Chapter 1: Book
Alluna's POV
"Happy birthday po ate Al!" masiglang bati sa kin ni Kelly kaya napaangat ako ng tingin mula sa librong binabasa ko habang nakangiti, bestfriend siya ng kababata kong kapatid at nakababatang kapatid siya ng ate-atehan ko kaya medyo close kami.
"Thanks Kell, nasaan na regalo ko?" Maloko Kong sagot pero mahina lang dahil nasa loob kami ng library.
"Ayy hahhahaha... meron kaming gift sayo ni ate teh, pero siya nalang daw magbibigay sayo mamaya." Sagot niya naman na ikinatuwa ko, mwehehe. Makakaipon nanaman ako ng malaki- laki ngayong birthday ko. Marami nanaman akong mabuburautan- char!
"Ayyy, nice nice aabangan ko yun mamaya" natutuwa ko naming sabi na ikinatawa niya.
"Magugustuhan mo yun ate, pero tanong ko lang po... bakit wala po si Aia ngayon?" tanong niya.
"Ahhh... sinusumpong nanaman ng kabaliwan yung batang yun kaya di pumasok... puntahan mo mamaya nandun lang yun sa bahay." Sagot ko ng nakasimangot, naalala ko nanaman yung alitan naming kanina, pambihirang bata... lagi nalang kami nun nagaaway dahil nakakatamad daw mag-aral, tsk.
Nagpaalam narin si Kell sakin dahil may gagawin pa daw silang group project... lumapit naman si inang librarian sa akin.
"Hi Nay!" napasimangot naman siya agad sa nickname ko sa kanya... sanay na kasi akong yun ang tawag sa kaniya kahit ayaw niya dahil lagi naman akong nakatambay dito sa library, alam ko naman gusto niya ring tinatawag ko siyang nanay dahil 50 years old na si nanay Flora at wala na siyang pamilya dahil wala siyang anak.
"Heh! Pinapatawag ka daw ng lolo mo!" natawa naman ako sa sinabi niya, hindi ko naman totoong lolo yung dean namin close lang talaga kami dahil mag- bestfriends si dean at ang biological grandfather ko, ako rin yung student council president at isa daw ako sa mga pinagkakatiwalaan niya sa pag- handle ng mga estudyante sa school.
'Of course, ikaw ba naman magkaroon ng apo na may malansang paguugali'.
Umalis na ako kaagad sa library dala yung librong hiniram ko, hindi ko na siya pinarecord dahil alam naman ni Maam Flora na ibabalik ko rin toh kapag natapos ko nang basahin.
Naglalakad na ako sa hallway ng nakita kong nagkukumpulan yung mga estudyante sa gitna kaya lumapit naman ako.
'hmmm... nangangamoy gulo- amoy mabaho! Charot!'
Sumeryoso kaagad ako ng makita kung may nangbubully nanaman sa kapuwa niya estudyante, nakahawak yung mas malaking lalaki sa lalaking may salamin at halatang nanginginig na dahil sa takot.
'pshh ang duwag naman ng lalaking toh maghahanap na nga lang ng away dun pa sa mas maliit sa kanya...'
Ginala ko yung paningin ko sa mga estudyante na nakapalibot at nakikitsismis, at ang iba nakikitawa pa, mga baliw din tong mga toh imbes na tulungan ginawa pang entertainment.... How stupid!
Napalingon sila lahat sa akin... ohhhh, nasabi ko pala yun ng malakas! Oh well... its time to act as the president.
Taas noo akong lumapit sa gitna ng eksena, habang seryosong nakatingin sa harapan.
'Seriously kapag nakita ako nila Za ng naka ganito paniguradong iiyak na yun sa kakatawa'.
"Put him down" Seryoso kong utos sa lalaking matangkad, pero ang loko inaasar pa ata ako't hindi siya sumunod. Yawa naman oh.
"Bingi ka ba, o hindi nakakaintindi ng english?" tanong ko habang nakataas ang kilay at may bahid ng pagkairita.
YOU ARE READING
Into the Book: Journey Across The Fantasy Realm
FantasyHear ye all and be wise, The darkness is our demise, A troop will come and save the land, From up the sky they will land, Protect the one that holds the book, The key to rise the sacred hood. Alluna Maven X. Morales has always been contented with he...