Childhood Friend
Nakatulala akong naglalakad sa pasilyo ng eskuwelahan pagkapasok ko.
Halos matumba dahil niyakap agad ako ni Yami. "Oh my gosh, babe! Anong nangyari sa 'yo? Pumapangit ka!"
"Wala.." Bumuntong hininga nalang ako. Sino ba kasi iyon?! Hindi kaya..
Galaxy! Imposibleng kilala ka pa no'n!
"Anyway, BFF! Sa atin na sasama si Hara simula today! Napagalitan siya last night and hinabilin siya ng parents niya sa akin. Okay? Okay!" Masigla ang boses ni Yami. Ngumiti nalang ako.
"Galaxy!"
Napalingon naman ako kung saan nanggaling ang boses. Ah, kambal ko lang pala.
"Nagkapalit tayo ng I.D! Tanga-tanga?" Babatukan pa sana ako ni Kael pero agad na pinigilan ni Yami si Kael.
Wala sa sariling napatingin ako sa uniporme ko kung tamang I.D nga ba ang suot ko. Kay Kael nga ang I.D!
"Kung hindi ka lang sana sasabaw-sabaw ay- Woah, sino 'to?" Napatingin si Kael kay Hara.
"Uh, si Hara. Kaibigan ko." Sagot ko.
Nagtagal ang tingin ni Kael kay Hara. Napataas ang kilay ko.
"Kael." Pagpapakilala ni Kael.
Kilala ko ang kambal ko. Lumalamig ang tono kapag nagagandahan o galit. Hindi ko alam kung bakit pero may saltik ata ito sa utak.
"H-Hara. Harana Taniguchi." Nahihiyang sambit ni Hara. Ang ganda ng pangalan niya. Harana.
"A-Akin na I.D ko!" Si Kael. Aabutin ko pa sana sakanya ngunit hinablot nalang niya iyon bigla at inihagis sa akin ang I.D ko.
"You're bastos talaga e 'no?!" sumigaw si Yami. Pinulot ang I.D ko at isinuot sa akin. Nakita ko na tahimik na pinagmamasdan ni Hara si Kael na palayo na sa amin.
Hindi rin nagtagal ay naghiwalay din kami nina Yami dahil magkaiba kami ng section. Si Hara naman ay mas bata sa amin ng isang taon.
Tahimik akong umupo. Nagbabasa ng libro. Bagong libro ito, hindi ko pa nababasa at batid kong maganda raw ang daloy ng storya ayon sa mga ibang nakatapos na nito.
Napatigil ako sa pagbabasa. Tiningnan ang likod ng libro, tiningnan ko kung sino ang manunulat.
miss_serenade
Napangiti nalang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa.
"Goodmorning students."
Agad na napatigil ako sa pagbabasa. Tumayo upang bumati na rin kay Ma'am Alex.
Kalaunan ay pinaupo na kami ni Ma'am at nagsimula na magturo. Nakikinig lamang ako, sumasagot din kapag alam ang sagot sa mga sinisingit na mga tanong.
Hindi rin halos makapag focus dahil nga sa ingay na nanggagaling sa likuran ko. Hindi ko alam na ganiyan kadaldal si Michaella. Kulang nalang ay halos buong buhay niya ay i-kwento kay Kave.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapabaling sa banda nila. Kita ko ang mga mata ni Kave na nagtama agad sa paningin ko. Gano'n nalang din ang bilis ng pag-iwas ko.
Maaaring siya ang naglagay ng papel na iyon pero imposible rin na matandaan niya ako. Umalis siya bigla nang hindi nagpapaalam man lang sa akin. Hindi ko alam kung saan sila pumunta pero sabi ni Zaiver, modelo daw ito sa ibang bansa.
Napangiwi ako sa sariling pag-iisip na araw-araw dinudumog si Kave kahit saan magpunta sa ibang bansa.
Hindi ko na namalayan ang oras. Ang tagal ko palang nakatulala nalang at nakatingin sa may bintana. Sa may gilid ng bintana ako naka-upo.
YOU ARE READING
The Star That Shines on Above
Novela JuvenilThe stars completes the sky every night, she's the star that shines so bright that he can't take off his eyes on her. Just like that, she's the girl that completed his life. A girl named Galaxy, shines the brightest in his sight, and a lady who drea...