[HILAGA]
"Whoa! Ang d-daming puno!" sigaw ni Aikee nang makapasok kami sa border line.
Borderline ang humahati sa Kanluran, Sentro at sa Hilaga. Ito ang naghahati sa tatlo. Puno ang humahati sa Sentro at Hilaga. Samantalang bato naman sa Kanluran at sa Sentro. Pawang mga anyong tubig naman ang nasa timog kung saan pinagbabawal ang pagpunta roon.
"Huwag kang maingay, Aikee. Parang awa mo na," bulong ko sa kanya.
Tila kasi siya nakakita ng magandang palaruan. Sabagay, magandang training ground ang lugar na 'to. Nagtataasang puno at naglalakihang sanga. Ngayon pa lang ay ramdam ko na galak sa mga mata ng kapatid ko. Kahit papaano ay sulit ang anim na oras na byahe.
"Kuya! Dito na lang tayo magtayo ng bahay! Ang ganda ng lugar na 'to! Bakit kasi hindi tayo napadpad noon dito, 'no? Sayang!"
"Wag ka nang maingay, Aikee. Papalubog na ang araw," sagot ko at hinatak na siya para makapaglakad.
Hindi siya magkamayaw sa paglingon. Samantalang ako ay tinitignan ang paligid kung may pack ba kaming magagambala. Mahirap na at baka mapalaban kami.
Ilang minuto pa hanggang sa maramdaman ko ang paghinto ni Aikee.
"Palitan mo kaya 'yang mask mo, Kuya? Baka makagambala ka ng pack," seryoso ani nito sa akin habang nagmamasid pa rin sa mga punong nakapaligid sa amin.
Humarap ako sa kanya at nilagay ang aking kamay sa harapan ng aking mask. "Maniwala ka sakin, Aikee. Matatakot sila kapag nakita 'tong mask na 'to. Bakit kasi ibang mask pa ang ginamit mo? Hindi mo ba alam na pwede kang makaattract ng mga Rouges? Magmumukha kang baguhan," sagot ko na nagpahinto sa kaniya.
Hindi niya ba naisip ang bagay na 'yon?
Akma niyang ilalapag ang malaki niyang bag nang makarinig kami ng mga alulong. Tatlong beses iyon dahilan para mapahinto rin ako.
"Sabi ko na sayo, eh," kibit balikaw kong sabi sa kapatid ko.
"Eh, malay ko ba. Akala ko kasi hindi tayo kilala sa lugar na 'to," sagot naman nito.
Nang maisuot nito ang mask namin ay agad na naglabasan ang tatlong tao mula sa malaking puno na nasa harapan ko. Hindi, hindi sila basta tao lang.
Pare-pareho sila ng kasuotan. Parehong abo na mayroong lining na kulay ginto. Malaki ang katawan ng isa samantalang maliit naman ang isa sa kanila. Ang huli naman ay matangkad na payat.
"Bakit naligaw ang dalawang hunter sa lugar na 'to?" ani ng isa sa kanila. Galing iyon sa malaki ang katawan.
"Bobo talaga nito! Malamang manghuhunt sila! Antanga mo!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Humarap ang matangkad sa kanila. "Pwede ba? Huwag dito, ok? Pag-umpugin ko kayo, eh."
Napatiim bagang ako dahil nasasayang ang oras namin. Malapit nang sumilay ang buwan at mahihirapan kami dahil may mga dala kaming malalaking bag.
"Pwede bang umalis kayo sa dadaanan namin?" tanong ko na kinagulat nila.
Humarap sila at ngayon ay na sa akin na ang atensyon.
"Woa, a-ang astig! Ang lamig ng boses mo!" sigaw ng matangkad sa kanila.
"S-Shuta! Ang sarap ng boses mo!" sigaw ng pinakamaliit sa kanila.
Pinakalma ko ang aking sarili. Hanggang sa humakbang si Aikee at pumwesto sa aking harapan.
"Pwede bang tigilan niyo yung kuya ko? Umalis na lang kayo habang nakakapagtimpi pa kami," ani nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Keeper
Loup-garouSa mundo kung saan ang mga kalalakihan ay may kakayahang manganak, isang mangangaso na ang ngalan ay Felix Laureano, dalawampung taong gulang ang mapupunta sa lugar na kung tawagin ng karamihan ay "The Land of the Wolf." Isang misyon. Isang misyon...