~Chapter 1~

32 2 2
                                    


NAGISING si Fauzia sa sikat ng araw na tumatama sa mata niya. Nakatulog na lang pala siya sa tabi ng kalsada kasama ang iba pang walang matirhan tulad niya.

Kailangan niya nang makahanap ng trabaho sa lalong madaling panahon kundi sa lansangan na talaga siya pupulutin.

----

Nakalimutan ko pala magpakilala. Ako nga pala si FAUZIA AVAUGHN CLAURRO! 23 years old NBSB. Half Brazilian, Half Filipina ^_^ Wala na akong mga magulang si lola nalang nagpalaki sakin ang lola Sunny ko ^_^, kwento sa'kin ni Lola Sunny namatay daw tatay ko sa isang car accident at ang nanay ko naman sa pag panganak sa'kin. Si lola Sunny dati siyang katulong ng mga Claurro. Akalain mo nga naman dati pala kaming mayaman tapos ngayon eto palaboy laboy ako sa kalsada . -_-

Simula nu'ng namatay ang tatay ko sa trahedyang yun unti unti na daw nawala ang ari arian namin. Yung sarili naming kompanya napabayaan na at bigla nalang naglaho siguro dahil kinuha na yun kabayaran sa utang ng kompanya, di naman alam ni lola kung kanino napunta. Kaya naman umalis na si lola Sunny at bumalik na siya sa probinsya at dinala niya ako doon, simula nun siya na nagpalake sakin at nagpa aral. Byuda na si lola nung naninilbihan in siya sa aking pamilya. Namatay ang asawa niya sa sakit na bone cancer, mag isa na din sa buhay si lola sunny kasi hindi naman daw sila nagkaron ng anak ni lolo Jun pero kinaya niyang palakihin at pag pa aralin ako.

Nakapag aral ako ng second year college sa kursong business Ad. Pero natigil din ako nung namatay si lola at napilitan akong lumuwas ng manila para magkapag trabaho at buhayin ang sarili ko. Ayaw ko man iwan ang probinsya pero kailangan.

Tumulo ang luha niya sa alaalang iyon ng kanyang lola.

Pero kahit na ganun pinalake ako na matapang at matatag ni lola. Palaban ata to dami ko nga kaaway na boys sa school dati kahit babae.

----

"Ayus ka lang ba jan Zia? Pasensya ka na sa tinitirhan ko ha". Hinging paumanhin sa'kin ni Tina na parang nahihiya pa.

Classmate ko siya noong High School. Ang kaso nga lang natigil din siya sa pag aaral noon sa kadahilanang nagkasakit ang nanay niya at binawian din eto ng buhay kalaunan. Sya na din inasahan sa pamilya kaya tuloyan na siyang hindi nakapag aral. Nakasalubong ko siya sa kalsada at namukhaaan niya ako.

" Ano ka ba, okay lang ako rito. Sanay naman na ako Tin" Sagot ko sakanya habang nakangiti.

"So ano na balak mo ngayon?" Tanong niya

"Maghahanap na ako ng trabaho bukas. Nakakahiya naman kasi sayo kung tumagal pa ako rito, kailangan ko makahanap ng trabaho eh"

Ginagap niya kamay ko " alam mo ayus lang naman kasi na dumito ka mo na. Wala naman ako kasama."

"Wala na kasi bakante sa pinapasukan kung resturan" pagsusumamong dugtong niya pa.

"ayus lang Tin, sa pagpapatuloy mo palang sakin sobrang laking tulong na. Nagyakapan kaming dalawa".

Nakwento ko na kasi sakanya lahat ng nangyare.

The Arrogant Billionaire ( Slow-update)Where stories live. Discover now