Chapter 3

20 3 1
                                    


Torpe



" Sarap... "



Nandito ako ngayon sa canteen, kasama ko sila Ero. Wala akong ganang kumain ngayon dahil sa nakuha Kong score sa Calculus. Bakit Naman ganun kababa ang score ko? Inayos ko naman ang pagsagot ko ah. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga kami magkasundo ng numbers. Buti pa itong dalawang Ito, mabilis lang silang maka pick up. Nakakailang bigay pa lang nang example si sir, tapos sila ay panay ang recite. Mga bida-bida masyado.


" Shannon, gusto mo?." Sabi ni Cuartero. Iniinggit niya ako sa kinakain niyang sandwich, kala naman niya maiinggit ako. Hindi ako kumakain ng peanut butter, ayoko na sanang sabihin ito pero kapag nakikita ko ang peanut butter ay iba ang nasa isip ko. Nilalapit niya pa talaga sa harapan ko.


" Ayoko niyan. Hindi ako mahilig sa peanut butter. Wala din akong ganang kumain ngayon dahil sa epal na Calculus na iyan. Inayos ko naman ang pag solve ah. Ano bang mali sa sagot ko? Buti pa kayo ni Ero ang taas nang score niyo." Malungkot na sabi ko. Napabuntong hininga si Ero, si Cuartero Naman ay nilayo na sa muka   ko ang sandwich.



" Ilang beses ka na naming tinuruan ah." Sabi ni Ero. Seryoso siyang nakatingin sa akin, pagdating talaga sa pag-aaral ay napaka seryoso niya. Ilang beses na nila akong tinuruan sa Calculus, nage-gets ko naman kapag sila ang nagtuturo pero kapag yung mismong magpapasolve na si sir ay lagi kong nalilimutan kung ano ang uunahin ko.


" Alam mo kung bakit mali at mababa ang nakuha mong score? Simple lang naman. May sarili kang formula. Hindi mo sinusunod ang formula na binigay ni Sir. Matanong nga kita, saang lupalop mo nakukuha ang mga ginagamit mong formula?." Sabi ni Cuartero. Napa irap na lang ako dahil kahit ako ay hindi ko alam kung saan. Eh ganun ako mag isip eh.



" Hay naku! Babawi nalang ako next time." Sabi ko na lang. Ilang beses ko nang sinasabi na babawi ako pero in the end ganun parin ang nagiging resulta.


"Tuturuan ka namin ulit, pero this time tandaan mo na okay?." Sabi ni Ero.


" Opo." Sagot ko at ngumiti sa kaniya.


" Bakit kapag kay Ero lagi kang ngumingiti? Sa akin lagi kang naiinis at naka simangot. May napapansin na ako ah." Sabi ni Cuartero. Ano naman ang napapansin ng isang ito.


" May favoritism ka! Dapat sa pagkakaibigan wala kang pinipili kung sino ang mas papaburan mo." Sabi niya. Seryoso ba siya? Ganun ba ang nararamdaman niya? Feeling niya may mas pinapaburan ako sa kanilang dalawa?


" Cuartero, seryoso ka ba sa sinasabi mo? Ako may favoritism?." Nakataas na kilay kong pagtatanong.


" Cuartero ka ng Cuartero, Eric Ang pangalan ko." Sabi niya at ginaya ang pagtaas ko ng kilay.


" Alam mo ikaw? May napapansin din ako sayo kala mo ba?."


BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon