APRIL, 2014
ANG mainit na simoy ng hangin ay humahampas sa aking balat, ngunit hindi ko yun pinapansin. Bagkus, nakatuon lamang ang aking isipan sa kung anuman ang pwedeng mangyari mamaya. Tama ba ang aking gagawin? Ano kaya ang maaring mangyari pagkatapos nung bagay na iyon?
Muli na naman akong natulala, at hindi ko maunawaan ang aking sarili. Parang gusto kong umatras at huwag na lamang pumunta sa kaganapan na ito. Huminga ako ng malalim at napailing-iling sa sarili, ano ba talangang nangyayari sa akin?
Desidido na ako noong una, bakit muli akong aatras? Kasabay ng aking pagpikit ng aking mga mata ay pagtakbo sa aking isipan ang iba't ibang mga eksena na kasama ko siya. Napangiti ako ng mapait, kailangan kong sabihin ang lahat bago siya umalis ng bansa.
"Dianna." tawag niya sa akin. Nandito ako sa isang waiting shed sa labas ng resort na pupuntahan naming mga magkaklase.
"G.." sambit ko sa palayaw niya na binigay niya sa akin noon, ngumiti ito at hinawakan ang aking kamay.
"Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya, umiling ako bilang tugon. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at mabilis na hinatak ang aking kaliwang kamay. Marahil, pupuntahan naming ang aming mga kaklase.
"Tara na! Naghihintay na sa atin sina Kuya Travis."
Hinayaan ko lamang siya dalhin ako kung saan kami tutungo, at muli na naman lumipad ang aking isipan, batid ko sa aking sarili na hindi ako mapapahamak kapag siya ang kasama ko.
Habang hawak niya ang kamay ko, damang-dama ko ang tibok ng aking puso tila isa itong napakalakas na tambol na pabilis-bilis ang ritmo. Pilit kong pinapakalma ang sarili, ganito kalakas ang epekto niya sa akin.
"Ang tagal naman ninyo Dianna at Geoff." Untag sa amin ni Kuya Travis pagdating naming sa harapan niya, ang lahat ay nandito na... tanging kaming dalawa na lamang ang hinihintay.
"Head count!" utos ni Kuya Travis, lahat kami ay sumunod.
"44."
"45!" I said, ako ang last number.
Napatango naman si Kuya Travis at agad na itong nagpunta sa cashier upang magbayad. Habang ang lahat ay bumalik sa kani-kaniyang mundo, habang ako hindi maiwasan matulala bigla. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa kamay ko, at pumunta ito kung nasaan ang kanyang kapatid... kay Kuya Travis.
"Ayos na ang lahat. Tara na! Bago pa matapos ang araw." Sambit ni Kuya Travis, lahat kami nagtawanan at nagsigawan. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob, dahil sagot naman nina Kuya Travis at Geoffrey ang entrance fee.
Parang narentahan ang buong resort dahil kaming buong klase at kasama ang iba naming guro ang narito sa loob ng resort. Ang iba ay nagpunta sa ibang cottage ang iba naman ay inayos ang mga pagkain, habang ako naman ay tulala at hindi mapalagay.
Nanatili lamang ako nakatayo, para bang wala sa sarili. Napabuntong-hininga ako, kung tutuusin, iilan lamang kapalagayan ng loob ko sa buong klase kaya hindi ko alam kung kanino ako sasama, at hindi ko pa nakikita ang best friend ko na si Megan.
"Besh, bakit parang umiiwas ka ata? May problema ba?"
"Megan! Wag kang manggulat!"
"Sorry na besh, kanina ka pa wala sa sarili. Hindi kita malapitan kanina kasi alam ko naman na siya ang hinihintay mo." bulong nito sa akin. Napahawak ako sa kamay niya, at nakatingin lamang ito sa akin.
"Ayos ka lang ba talaga? Pwede naman tayong hindi tumuloy dito, sasamahan kita kung saan mo gusto."
"I'm okay, it is just that...I am planning to confess to someone." Sabi ko na bahagya pang napayuko, habang nanginginig ang aking mga kamay.

BINABASA MO ANG
Her Escort
Ngẫu nhiênOriginally a Daragon/Nyongdal Alternate Universe Twitter Serye. Language: Tagalog/Filipino-English Dianna Pascual fell in love with her classmate named Geoffrey King which is actually 4 years older than her.. she decided to confessed her feelings bu...