Chapter 2

28 1 0
                                    

Isang oras na mahigit din ang binyahe niya mula Manila hanggang Naga Airport sa Pili, Camarines Sur. Mula doon ay kailangan niyang bumyahe papuntang city para makaregister for camping and trekking. Matapos asikasuhin ang mga papers na kakailanganin ay naghintay siya kasama ng ibang turista na kasalukuyang nagbabaksyon din para umakyat ng bundok.

" Please everyone come here and listen carefully to our instructions."

Tinawag na sila ng magsisilbing tour guide nila at binilinan ng mga dapat gawin habang paakyat. Sinabi din nito na wag humiwalay sa grupo dahil may parte ng daan papuntang campsite na hindi na sakop ng pamunuan at hindi pa naiikot ng tao kaya dapat lang mag ingat. Pagkatapos silang e-briefing ay sumakay na sila ng bus na magdadala sa kanila sa lokasyon ng aakyatin nilang bundok.

Habang sa loob ng bus ay nakaramdam siya ng hindi maganda. Na parang may kakaibang mangyayare pero ipinagsawalang bahala nalang niya ito at inisip na excited lang sa pupuntahan kaya minabuti nalang niyang itulog ito para na rin makabawi ng lakas sa byahe.

NAgising siya ng bahagya siyang tapikin ng katabi sa upuan.

" Miss, nandito na tayo. Bumaba na ang iba."

" Oh.. thank you sa paggising sakin miss,, NApasarap ata ang tulog ko sa byahe."

" No problem. baba na din tayo"

Kinuha na niya ang mga gamit at nag-iinat sa lumabas na ng bus.NAgsimula na namng mag-instruct ang tour guide nila at magbigay ng babala tungkol sa mga dapat gawin habang paakyat ng bundok. Apat na oras daw ang lalakarin nila bago makarating sa campsite sa taas ng bundok kung saan sila magsistay ng tatlong araw. Ni ready na rin niya ang DLSR na dala para kumuha ng litrato habang naglalakad sila. Unti-unti na nga silang uamalis paakyat. Nasa bandang huli siya dahil masyado siyang natutuwang mag take ng pictures sa paligid. Dalawang oras na paglalakad at nasa may kalahati na sila ng destinasyon ay ang nagsabi ang guide nila na titigil muna sila para makapagpahinga at makakain.

Habang abala ang lahat sa pag-papahinga ay naglakadlakad siya at kumuha ng mga litrato.

" MAganda pala talaga dito. Hindi ko inakala na meron ding ganito ang Pilipinas. Iba din pala pag ang sariling bansa ang iikutin."

SA isip niya patuloy parin siya nag tetake ng pictures, nang biglang may lumipad sa harap na kakaibang insekto. Mukha itong paru-paro na parang dragonfly ang pinagkaiba lang ay masydo itong Malaki kumpara sa dalawa at kakaiba ang hugis ng papak nito at kulay na parang purple.

" Ngayon lang ako nakakita ng ganyang uri ng insekto. Pagnakuhaaan ko siya ng malapitan ay paniguradong magkakaroon ng bagong discovery na dito pa mismo manggaling sa Pinas."

Mas Lalo siyang naexcite at pilit na kinuhaan ang insekto. Lumipad ito at palipat-lipat ng dinadapuan. Sunod naman siya ng sunod, hindi niya namamalayang palayo na din siya ng palayo sa mga kasamahan niya. NApansin niyang masyado na siyang malayo nung tuluyan ng lumipad ang insekto at hindi na niya mahabol. Doon niya napansin na medyo madilim sa kanyang kinaroroonan dahil nasa pusod na siya ng gubat. Sinubukan niyang tumawag pero walang signal at sumigaw pero walang sumasagot.

" Ok Amara.. masyado kang nawalan ng fucos. YAn tuloy nahiwalay ka na sa kanila."

Pilit niyang pinakakalma ang sarili at nilalabanan ang kabang nararamdaman Lalo pa at hindi siya pamilyar sa lugar.

" You can do this.. Ilang beses ka ng umakyat ng bundok, magstay sa mga uncomfortable places. KAya mo to. Fighting.."

Naglakad siya pabalik at sinubukan ulit hanapina ng daang pinanggalingan pero para pa siya lalong lumalayo. KAhit pa sabihin niya sa sarili na kaya niya at ilang beses na niya itong napagdaan ay hindi niya maiwasan matakot dahil ngayon lang siya nakapunta sa lugar na ito. Pero mas Lalo atang lumakas ang excitement niya dahil makakapag explore siya sa gubat na walang pipigil at maninita sa kanya katulad sa ibang bansa. Masyadong uptight ang Pilipinas sa tourist location nila at limited ang pwedeng puntahan na lugar dahil na din sa delikado at ayaw ng mga pamunuan na mag take risk para sa mga turista.

" As long na may compass ako at map kaya kong bumalik mag isa pero sa ngayon ay eenjoy ko muna ang pag-iikot sa paligid. Kumpleto naman ako sa gamit, kailangan ko nalang maghanap ng pwedeng pagtayuan ng tent para makapagpahinga ngayong gabi."

Naglakad pa siya at patuloy paring kumukuha ng litrato. Mas Lalo pa siyang pumasok sa pusod ng kagubatan. Nang sa wakas ay nakahanap siya ng maliit na batis at napagdesisyunang doon na lamang magtayo ng tent sa tabi nito. meron na siyang water supply kaya hindi na siya mahihirapan sa pannatili ng ilang araw sa bundok. Sinimulan niya ng itayo ang tent at inayos ang mga gamit. NAkaramdam na din siya ng pagod sa buong araw na kakaikot at dahil nagsisimula na ring magtakip-silim.

Nilabas niya rin ang ilan sa mga baong pagkain at gumawa ng bonfire para paglutuan at pailaw sa gabi. Sinigurado niya ring walang ligaw na hayop sa paligid na pwede siyang atakehin kung sakasakali. .Marunong naman siyang proteksyunan ang sarili dahil na rin sa linya ng trabaho ay nagtake siya ng classes for first aid, survival lessons, at defense para sa mga animals na umaatake. Hinanda niya talaga ang sarili dahil mahilig siya sa adventure at outdoor activities. Yung bang pina pump ng Adrenaline ang katawan niya dahil na rin siguro sa mag-isa nalang siya sa buhay. Ulila na siya sa magulang at Only child. Wala siya gaanong malalapit na kaanak dahil nasa ibang bansa din ang mga ito. Mayaman ang pamilya nila, kaya hindi siya naghirap dahil sa mga iniwang yaman ng mga magulang niya. Kasalukuyang mina manage ng Uncle Tim niya na kapatid ng ama ang company nila , Ito ang nagpalaki't nag-aruga sa kanya kasama ang asawa nito dahil sa wala ring anak kaya sa kanya binuhos lahat ng atensiyon. Yun nga lang parating nenenerbiyos sa trabaho niya dahil nga sa delikado ang mga lugar na pinupuntahan niya.

" Hayss.. na miss ko tuloy sina Uncle.. For sure mag-aalburuto na naman yun pagnalaman tong nangyari sakin.. ahahhah"

Natatawa siya na iniimagine ang reaksyon ng tiyuhin na namumula ang mukha at nanlalaki ang butas ng ilong sa galit at stress sa mga pinanggagawa niya. Pagkatapos niyang kumain ay naisipan niyang maligo sa batis. Nanlalagkit ang pakiramdam niya sa pawis at masarap matulog pagnakaligo lalo na sa gabi. Sobrang nakarelax sa pakiramdam, ang athimik ng paligid at hindi siya nakakaramdam ng takot. Wala naman siyang maramdamang panganib sa paligis kaya malakas ang loob niya. Inisa-isa niyang tanggalin ang suot na damit, balak niyang magskinny dipping Lalo pa't siya lang mag-isa kaya wala siyang itinira sa suot na mga damit. Dahan-dahan niyang nilubog ang sarili sa batis. Hindi ito malamig kundi mainit-init kontra sa konti lamig na simoy ng hangin sa gabi. Napabuntong-hininga siya sa ginhawa na naramdaman at lumangoy ng konti sa gitna ng batis. HAnggang dibdib niya ang tubig kaya natatakpan nito ang buo niyang katawan. Nakatali ang lampas balikat niyang buhok at binuhusan ang mga balikat habang nakatingala at nakapikit.

Oriol's TearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon