🍁Chapter 2:🍁Angela's P.O.V
Napangiwi ako ng makita ang itsura ko sa salamin.Nakasuot ako ng magara na barong at saya.Pinag-halong kulay puti,itim at ginto.Bukod don ay nakalugay ang mahaba kong buhok,ay di pala kay Leonora pala buhok.
Napatingin ako sa mukha ko.Kung tutuosin ay may pagkakahawig kami ni Leonora.Mag-kaiba nga lang ang kulay ng mata,buhok at kutis namin.Balance lang ang kulay na kutis ko,samantalang hazel brown ang mga mata ko.Kulay itim na may halong abo ang buhok ni Leonora,asul naman ang mata at napaka-puti ng kulay ng balat.
sanaol mestisa.
Napahawak ako sa aking pisngi ng makitang mapula-pula ito,parang sinampal sa pagkapula,maganda rin ang hugis ng mukha ni Leonora halata talagang may lahi.
"Ang ganda naman natin"--ngingiti-ngiti kong ani.
"Binibini,ano...."
"AY MAGANDA!,ano ka ba naman Alma,don't you know how to knock?"--napahawak pa ako sa may bandang dibdib.
jusme kapag nagpatuloy ang sunod-sunod na gulat baka atakehin na ako sa puso.
"Binibini,kakain na po at tiyaka huwag ka pong mag-salita ng ingles hindi po kita maintindihan"--napapakamot pa siya sa ulo.
Tumikhim ako at umayos ng tayo,taas noo akong humarap sa kanya at pinakatitigan siya.
"Fine,tara na nagugutom na rin ako"--nilagpasan ko siya hanggang sa makalabas kami ng kuwarto ko.Bumungad sa akin ang malawak na sala at ang malaking balkonahe,may hagdan din akong nakikita na gawa sa marble,pinag-halong kulay brown at nude.Pumantay sa paglalakad ko si Alma.
Napapahiya akong lumingon sa kanya at ngumiti.
"Hehehe...hindi ko pala alam ang daan,una ka na"--lihim akong napairap ng tumawa siya ng mahinhin.Panay lang ang sunod ko sa kanya ako naman ay palinga-linga sa paligid.Subrang ganda at gara ng paligid.Spanish na spanish ang style.Mula sa mga magagarang kurtina,mga antic and gold furnitures and Paintings.
"Ingat po sa pag-baba Binibini"--lumingon pa si Alma para i-check ako.
Hindi naman ako bata para alalayan.Minsan nga noon sinasakyan ko pa ang railing ng hagdanan namin tapos nagpadaos-os pababa.
Napatawa ako ng may sumagi sa isip ko,subukan ko nga ulit yun dito,mukha kasing magandang gawin.
"Kamahalan,nandito na po si Binibining Leonora"--napalingon na ako sa harap,nandito na pala kami sa dinig area.
Ngumiti ako sa kanila.
"Buenas dias"--(good morning)--nakangiti kong bati sa kanila."Buenas dias Novia(sweetheart),halika at tayo ay kakain na"--tumango ako sa umupo sa bakanting upuan sa tabi ng asawa ni Gobernador Heneral.
Huhuhu...nakakatakot naman ng babaeng to kung tumingin,naiilang ako sa kanya.
"Ipinahanda ko ang paborito mo Leonora,nilagang manok na may payaya na may anghang,kumain ka ng marami"--ani ng asawa ng Gobernador Heneral,hinimas nito ang mahaba kong buhok habang nakangiti,akala ko pa naman masungit.
Ngumiti ako sa kanya.
"Gracias(thank you)"Kumain kami ng tahimik,as in tahimik tanging tunog lang ng mga kubyertos ang maingay.
Naalala ko pala ng itinuro sa akin ni Mom na ang ugali ng mga tao noon ay iba.Pag-dating sa hapag kainan.Kapag nag-umpisa ng kumain,hindi kayo puweding mag-usap dahil may tamang oras ang usapan,at walang tatayo hangga't hindi natatapos ang lahat o di kaya naman maunang tumayo ang padre de pamilya bago tumayo ang ibang miyembro.
BINABASA MO ANG
Woke up as Gobernador Heneral's Daughter
RomanceAko si Angela Marie Martinez,ang babaeng napunta sa sinaunang panahon.Hindi ko naman alam kung paano.Nalaglag lang naman ang kotse ko sa bangin at pag-gising ko? My god,My god! NAPUNTA AKO SA SINAUNANG PANAHON,ang panahon ng mga kastila and worst? a...