"Bakit Hilang? ikaw ay napakasama! Akala ko ay ikay aking kaibigan?!"
Umiiyak na winika ni Oriol habang naghihinagpis sa pagpapalit ng kanyang anyo. Ang dati nyang makinis na balat ay nagkaroon ng kalislis, ang mga daliri nyang kay lalambot at pino ay naging pangit at kuko na pangalmot, ang kanyang balingkinitan na katawan ay humaba at napalitan ng katawan at buntot ng ahas ang kanyang mga binti't paa. Matapos niyang sumama kay Hilang na isang masamang mangkukulam ngunit tinanggap na kaibigan. Hindi niya akalain na ito ang magpapahamak at magbibigay ng panganib sa kanya dahil lamang sa galit nito sa mga tao.
" Kaibigan?! Ahahahahh! ika'y napakalaking hangal!"
Humalakhak ng malakas si Hilang matapos makita ang resulta ng pagsumpa niya kay Oriol.
" Ngayon ay hindi na ikaw ang pinakamaganda sa buong Ibalon. Ituturing ka na ng mga tao na isang Halimaw! Katulad ko ay lalayuan ka na din ng mga tao!"
" Ika'y aking pinagkatiwalaan. Kaibigang tapat ang aking pagtingin sayo.. "
" Masyado kang mabait Oriol. Dahil diyan ay Lalo lamang akong nagagalit sayo. Malaki ang poo't inggit sa aking puso. Lahat na lamang ay nasa iyo. Kahit ikay hindi buong tao ay tanggap ka ng lahat. Subalit ako, hindi?! Nararapat yan sa iyo para iyong malaman ang aking nararamdaman sa buong buhay ko."
Sobrang nasaktan si Oriol sa kataksilan ng itinuring na matalik na kaibigan. Hindi niya sukat akalain na ito ay may tinatagong hindi magandang saloobin para sa kanya.
" Ngunit bilang paggunita sa ating pinagsamahan ay hindi ka lubusang magiging halimaw. Isinusumpa ko sa Buto ng sagradong Pitogo, ikaw ay magiging halimaw sa umaga at babalik ang iyong tunay na anyo pagsapit ng gabi. Mawawalan ng bisa ang aking sumpa kapag ikay nakatagpo ng tunay na pag-ibig na siyang tatanggap sayo sa kabila ng iyong pagiging halimaw...
... iyan ay kung hindi ka igupo ng kasamaan na kaakibat ng pagiging taong ahas.."
Ipinasuot nya ang kwintas na Buto ng Pitogo kay Oriol at tumatawa ng masama na umalis si Hilang pagtapos iwanan ang dating kaibigan na tumatangis sa kanyang sinapit.
" Hilang!!!! Arhhhhhhhhhhhhhh!!"
Dinig sa buong kakahuyan ang nasasaktang sigaw ni Oriol.Bago maging ganap na halimaw ay ang isang patak ng kanyang luha dulot ng sakit ng pagtataksil at panloloko sa kanya ay naging isang matigas na kulay berdeng bato ito kung saan nakapaloob ang lahat ng kanyang paghihinapis. Tuluyan na siyang nawalan ng malay mula sa lahat ng pinagdaanang hirap.
"ssSSsssssss...SSsss.... ssss.. "
Mga munting ingay na maririnig habang binalot ng dilim ang kapaligiran.
BINABASA MO ANG
Oriol's Tear
Paranormal"Psst... ssssttt...' Napalingon ako sa paligid habang naliligo dito sa Nakita kong maliit na batis malapit sa pinag campingan ko. " sssttt.. psstt.. " " Sino yan?! May tao ba dyan?!" Sabay napayakap ako sa sarili ko habang unti unting lumapit sa pa...
