Simula

18 4 5
                                    

Some scenarios maybe inspired by other stories, dramas and so on. Typographical errors, Grammatical errors ahead. Thank you.

This is only a work of fiction.
PLAGIARISM IS A CRIME.

"Umuulan, Galaxy! Ano bang naisipan mo at naglakad ka pauwi?!" Si Mama 'yon, naglakad ako pauwi at hindi ko naman inaasahan na uulan. Hindi ako nakapagdala ng payong, heto ako ngayon, nasesermonan ng nanay.

"Ma, Hindi naman ako mabilis magkasakit, Ayos lang ako." Tumingin ang nanay ko sa akin nang may pag-aalinlangan, ngumisi lamang ako. Tuluyan nang umakyat patungong kwarto.

"Gal, nagpa-ulan ka daw?" Sa tono ng aking kambal ay batid kong nag-aalala ito. Sinapo niya ang aking noo, ngumiti din naman nang nasiguradong hindi naman ako mainit o kung ano.

"Ayos lang ako, para kayong baliw ni Mama." Natatawa kong sambit. Nasa iisang kwarto kami ng kambal ko, hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin, sakto lang para sa aming tatlo. Si Mama, Kael, at Ako. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang tatay namin. Bago palang kami ipanganak ay nagloko ang tatay namin at iniwan si Mama. Ganoon nalang din ang galit naming pareho ni Kael kay Papa pero mas lalo lang ako nakukuryoso na makilala siya sa tuwing naiisip ko siya.

"Magbihis ka na at baka magkasakit ka pa, lalabas na ako." Lumabas si Kael pagkatapos niya magsalita. Sinunod ko naman ang gusto nito at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na rin ako dahil sinigaw ng kambal ko na kakain na raw.

"Balita ko dumayo na sina Claudia sa Australia," Bahagya akong napalingon kay Mama. Umalis sina.. Primo? "Alam mo na ba iyon, Anak?" Tanong ni Mama, agad na umiling ako.

"Hindi sinabi sa iyo ni Primo? Bakit?"

Oo nga pala, hindi pa alam ni Mama. Ngumiti ako kay Mama. Napatingin sa banda ni Kael, binibigyan ako ng makahulugang tingin.

"Baka po ayaw niya lang mahirapan na... iwan ako," Pero nagawa na niya.

"Kung sabagay, Halika na. Kakain na tayo," Sabay ngisi ng nanay ko. "Kael!" Tawag ni Mama sa kambal ko. Agad din namang sumunod at naupo sa tabi ko.

"Ma, gusto ko ulit mag varsity." Ani Kael.

Parehas kaming napalingon ni Mama kay Kael.

"Hindi ba't napag-usapan na natin ito, Kael?" May banta sa tono ni Mama.

"Mama! Bata pa ako noon nung nabalian ako, please?" Nguso nito, Napa-ismid ako sa inaasal ni Kael.

"Muntikan ka ng hindi makalakad noon, Kael. Talagang gusto mo pa maulit ang nangyari?" Si Mama.

"Pero hindi ko naman po sinabing mauulit iyon." Pilit pa ni Kael.

"Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo, Kael." Sabi ni Mama at naglagay na ng pagkain sa plato niya. Kahit ako ay ayaw ko ding maglaro ulit si Kael ng basketball. Pero kung iyon naman ang kagustuhan niya, ay malamang na sa huli ay susuportahan ko din ang kanyang gusto.

"Bubba, usap tayo sa labas." Anyaya ni Kael. Bubba ang tawagan namin minsan. Mahilig kasi ako dati sa bula, bubbles kumbaga, tinatawag ko itong Bubba dahil nga bata pa ako, hindi pa ako masyadong marunong magsalita.

"Ha? Sige, tapusin ko lang 'tong hugasin." Ngumiti ako at pinagpatuloy ang paghuhugas. Tumulong naman si Kael na pagtuyo ng mga plato.

Tinitingnan namin ang kalangitan habang dinadama ang katahimikan. Napangisi ako sa ganda nito, lalo na ng mga bituin. Sa tuwing sinusulyapan ko ang mga bituin ay parang nakikita ko ang sarili ko sa taas.

The Star That Shines on Above Where stories live. Discover now