Chapter 2

30 8 0
                                    


Take it slow




Friday morning. Tinatamad akong bumangon, ang sarap matulog kapag ganitong malamig ang panahon. Yakap-yakap ko ang paborito kong unan na may printed na mukha ng asawa kong si taehyung. Wala nang papalag. Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa ilalim ng unan. Tinatamad akong gumalaw. Gusto ko na lang na yakapin si taehyung maghapon. Patuloy parin sa pag vibrate ang cellphone ko. Napilitan akong kunin iyon, sa malabong paningin dahil sa unang pagdilat ng mga mata ko ay mukang alam ko na kung sino ang tumatawag. Tatlong letra lang naman.




" Ero." Tamad kong sagot. Napahikab pa ako.




" Wake up sleepy head." Si Ero. Naririnig ko sa background ang boses ni Cuartero.



" Ako nga kakausap! Masyadong pa VIP yan si Shan." Boses ni Cuartero. VIP? Napilitan akong umupo. Hawak ko parin ang unan na may muka ni taehyung. Ang pogi talaga ng asawa ko.



" Woy! Antukin! Papasok ka ba? Anong oras na ah. Gusto mo talagang mag pa-late eh noh? VIP? VIP ka teh?." Si Cuartero. Panira talaga ng araw to kahit kailan eh, ang aga aga naririnig ko na naman ang boses niya. Laging madaming sinasabi, minsan mas babae pa siya kung magsalita kesa sa akin. Bakla siguro to?




" Woy ka rin! Ang aga aga ang ingay mo! Napaka bungangero mo pa. Wala manlang akong narinig na good morning." Sagot ko sa kaniya.



" Anong good sa morning? 10 minutes na lang mag s-start na ang klase tapos wala ka pa. May quiz tayo ngayon ah? Gusto mo bang ma-zero?." Sabi niya. Napa irap ako, bakit ba siya ang kausap ko? Si Ero ang tumawag ah.



" Hindi ako papasok. Tinatamad ako. Pahiram na lang ako ng notes niyo kung may bagong lesson man tayo. Wag ka nang mag reklamo, sumunod ka na lang. VIP ako diba?." Mabilis kong sabi dahil gusto ko na lang matapos ang tawag at mahiga na lang ulit.




" Anak ng! Oh Ero narinig mo? Hindi daw papasok ang prinsesa ngayon." Si Cuartero. Bahala sila, ang sisipag mag-aral. Kami nga nila Cheska dati kapag tinamad kaming pumasok, hindi talaga kami papasok na lima. Tatambay lang kami kila Dara at mag mo-movie marathon. Nakakamiss.



"Shan." Si Ero.



" Oh. Ayaw ko ngang pumasok ngayon. Kung pipilitin mo akong pumasok, wala na dahil late na rin naman ako pagdating ko diyan. Ayoko naman na mag pa VIP noh."



" Mm..." Sagot niya. Napa irap ako, ang sarap talagang kausap ng isang ito.



" Pa-VIP ka naman talaga...palagi."  Sabi pa niya.


" Oo tama yan! Paimportante masyado si Shan..pero syempre joke lang hehe." Rinig kong sabi ni Cuartero.


" Ako? Pa-VIP?." Tanong ko. Tinuro turo ko pa ang sarili ko habang tinatanong si Ero kahit hindi naman niya ako nakikita.



" mm...Very Important Person...palagi." Sagot niya. Talaga ba? Ayokong nagpapa VIP, pero parang gusto ko na ngayon.



" Yay tama na Yan! Ang aga-aga para diyan ah." Si Cuartero.



" Bunganga mo ang maaga para sa umaga! Bye na! Matutulog pa kami ng asawa ko."



" Hoy anong asawa? Ero-"


Pinatay ko na ang tawag at nahiga na lang ulit. Pinikit ang mga mata, hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ulit ako.


Masaya akong nakatulog pero malungkot ako nang magising. Hanggang panaginip ko na lang siguro pwedeng balikan ang mga panahon na magkakasama pa kami.






BUDDIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon