niya ay may nag message sakin galing iyon kag kuya neo na ok na si mama at naka labas na ito ng ospital na ikinatuwa ko ng sobra

________
ng mag gabi na ay naisipan na namin umuwi ni kiys galing sa isang park habang nag lalakad kami ay may nararamdaman ako na sumusunod saamin pero binaliwala ko nalang dahil ayoko naman na umiyak ulit si kiys pero habang nag lalakad kami papasok sa isang eskinita ay.......

may humablot sa'akin kaya itinulak ko si kiys papalayo para makatakbo siya " kiys takbo humingi ka ng tu---" diko na nasabi pa ang huling mga salita dahil agad na tinakpan ang bibig ko

habang nakikita ko na unti unti ng nawawala sa paningin ko si kiys na agad kong ikinatuwa dahil alam kong ligtas na siya

_______________

KIYS POV

habang nag lalakad kami ni rency ay nagulat na lamang ako ng bigla niya akong itinulak at sumigaw ng " kiys takbo humingi ka ng tu---" hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya at tumakbo na ako para humingi ng tulong

habang tumatakbo ako ay kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni daddy para humingi ng tulong
"dad tulungan mo yung kaibigan ko may dumukot sakaniya" habang sinasabi ko ito ay naiiyak na ako pero kaylangan kong tatagan ang sarili ko dahil alam kong ako ang nag dala kay rency sa kapahamakan
"hold on, nasaan ka kiys?" sa tono ni dad ay nahahalata ko na natarantan siya sa sinabi ko

bago kasi mangyari ang lahat ng ito ay may kasong hinahawakan ang daddy ko at ang mga kalaban niya dito ay mga bigating tao na gumagawa ng illegal na gawain

nung nalaman ko na tinanggap ni daddy ang kaso ay nag alala ako pero alam ko naman na mabilis niya iyon na matatapos dahil magaling naman siya na abogado pero dun ako nag ka mali

alam ko naman na normal na para kay daddy na mag karoon ng mga death threats pero ngayon iba....

dahil ngayon ay grabi na ang pananakot kay daddy pati ako ay nararamdaman ko na may nakaaligid lamang sa'akin pero binaliwala ko lamang iyon na sana ay diko ginawa....

______________
ng maka uwi na ako sa amin ay agad na gumawa ng action sila daddy at ang mga pulisya

habang busy sila ay naisipan kong i message si kiel dahil alam ko na mag aalala yon at gagawa yon ng paraan dahil mahal niya si rency
" kiel si rency na kidnap" ilang minuto pa ay nag chat na si kiel
" ha? Paano?" yan yung reply niya sa'akin
tinawagan ko nalang siya at sinabi ang buong pang yayari buti na lamang ay mag kakasama silang tatlo para masabi ko sakanila na kaylangan ko ng tulong

makalipas ang ilang oras kasama kona sila ata tinulungan na kaming hanapin si Rency

habang ang lahat ay busy sa pag hahanap ay bigla ko naisip
" yung cellphone ni rency" napalakas ang sabi ko sakanila kaya napa tigil silang lahat sa ginagawa nila " puwede nating i track yung cellphone ni Rency para malaman natin kung nasaan siya" na alala ko kasi noon noong binili namin ang cellphone niya ay laging naka bukas ang GPS tracker

pag ka sabi ko noon ay agad silang kumilos....

______________________

RENCY 'S POV

pag mulat ko ng mga mata ko ay naka tali na ang mga kamay at paa ko sa isang upuan at naririnig ko na nag tatalo yung mga lalaking kumuha sa'akin
" ang sabi ko sainyo ang kunin niyo anak ni  jake ronove! Bakit iba yang kinuha niyo? Ang simple lang ng pinapagawa ko sainyo para matakot na siyang kalabanin pa tayo sa korte pero anong ginawa niyo?!"
habang sinasabi yon ng matabang lalaki na mukang may edad na ay kung hindi tinatadyakan ay sinasapak naman niya sa sikmura ang mga tauhan niya

ng magawi ang atensiyon niya sa'akin ay sinabi niyang
" idispatya niyo nayan wala naman tayong mapapala diyan sa batang yan!!"
sa mga salitang binitawan niya ay napaiyak nalang ako at nag dasal na iligtas ako ng diyos pero nung susuko na ako dahil parang wala ng pag asa na mailigtas pa ako ay yumuko nalamang ako..

________________

The One That Got Away Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon