Chapter 1:

15 6 0
                                    

🍁Chapter 1:🍁

Angela's  P.O.V

Nakakunot ang noo ko habang nakaupo sa kama.Nasa harap ko lang naman ang Gobernador Heneral at ang asawa at dalawang kapatid ko pa daw.Ang iba naman na kamag-anak daw namin ay nasa harap ko rin at mataman lang akong pinag-mamasadan.

"Navia,estás bien?"--(Sweetheart,are you ok).
Malambing na tanong ni Gobernador Heneral habang hinihimas ang mahaba kong buhok.

Jusme,pati ba naman dito spanish pa rin ang salita?

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.Tila nahalata niya na wala akong paki dahil mababakas ang lungkot sa kanyang mukha.

"Nakarating sakin ang balitang nangyari sayo Anastacia.Lo siento ngayon lang nakarating ang Papa"--(Lo siento-I'm sorry).Napalingon ako sa sinabi niya.

Marunong naman palang mag-tagalog pinapahirapan pa ako,dagukan ko kaya to?,ay wag nalang baka bunutin niya ang espada na nakasabit sa bewang niya.

"S-Sino ka ba?,sino ba kayo?what the hell is happening!"--nanlaki ang mata nila sa sinabi ko at halos gusto ko ng sampalin ang sarili ko sa nasabi.

Bobo Angela,cge mag-english ka pa nyeta ka.

"Tama ba ang aming narinig?nakapag-salita ka ng ingles?"--tila hindi makapaniwalang utas ng babae.

"Hermano,kung ano-ano na naman ang binabanggit ni Leonora"--(hermano-brother).Ani naman ng isang lalaki.

Matangkad,maputi at guwapo din siya.May itsura amp pero hindi ko gusto ang paraan ng pananalita niya.Feeling ko kumukulo dugo ko sa kanya.

Tumikhim ako at umayos ng upo.
"E-Ewan,h--hindi ko alam,ba't ba tinatanong mo ako?sino ka ba?"--gusto ko ngang pagtaasan ng kilay ang babaeng to,halata sa itsura na hindi maganda ang ugali.

"Cállate!,huwag niyong pilitin ang aking anak"--(Cállate-shut up).Nagulat ako sa medyo pagtaas ng boses ng Gobernador Heneral,wala man lang pasabi na sisigaw mahilig pa naman ako sa kape kaya magugulatin ako.

"Lo siento Kamahalan,ako ang kapatid ng iyong Mama,ako ang iyong Tiya Mathilda,ang aking anak na iyong pinsan si Margarita."--napalingon ako sa katabi niyang babae.

Ngumiti ito sa akin ngunit halatang peke,sus teh masyado ka namang halata,tadyakan kita eh.
"Plastik"--bulong ko na mukhang narinig ng Gobernador Heneral.

"Anastascia,soy tu Papa,hmm naaalala mo ba?"--(I'm your Papa).Medyo naninibago ako sa Papa,mabilis kasi ang bigkas.

I'm not your dauhter,huhuhu!

Ngumiti ako sa kanya na ikinangiti niya rin.
"Déjala descansar, descansar Anastascia"--(Let her rest,rest Anastascia).Humalik ito sa noo ko at tumayo.

Walang pasabi na nagsilabasan ang iba maliban kay Alma na siyang katulong ko raw at sa dalawa ko pang kapatid na lalaki.Lumapit sa akin ang isa na sa pagkakaalam ko at pangalawang anak.
"Ako'y hindi naniniwala na hindi mo kami matandaan,sa subra mong pilya sigurado akong nagsisinungaling ka"--nanliit pa ang mata nito habang inilalapit ang mukha sa akin,napa-atras naman ako sa ginawa niya.

Amp*ta!lakas ng loob!

Tinulak ko ang mukha nito gamit ang palad,gusto ko sanang sampalin eh.
"Ang baho ng hininga mong ugok ka"--inis kong sambit.

Napaatras siya at tila hindi makapaniwala na nakatingin sa akin.
"Narinig mo ba ang isinambit niya hermano?"--(brother).

Ngumiti lang sa amin ang sinasabing nakakatandang kapatid daw namin.
"Magpahinga ka na Leonora,Antonio tigilan mo na iyan,baka masampal ka na naman niya"

Babanat pa sana ang Antonio ng hilahin na siya palabas.Naiwan na lang kami ni Alma.Sa kanya naman ako napatingin habang siya ay inaayos ang kama ko.

"Alma,anong nangyari sa akin?ba't may ganito sa ulo ko?"--taka g tanong ko habang hinahawakan ang telang nakatali sa noo ko.

Gulat na napatingin sa akin si Alma at umupo sa harap ko.
"Hindi niyo po ba naaalala?"--inulits naman toh,napairap ako sa sinabi niya.

"Hindi ako mag-tatanong kung alam ko"--gusto kung malaman kung anong nangyari sa totoong Leonora Anastascia,baka magkaroon ako ng idea kung pano ako napunta sa panahong ito.

"Bigla ka pong nawala rito,pinahanap ka po ng Tiya Mathilda mo at napag-alaman na nasa kagubatan ka raw,nag-dala ng mga tauhan ang Tiya mo at hinahanap ka.Natagpuan ka nilang nalaglag sa hindi kataasang bangin at nabagok raw ang ulo mo."--hindi ko alam na may pagka-jungle itong si Leonora Anastascia.

Sa pagkaka-alam ko ang mga kababaehan sa panahong ito ay pino kung kumilos,babaeng-babae.Anong trip nitong si Leonora?

"Anyway,saang gubat ba?"--tanong ko sa kanya.

May itinuro siya sa labas ng bintana kaya napalingon ako.Malawak na kagubatan at sa malayo makikita mo ang malawak na dagat?ilog?sapa? di ko alam.

"Diyan po,ang gubat ng ligaw"--napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.Muntik pa akong matawa.

gubat ng ligaw?

"Ba't naman gubat ng ligaw?haler ang bantot ng pangalan"--natatawang usal ko na ikinakunot na noo niya at maya-maya ay napatawa na rin.

"Napaka-sutil mo talaga Binibini,tinawag po yang gubat ng ligaw dahil napakalawak,sa subrang lawak marami ang naliligaw ngunit may tamang daan naman sa gubat na iyan.Huwag ka na pong babalik don,maraming kuta ng rebelde"--ako naman ang napakunot ang noo.

Tumingin ako sa bintana,sa malayo tanaw na tanaw ang malawak na kagubatan.Hindi nga imposible na may rebelde diyan.Ayun sa kaalaman  ko,kung saan saan daw gumagawa ng kuta ang mga rebelde sa mga tago o masusukal na kagubatan.

"Ihahanda ko lang po ang isusuot mo mamamaya Binibini,mag-pahinga ka muna"--iniwan akong mag-isa ni Alma.

Muli kong ibinalik ang tingin sa malawak na gubat.Hindi ko maintindihan,para bang may nagtutulak sa akin na pumunta don kahit alam kung binataan ako tungkol sa gubat na yan.Tila bang may nag-sasabi 'Halika,lapit ka'.Napailing-iling ako sa mga naiisip.Hindi dapat ako matakot,baka nga nasa gubat na yan ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Bigla akong humilata na ikinadaing ko dahil nakalimutan ko palang may injured ang ulo ko.Bobo talaga Angela,tsk!

ang totoong Leonora kaya?asan na kaya siya?

Nag-kapalit ba kami ng kaluluwa?

o nandito pa rin siya sa katawan nato,natutulog lang?

o di kaya,patay na ba siya?kaya akong napunta dito?

Arrghhh kainis naman eh!

Napabuga ako ng hininga.Kailangan kung malaman kung anong nangyari.Lord naman ililipat niyo naman lang ako sa isang anak pa ng Gobernador Heneral.Puwedi namang pure pilipino,di kaya indio,huwag lang español,kalaban yan ng mga rebelde eh,tapos sa huli talo ang mga español.

jusmeng buhay naman to eh!

____
NEXT CHAP.

slow ud ko guyz kaya hintay-hintay lang.
GRACIAS😊

Woke up as Gobernador Heneral's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon