01

10 4 9
                                    

Back

Galaxy's POV
Hindi ako sigurado kung si Kave nga iyon, hindi ko na kasi matandaan kung kailan ang huling pagkikita namin. Siguro noong mga siyam na taon pa ako, ngayong labing-anim na taong gulang na ako ay malamang na hindi ko na tanda ang mukha nito, pero bakit si Kave agad ang pumasok sa isipan ko?

"Hoy ang ganda pala ng boses mo?!" Si Zaileen, umiling lamang ako.

"Hindi naman, marunong lang.." Ngumisi ako.

Nagpatuloy na ginaya ni Zaileen ang pagkanta ko at mukhang dinadama pa, tumawa ako at napatingin nalang kay Zaiver. Bahagya akong nagulat nang maabutan ko ang titig niya sa akin.

Umupo ako sa upuan na katabi lang din ni Zaiver. Ngumiti ako sakanya. Ngumiti naman siya pabalik pero agad na binaling ang tingin sa harap.

"Didn't know you were that good." Biglaang banggit ni Zaiver. Ako ba ang kinakausap niya? Napalingon ako dito at nakatingin siya sa akin, mukhang ako nga ang kinakausap.

"Ah, hindi naman. Marunong lang talaga." Pagtanggi ko.

"Even your voice is beautiful."

"Huwag ka ngang bolero!" Tumawa ako.

Umismid lang ito at nilagok ang nasa baso niya. Naka-kunot ang noo, nakatingin sa may kabilang lamesa. Napabaling din tuloy ako sa tiningnan niya!

Si Kave iyon! O siya nga ba talaga? Hindi ko alam. Basta pamilyar ako sakanya.

"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" Tanong ni Zaiver. Nagtataka kung bakit tinanong pero kalaunan na tumango ako ng mabagal. Hindi sigurado.

"You're not sure?"

Muli akong tumango "Hmm, Pamilyar. Pero hindi ako sigurado."

"I saw you looking at him earlier,"

"He's a Varez. Modeling. Lumalabas din sa Commercials. He's pretty popular, sa ibang bansa. Hindi siya masyadong exposed sa bansa natin." Dagdag pa ni Zaiver.

Bahagya pa akong napatulala sa sinabi niya. Modeling? Ang ibig sabihin noon ay talagang gwapo nga siya! Kahit malayuan!

"Kilala mo siya? Paano?" Tanong ko at napatingin na kay Zaiver.

"Simple, because we're cousins." Sabi nito. Napanganga naman ako sa gulat. Ano daw?! Pinsan?!

"Bakit mo pa tinanong sa akin kung kilala ko ba ang lalaking iyon? Parang hindi mo kilala pero kilala mo naman pala!" Hindi pa mawala sa mukha ko ang pagkagulat.

"Iniisip kong interesado ka sakanya.. Why not ask you? Or maybe, Why not introduce you to him, huh?" Nakangisi na ito na parang pinaglalaruan ako nito.

"Anong ipakilala? Ayaw ko nga!" Naramdaman ko ang pamumula ng mga pisngi.

"If you say so. You might regret it." Nagkibit-balikat lang ito.

Pinagpatuloy lang namin ang pag-uusap. Minsan sumeseryoso, minsan nagbibiro. Hindi ko rin maiwasan na mapatingin sa banda ni Kave.. este nung lalaki.

Bakit ba ako Kave ng Kave? Hindi naman ako sigurado!

"Anong pangalan niya?" Ngumuso ako sa banda nung lalaki.

"CK." Si Zaiver.

"CK lang?" Tanong ko.

"Well, that's what we call him."

Tumango nalang ako. Hindi na tinanong ang buong pangalan. CK Varez? Gumagamit kaya iyon ng Social Media? Paniguradong oo, lalo na't Model nga daw.

The Star That Shines on Above Where stories live. Discover now