Chapter 3

36 1 1
                                        

"Psst... ssssttt...'

Napalingon ako sa paligid habang naliligo dito sa nakita kong maliit na batis malapit sa pinag campingan ko.

" sssttt.. psstt.. "

" Sino yan?! May tao ba dyan?!" Sabay napayakap ako sa sarili ko habang unti unting lumapit sa pangpang para kunin ang mga damit ko.

Nang biglang may kumaluskos sa bandang kakahuyan ay dalidali akong nagbihis at kinuha ang flashlight na dala ko at dahandahang lumapit sa pinanggagalingan ng ingay.

Lumapit ako pa ako lalo at medyo napalayo na ako sa aking kampo ng bigla akong may makita.

" AHhrhhhhhhghh!!!!!"

Isang malaking ahas ang nakita niya na nilalamon na ang isang palaka. Napasigaw siya sa gulat pero nang mahimasmasan ay natatawang umalis at bumalik kung saan ang tent niya. Napapailing nalang siya sa sarili.

"Nagiging magugulatin ka na Amara. Parang hindi ka pa naka encounter ng malalaking ahas. Mas Malaki pa ang nakuhaan mo ng picture na anaconda sa Amazon ."

Para na rin sure na walang aatake sa kanya na ahas or kung anu pa man ay nag install siya ng maliliit na repellant devices sa paligid niya. Nagkacover ang isa neto ng 20 meter radius kaya apat ang nilagay niya.

Inayos niya ang mga gamit at nahiga na. Iniisip niya kung anung gagawin bukas at sa pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.

Hindi niya alam na ang ahas na Nakita niya ay naramdaman siya kanina at sinundan siya pabalik. Hindi man ito makakita ng maayos ay malakas ang pang -amoy nito gamit ang dila at ang pandama na nakakaramdam ng vibration sa lupa. Alam nitong tao ang lumapit sa kanya kanina. Kailangan ng masabihan ang kanyang amo na may naligaw na tao sa lugar nila.

Oriol's TearMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon