STAY 2

3 0 0
                                    

STAY 2

"Akala ko ba tatlo lang kayong magkakapatid?" nagtatakang tanong niya.


Agad naman akong bumusangot at kahit nanghihina ay buong lakas ko siyang binatukan. "Porke sister tawag ko eh totoong kapatid?! Di ba pwedeng iyon kasi ang trato namin sa isa't isa?!" sigaw ko sa kanya habang patuloy na dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko.


Agad namang nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap. He kept on saying sorry and I love you making me a little bit calm. He then faced me and held my both cheeks. "Diba sabi ko sayong huwag kang umiyak? If you kept on crying, mapapaiyak din ako." He calmly said and my eyes widened when I saw tears brimming up in his eyes making me laugh. Napailing na lang siya at agad akong hinalikan sa noo. Kitang kita ko din kung paano niya palihim na pinunasan ang kanyang mga mata. Cute.

"That photo was taken when we were in grade 9. Nasa loob kami ng computer room and while our teacher was reporting something, instead of listening, we kept on taking selfies." Paliwanag ko sa kanya habang nakatingin sa litrato.

"Cascade Laighnne Demina." Mapait kong banggit sa pangalan ng kaibigan ko. "Sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya aakalain mong pormal na tao diba?" tumango naman siya. "But she's damn not. She's crazy as hell at mapapaisip ka na lang minsan kung nag d-drugs ba siya o hindi. She acts like she's always high!" at malakas akong tumawa.

"Naloko niya ako noong grade 8. When she introduced herself to us, whenever she's reciting, whenever she's reporting something, aakalain mong seryosong tao. But I was shocked nang naging kaklase ko pa rin siya noong grade 9 kami. I knew she didn't have any choice but to stick with me at that time kasi ako lang naman ang kakilala niya pero hindi ko akalain na may makakatagal saakin. I'm a boring person but damn-she's hella crazy."

"Paano mo naman nasabi? I get it. I remembered the way she spoke to me and the way she threatened me when I was courting you, she's scary and somewhat crazy! She was smiling to you but when she faced me, it immediately turned into an emotionless one!" saad niya at muli akong tumawa.


"Alam mo bang dalawang beses niya akong naloko?" I asked him. Napakamot naman siya sa kanyang ulo at nagkibit balikat. "Una kasi akala ko she is a carefree person. She's a ball of sunshine, stress sa school, halos reklamo ang lumalabas sa bibig, pero nakangiti pa rin; halos walang problema, but I was fooled. With her smiles, her crazy antics, I was fooled." Saad ko habang nakatingin sa kawalan.


MULI AKONG suminghot habang nakatutok sa cellphone ko at inaabangan ang reply ni Cas.

Cascade:
It hurts but we can't always please them, you know.

Alam mo yun? Yung binibigay mo na lahat, ginagawa para maging perpekto ka, pero sa isang pagkakamali lang, lahat na lang biglang nawawala?

Tumango naman ako at mabilis na nag reply


Amaya:
I'm always asking myself
When? When will I be appreciated?

When will they noticed my sufferings, and not my achievements?

Cascade:
Punyeta yung luha ko!!!

Hooy.. It hurts😆

Letche kang hayop ka!

Kahit umiiyak ay napatawa ako dahil sa kanyang reply. I am not offended. Dapat oo but weird kasi hindi. This is the first time that someone called an animal.


Pagkatapos ng pag uusap namin sa chat ay agad na akong nag asikaso para sa pag pasok. Twelve pm ang oras ng aming pag pasok and it's already Eleven. Lecheng Cascade!


Pagkapasok sa classroom ay agad na akong dumeretso sa aking upuan dahil nasa unahan na ang Araling Panlipunan teacher namin. Tutok na tutok ako sa kanya dahil balita ko'y may quiz kami bukas ngunit naalala ko si Cas. Pasimple akong lumingon sa pwesto niya at lihim na napangiwi ng mapansin na ito'y bakante pa.


Sakto naman na pumasok ang isa kong kaklase na lalaki. Tristan. "Good afternoon teacher, good afternoon classmates, sorry I'm late." Wika niya at agad kaming natawa. Kung hindi si Cascade ang late ay siya naman. Kung may kompetisyon ang pagiging late ay paniguradong sila ang nangunguna.


Speaking of the bruha ay agad siyang pumasok at medyo nagulat dahil halos lahat kami ay nakatingin sa kanya. Ngumiti naman siya ng alanganin at agad dumeretso sa kanyang upuan. Pansin ko din ang kanyang basang buhok na tumutulo. Halatang bagong ligo.


Pagkatapos ng unang subject ay nag announce ang president namin na wala daw ang teacher namin sa pangalawang subject dahil nasa meeting daw iyon kaya halos lahat ay dumeretso sa canteen. Agad naman akong pumunta kay Cascade na nakatulala at mukhang kausap ang bintana. Sumalampak naman ako sa harapan niya at tiningnan siya.


"Ano?" tanong niya at tinaasan ako ng kilay.


"Okay ka lang?" tanong ko. At sa puntong iyon ay napansin ko ang agad na pag buo ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Nanlaki naman ang mata ko at agad siyang pinigilan. "Halaaa. Wag kang umiyak! Mapapaiyak din ako!" pag papanic ko. Ayoko siyang makitang umiyak dahil paniguradong mapapaiyak din ako!


Tumango naman siya at pinunasan ang kanyang mga mata habang tumatawa.


And that's when I realized that after all, she's also a human in pain. By masking her vulnerability with her crazy antics. She's also a lost girl.


****

Itutuloy

Stay for a WhileWhere stories live. Discover now