Chapter 4

6 1 0
                                    

Park



" Say 'ahh' "



Natutuwa akong pagmasdan sina Cuartero at Princess. Kanina pa niya kinukulit si Cuartero, sinusubuan  niya ito nang binili niyang cheese cake sa nadaanan naming  bakery shop kanina. Itong si Cuartero kunwari pang ayaw niya, eh konting pagpilit lang ni Princess sa kaniya ay sinusubo naman niya kaagad. Pabebe masyado. Nakakita ako ng Convenience store sa kabilang tawid. Tamang tama, medyo nauuhaw na ako.



" Ayoko na. Busog na ako."  Sabi ni Cuartero na bahagyang iniwas ang muka niya sa pinapasubo ni Princess na pagkain. Nasa likuran nila kaming dalawa ni Ero. Kaya kitang-kita ko kung paano mag inarte si Cuartero.



" Bili lang ako ng tubig." Paalam ko sa kanila, lumingon si Cuartero sa akin at mukang alam ko na ang gusto niyang sabihin.



" Ako din, nauuhaw na." naka pout na sabi niya pa. huminto siya sa paglalakad, kaya naman huminto rin si Princess.



" Thirsty ka na? hindi ka nagsasabi sa akin. I have water here naman oh." Sabi ni Princess kay Cuartero



" Ayoko niyan, nawasa lang yata yan. Mas prefer ko ang mineral noh." panggagaya ni Cuartero sa boses ni Princess. Napa irap ako, halatang nagiinarte lang siya.



" hey! mineral ang dala ko noh. I bet mas safe pa ang dala kong water kaysa diyan sa binibiling water somewhere." Maarteng sabi ni Princess. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Bumulong si Ero sa akin na siya na lang daw ang bibili ng tubig.



" Sama ako." bulong ko rin.



" Ah basta ayoko niyan, baka may gayuma ka pang nilagay diyan." Sabi ni Cuartero kay Princess



" Ako na bibili." Si Ero



" Sama." Magkasabay na sabi namin ni Cuartero.



"Hayy Eric eto na nga lang. Promise mas safe to."  Sabi ni Princess.



" Hindi na, sayo na lang yan. " sagot ni Cuartero.



" Kunware ka pa." Sabi ko at sumunod na kay Ero na papuntang Convenience store. Sumunod narin si Cuartero at Princess sa amin.



Nakakapagod ang ginawa naming paglalakad lakad ngayong araw. Kung saan- saan kami nakarating, hindi kami gumamit ng sasakyan dahil mas gusto namin na maglakad lakad na lang dahil hindi naman ganon kainit, maliban kay Princess na inalok pa kami na gamitin na lang daw namin ang sasakyan niya. Tumanggi si Cuartero dahil hindi naman daw kami lalayo sa Village.



" Next time mag bike naman tayo." Sabi ko.


Papalubog na ang araw, gusto ko nang umuwi para makapagpahinga. Sunday bukas kaya pupunta akong church para magsimba. Nakaupo kaming dalawa ni Princess sa bench habang pinupunasan ko ang pawis ko at siya naman ay kumakain ng binili niyang Clover. Naalala ko tuloy bigla si Cheska.


" Great idea Sha!." Nakangiting sabi ni Princess. Malaki ang pinagbago ni Princess, tumangkad siya at mas kuminis pa ang balat niya. Sana all na lang



" Gusto niyo guys?." Pag aalok niya sa amin. Nakatayo lang sila Ero at Cuartero dahil hindi  na kami magkakasiya kung uupo pa sila.



" Ano na? tara na oy, gagabihin tayo kung hindi pa tayo kikilos dito."  Sabi ni Cuartero habang nakapamewang pa sa amin. Si Ero naman ay may katawagan sa cellphone.


" Wait lang naman Eric, pahinga muna tayo. Kanina pa tayo lakad ng lakad." Sabi ni Princess.


" Sino ba kasing nagsabi na sumama ka? Mga babae talaga pabebe." Si Cuartero. Nakuha niya pang umirap. Naiinis na ako sa kaniya, kanina niya pa binabara si Princess.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon