SIMULA

20 4 0
                                    


Angela's P.O.V

"Ano bang nangyayari sayo Angela?,hindi ka na ba magtitino?"--napairap nalang ako sa sermon ni Mom.

Feeling ko namamanhid na ang taenga ko sa kakasermon niya,simula pa kanina sa dean's office.Pasalampak akong umupo sa single sofa at pinag-laruan ang susi ng kotse ko.

"Nakikinig ka ba?!"--tamad kong tinapunan ng tingin si Mom,samantalang tahimik lang si Dad habang nakamasid sa bangayan namin ni Mom.

"What Mom?,I told you,hindi ako nag-umpisa ng gulo"--ani ko na ikinasama ng mukha niya.

"Lagi mo naman yang excuse,my god Angela teacher ka pa naman!"--napangiwi ako sa sigaw ni Mom.

ok,below the belt na yun!

"¿Desculpe?(excuse me),Hindi pa ako teacher Mom at tiyaka pangarap niyo yun,usapan natin pagkatapos kong mag-aral ng education,papasok ako ng militar"

Mas lalong nagalit si Mom sa sinabi ko.
"NO!your going to be a teacher,a proffesor not a soldeir!"--galit nitong sigaw.

"And it's a no,ayoko naman mag-teacher pinilit niyo lang ako"--giit ko,napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate ito.

*from: Layson

at CS Bar.

Ngumisi ako at ibinulsa ang phone,muli akong tumayo at isinuot ang jacket ko.

"Where are you going? ,Angela!"--napahinto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Infierno(hell)"--tamad kong saad at muling naglakad papalabas ng bahay.

"¡Vuelve aqui!(comeback here)"

rinig ko ang galit niyag pag-sigaw ngunit inawat na siya ni Dad.

Agad akong pumasok sa loob ng kotse at pinaharurut ito papalayo sa bahay,ng medyo makalayo ay napabuntong hininga na lang ako.

My parents is both proffesor, a history proffesor to be exactly.They want me to be like them but sad to say I don't like,I'm not their dream daughter,who is willing to follow what they want,ayokong mag-teacher dahil gusto kong mag-sundalo na labag naman sa loob nila.

Napahigpit ang kapit ko sa manibela dahil sa subrang pagkakairita.

Pinag-dudul-dulan lagi ni Mom sakin na magte-teacher ako pero pinaglalaban ko ang gusto ko hanggang sa nauuwi nalang lagi sa away namin.

To be honest I hate them,alam nilang makitungo sa iba't-ibang tao,alam nila ang lahat dahil history proffesor sila pero ang tungkol sa akin,sa nag-iisa nilang anak,ni katiting na mga gusto ko hindi nila alam bagkus ay pinipilit nila ang bagay na ayaw ko.

*BEEP!*

Natauhan ako dahil sa malakas pag-beep,nanlaki ang mata ko ng makitang makakasalubong ko ang isang truck,wala ako sa tamang line.

Sa pagkakataranta ko ay mabilis kong pinihit ang manibela kaliwa,little did I know bangin na pala.

Napahungot ako ng hininga at mas lalong dumiin ang kapit ko sa manibela.Napapikit ako ng mauntog ang ulo ko sa manibela at bumagsak ang kotse ko sa tubig.

Bukas ang bintana ng kotse ko kaya agad umapaw sa loob ang tubig.Sinubukan ko pang tanggalin ang seatbelt pero nanghihina na ako at nawawalan ng hininga.

Slowly,everything went black.

*********

Nagising ako sa subrang sakit ng ulo ko,agad akong umupo at hinilot ang noo ko ng may mahawakan akong telang nakapulupot ang ulo ko.

huh?ano naman to?

"Binibini,huwag niyo pong galawin yan"--napalingon ako sa babaeng lumapit sa akin at ibinaba ang kamay kong nakahawak sa telang nasa ulo ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ang itsura niya,naka-barong at saya.
"Anong trip mo at nakaganya ka?may folk dance ka bang gagawin?"--takang tanong ko na sinamahan ng pang-aasar.

Napakunot naman ang noo niya at takang nakatingin sa akin.
"Binibining Leonora,ano pong sinasabi mo?,hindi po kita maintindihan?"

Napaseryoso ako sa sinabi niya,inilibot ko ang paningin ko at biglang nanlaki ang mata ko sa mga nakikita.

Mabilis akong bumaba sa kama at humarap sa salamin,mas lalong nanlaki ang mata ko sa nakikita,kung puwedi lang ay lumuwa na ang mata ko sa subrang gulat.

"AAHHHHH!!!S-Sino siya?!!!,sino siya?,sino ka?"--natatarantang sigaw at tanong ko.

Gulat naman napatingin sakin ang babae.
"Diyos na mahabagin,Binibini ikaw ba'y walang naaalala?,hindi mo ba alam kong sino ka?".

Gusto ko siyang batukan pero nahihilo na ako.
"Mag-tatanong ba ako kong alam ko?,bakit ganito ang itsura ko?hindi ito ang itsura ko!"--galit kong sigaw.

oh my god!

oh my god!

nananaginip ba ako?

"Binibini,ikaw si Leonora Anastacia Huerta,ang anak na babae ni Gobernador Heneral Alijandro Miguel Huerta at Lucia Dela Quintozo-Huerta"--nanlaki ang mata ko sa narinig.

G-Gobernador H-Heneral?

kung hindi ako nagkakamali,Presidente ang ibig sabihin non.

Isa lang ang pumasok sa isip ko...

NASA PANAHON AKO NG MGA KASTILA!

I WOKE UP AS GOBERNADOR HENERAL'S DAUGHTER!!!!....

Woke up as Gobernador Heneral's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon