Chapter 3 (Serious)

72 5 0
                                    

PS. MAHAL KO KAYOOO~ Nakksss <33

**

Dahil sa malakas na suntok ko ay napahiga siya sa sahig.

"Babae ka ba tlga?"

"Eh ikaw? Lalake ka ba tlga? Kasi ang tunay na lalake hindi inaasar or nilalabanan ang mga babae pwera na lang kung bakla ka *smirk*"

"Tss."

"Pumunta kana sa guidance kundi isusumbong kita kay Sir." sabi ko sakanya at aalis na sana ako pero naunahan niya ako at bago siya makalabas ay may ibinulong siya saken.

"Oww, I'm so scared, anyway I can't wait for your surprise" saka siya umalis.

Tss.

Sisiguraduhin ko tlgang ma su-surprise siya.

Kaya lang hindi ko alam kung anong klaseng revenge ang gagawin ko.

=______=

**

Pagkatapos kung makapagpalit ng palda ay bumalik na ako sa room.

DISMISSAL TIME

"Whaaaaaat? Sinuntok mo siya?" sigaw ni Ella

Yeah right, kinwento ko saknya ang nangyari sa locker room kanina.

"Eh sa gusto kong sumuntok eh, tsaka bakit ba ang exagg mong mag react? Like duh? Halos araw-araw noon sinusuntok ko yang si Harley." sagot ko.

"I just can't believe it na until now ay sinusuntok mo parin siya. Wow lang ha! Kung ako lang ang principal dito bibigyan ko kayo ng award na BEST ENEMIES OF THE YEAR, tss."

"Pero hindi ikaw ang principal kaya wala kang magagawa." sabi ko

"Tama ka pero teka nga! Hindi ba nakakapagtataka?" sabi niya, kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"Pinagsasabi mo?" sabi ko, ang lalim kasi ng iniisip ng bruha, nakakunot din ang noo niya habang nakalagay ang hintuturo niya sa baba niya, actually para siyang tanga tingnan, hahaha!

Hindi ko namalayan na humagalpak na pala ako ng tawa, obvious naman kasing nag pa-pacute ang isang 'to.

"Tinatawa-tawa mo dyan?" Maarteng niyang sabi, nag peace sign nalang ako. Inirapan niya lang ako, kita mo to!

"Nakakapagtaka lang naman kasi kung bakit hanggang ngayon ay Rank 1 at Rank 2 pa rin kayo kasi nga diba palagi kayong nag-aaway, syempre bawas points yun" nagtatakang-sabi niya

Oo nga no? Yan rin ang ipinagtataka ko, bakit kaya?

"I don't know, bakit gusto mo maging rank 1?" tanong ko sakanya.

Nabilaukan naman siya sa iniinom niyang gulaman.

"Ano to joke time? Syempe hindi, ok na ako sa rank 3 no." sagot niya.

"Oww, sabi ko nga." sagot ko.

Simula tlga 1st year kami ang tanging rank na gusto niyang maabot ay rank 3.

Ewan ko kung bakit hanggang rank 3 lang ang gusto niya.

Lokaret tlga ang babaeng to.

Nang makalabas na kami sa school ay doon muna kami ni Ella nag-hintay sa waiting shed. Ang tagal kasi ni Ark, tss... Wait-- On the second thought mag ta-taxi nga pala ako, galit nga pala si Ark the jerk, well I am too.

"Susunduin ka ba ng Mommy mo?" tanong ko kay Ella na ngayon ay busy sa pagtitipa sa phone niya.

At ang bruha hindi man lang ako pinansin kaya binatukan ko, agad naman siyang nag-react.

Enemies To Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon