STAY 1"Nandoon sa cupboard ang mga pagkain mo, huwag kang masyadong magpagod, gumalaw galaw, o kahit anong gawain na makakaapekto sa kalusugan mo. Magdahan dahan ka rin sa mga kinakain mo, okay? And last but not the least, Huwag mong kakalimutan na inumin ang mga gamot mo, okay?” mahabang litanya ni Mama. Sa haba ng sinabi niya ay halos pagtango lang ang sagot ko.
“Ma, I already know what to do. I mean I’ve been living here in the hospital for 1 year at malapit na ngang mag 2 years eh. Chill.” I said. Napailing na lang siya at niyakap ako. Si papa ay kanina pa bumaba at sinabing hihintayin niya na lang daw doon si Mama.
“Your boyfriend will again report to me. Alam kong hindi mo binubuksan halos lahat ng social media mo kaya siya na ang bahala. Listen to him, okay? And don’t be stubborn.” Saad niya. Napailing muli ako. “Nga pala, we’ll back after two weeks. After that, we will have a celebration for your younger sister tapos sabay na rin sa promotion ng ate mo. Take care, Amaya” Sabay halik sa noo ko.
Halos isang oras na ang nakalipas ng umalis si Mama at heto ako, nakatulala pa rin. Nilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng kwarto ko at bumuntong hininga. My room was comfy, I would say. Sa left side ay nandoon ang mini kitchen but of course it doesn’t have any stove. Simpleng maiksing counter island, cupboard, at mini refrigerator. Sa right side naman ay dalawang white single couch at puti ding mahabang couch. Meron ding center table at nakalagay doon ang mga board games like monopoly, scrabble, at iba. Sa gitna ay ang aking puting kama at sa gilid ay isang cabinet na para sa mga gamot ko and other necessities at imbis na lamp shade o picture frame ang nakalagay, nakalagay doon ay ang aking gitara.
The walls are painted in light blue and of course with pictures on it and other kaartehans made by my sisters and my boyfriend.Sa loob ng isang taon ay dito lang nakaikot ang buong mundo ko. Bumuntong hininga na lamang at pinikit na lang ang mga mata.
“I’m hooome!” napailing na lang ako dahil sa sigaw niya. Agad niya namang sinarado ang pinto at pumunta agad saakin. “How are you, love?” tanong niya.
“Still breathing. At tsaka kailan mo pa naging bahay ‘to?” tanong ko.
“Well, you’re my home po eh.” He innocently said. Napailing muli ako at kinuha ang gitara at ibinigay sakanya. “Ayoko.” He pouted.
“Bakit?”I also pouted.
“Tita gave me this golden book and I like you to read me that book.” Wika niya na animo’y bata na gustong gustong kwentuhan. “And once you agree, wala ng bawian, okay?” dagdag niya at tumango na lamang ako.
“Okay. So give me that book.” Sabay lahad ng kamay. Ngumisi naman siya at dali daling kinuha ang paper bag na di ko alam na dala niya pala. Napanganga naman ako ng nakita ko ang napakapamilyar na libro na sinasabi niya. Leche! My photo album! May pa-golden book pa siyang nalalaman eh photo album ko lang naman!
“Bago ko ibigay itong libro, ipangako mong kwekwentuhan mo ako and once you broke the promise,” ngumisi siya. “You’ll marry me.” Napailing na lang ako ngunit hindi ko naitatago ang munting ngiti sa mga labi ko at ang pag-iinit ng mga pisngi ko.
“Ang dami mong arte. Akin na nga ‘yan.” Sagot ko na lamang.Hindi pa rin nawawala ang ngisi, agad siyang tumabi saakin dito sa kama at binuksan ang unang pahina. Muli akong napangiwi ng makita ko ang napakaraming baby pictures ko. Humagikhik naman ang lalaking nasa tabi ko at nagpatuloy. Hindi pa rin naaalis ang ngiwi ko ng makita ko ang mga pictures noong kinder hanggang elementary.
“So where do you want me to start?” tanong ko.
Agad niya namang binuklat ng pasunod sunod ang mga pahina hanggang sa tumigil siya at tinuro ang isang litrato. “Here.” Wika niya. Napatigil naman ako at ngumiti ng tipid.A group picture with my grade 8 classmates.
“One thing to describe that pic, awesome. They’re awesome. Alam mo bang sa year na ‘yan ko unang naranasan yung may nag walk-out na teacher dahil saamin? Diyan ko din unang naranasan yung napagalitan kasi nagdadaldalan. And the first time I pulled a prank to someone!” kwento ko sakanya.“What kind of prank?” tanong niya habang nakatitig saakin.
“Putting garbages in his bag. Damn I felt like I was a villain at that time.” Umiling ako. Napatawa naman siya at pinitik bigla ang noo ko habang bumubulong na ‘baadd’.
“Pero alam mo, kahit pala noon ang payat mo na. Mukha kang kalansay.” Inosenteng wika niya habang nakapatong ang baba sa kamay at mariing nakatitig sa litrato. Leche.“Next picture na nga!” inis na saad ko. Agad naman siyang tumawa at mabilis na hinalikan ang noo ko.
Muli niyang binuklat ang pahina at napatigil ako sa litratong tinuro niya.
“What’s the history of this picture? Medyo magkamukha kayo or baka dahil parehas na nakapatong ang mga baba niyo sa palad niyo? I dunno. Who’s that girl holding her blue handkerchief?” tanong niya.
Ilang beses akong kumurap kurap at ngumiti. “She’s Laighnne Demina. My kachismisan buddy, my 'broke' friend, and my sister.” At mapait akong ngumiti.Itutuloy...
****
YOU ARE READING
Stay for a While
General FictionHow can I live when I'm already tired of living? How can I hold on when in the first place I already let go? How can I stay when all I want is to go? You told me that there are so many reasons to stay but I guess those reasons are not enough. Starte...