KABANATA 1

545 44 1
                                    


[KANLURAN]

Maingay, puro sigawan at iyakan. Ayan ang narinig ko nang magising ako isang gabi. Agad akong sumilip noon sa bintana ng aking kwarto.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga taong tumatakbo habang patuloy na hinahabol ng mga lobo. Lubos pa akong nagtaka dahil ang isang tao kanina ay biglang nag-anyong lobo at agad na sinunggaban ang isa sa mga kapitbahay ko.

"K-Kuya? A-Anong nangyayari?" tanong ng sampung taon kong kapatid na si Aikee.

Patuloy kaming nakasilip nang biglang bumukas ang pinto. Nagmamadaling pumasok si Mama at si Papa. Kita mo sa mukha nila ang kaba.

"Magsibaba kayo!" sigaw ni Mama at agad kaming nagtungo sa baba.

"M-Ma? Anong nangyayari?" tanong ko habang patuloy na bumababa sa hagdan.

"Huwag nang maraming tanong anak. Magtago kayo ng kapatid mo sa kusina," ani Papa.

Patuloy naming naririnig ang mga sigawan sa labas hanggang sa marinig namin ang malakas na kalabog sa pinto.

"Magmadali kayo!" sigaw ni mama at agad na inangat ang kung ano sa ilalim ng lamesa. Doon ko nakita ang isang madilim lagusan.

"Huwag kayong lumabas hanggang naririnig niyo ang mga kaluskos. Huwag kayong mag-alala dahil may mga pagkain roon," sabi ni Papa.

Muli naming narinig ang malakas na tunog. Nagsimula nang umiyak si Aikee habang ako ay agad na pumasok.

"Sundin mo ang sinabi ko, Felix. Ingatan mo ang kapatid mo. Huwag niyong pabayaan ang isa't isa," sabi ni Papa bago tuluyang ibaba ang pinto ng aming pinagtataguan.

Simpleng buhay. Ayan lamang ang tanging hiling ko simula nang magkamalay ako sa mundong ito. Pero hindi ko maiwasang manlumo dahil nauwi ang lahat sa wala simula nang mamatay ang mga tumatayong magulang naming dalawa ng kapatid ko.

"Hindi mo ba talaga tatanggapin 'yon, Kuya?"

Napabuntong hininga ako dahil sa paulit ulit niyang tanong.

Pitong araw na ang nakalipas simula nang matanggap namin ang kulay abong sobre. Pitong araw na rin simula nang mapadpad kami sa lugar na minsan nang tinirhan ng aming mga magulang.

"Bakit? Ayaw mo na ba rito? Di hamak na mas maganda manirahan sa lugar na 'to," sagot ko.

Matapos ko kasing makuha ang perang katumbas ng lobong 'yon ay agad akong nakabili ng lupain dito sa kanluran. Yun nga lang ay napakalaki ng pagkakaiba nito.

Mas sariwa kasi ang hangin dito kesa sa dati naming tinitirhan. Maraming puno rito sa kanluran hindi katulad sa sentro na halos dikit dikit ang mga kabahayan. Mas maginhawa rito pero hinahanap hanap ko ang lugar na 'yon.

"Maganda nga pero napakaboring naman," sagot nito.

Doon kasi sa sentro ay pwede kaming magsanay dahil sa mga sirang kabahayan. Hindi kami naiilang dahil matagal ng abandonado ang village na 'yon. Hindi katulad dito sa kanluran na halos may mga nakatira sa mga kabahayan. Hindi basta bastang makakapagsanay dahil nag-iingat din kami kahit papaano.

"Gusto mo na bang mang-hunting?" tanong ko bago ilapag ang aming almusal sa lamesa.

Imbes na matakam ay nanlaki ang mata nito at agad na napatayo.

"Oo naman, Kuya! Baka kinakalawang na ako! Ikaw ba, kuya? Sigurado akong kinakalawang ka na rin!" sigaw nito bago umupo at tumawa.

Napangisi ako bago tuluyang umupo. "Ako? Kakalawangin? Malabong mangyari 'yan, Aikee," sagot ko.

The Alpha's KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon