Chapter 1

131 6 1
                                    

Samantha's Pov:

It's been five years after i slept with a stranger.
5 years na pero 'yung ala-ala nung gabing 'yun parang kahapon lang,sobrang fresh pa sa utak ko. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala na 'yung kinaiingat ingat kong pagka birhen ko for 20 years nawala ng biglaan. Naalala ko pa nung pag gising ko ng umaga pag katapos ng gabing 'yun at ng malaman na may munting regalo s'ya saakin.

(FLASHBACK)

Nagising ako ng maramdaman ang pag dampi ng sinag ng araw muka ko,uupo na sana ako ng biglang pag hawak ko sa aking ulo dahil sobrang sakit

"Damn this hang over arghh"

Bulong ko habang hinihilot ko ang aking sentido habang nakapikit pero agad din akong napahinto at napamulat ng mata ng maamoy at makita ang lugar kung asan ako, Tinignan ko ang orasan ay 6:00am pa lang.
Pakshit asan ako? Nilingon ko ang aking katabi at natulala dahil nakita ko may lalaki akong katabi na hanggang bewang ang kumot at naka dapa paniguradong wala itong saplot at unti unti ko tinignan akong aking sarili at napabulong ng "what the fuck is this" naka hubad rin ako at tanging  kumot ang naka balot saakin.

'huhuhu napaka careless mo naman samantha' sabi ko sa isip ko, napag desisyunan kong pumuntang banyo kahit masakit ang aking pagkababae.

'anong kagagahan mo ba't ka bumigay sam?'
'ang gwapo kaya n'ya tapos ang ganda ng kataw-- putangina kailan kapa natutong hanggan ang isang stranger'
'pero muka naman masarap kaso nga lang lasing ka kaya dimo matandaan'
'siguro nga'

Muka na akong baliw dito sa banyo kakakausap ko sa sarili ko, kung bakit ba naman ako sumama sa lalaking 'yun, kung bakit ba naman nagpakalasing pa ako tapos sa stranger ko naman pala maibibigay 'yung kina iingat ingatan kong pagka birhen grrrrr

Nag madali akong mag ayos ng sarili at umalis na sa condo n'ya ata 'yun, para 'di ko na maabutan itong gising mahirap na nakakahiya kung mag sstay pa ako roon.

------------

Pag ka uwi ko sa bahay buti tulog pa sila mama,papa at kapatid ko hays buti na lang mamaya pa ang sermon pag ka pasok ko sa kwarto ko humiga agad ako sa kama ko at matutulog grr para akong pagod na pagod na ewan.
---------------
Pag ka gising ko tinignan tinignan ko ang wall clock its 11:30am, napag desisyunan kong bumaba dahil nagugutom na rin ako. Pero bago ako bumababa nakipag usap muna ako kila chonie,lauren at sandra na okay lang ako at dinahilan kona lang na umuwi ako ng maaga.

Pag ka punta ko sa kusina nagulat ako dahil kumpleto ang pamilya ko sa hapag kumakain at nag kukuwentuhan.
Natigilan sila sa kanilang ginagawa ng mapansin nila akong nasa gilid.

"Anak halika rito at samahan mo kaming kumain" saad sa'kin ni mama at tumabi na ako sa bunso kong kapatid na si Clark he is 15 years old at gr.10 na s'ya ako ang nag susustento sa lahat ng kan'yang pag aaral dahil ang pag tatrabaho ng aking papa ay para sa aming pang araw araw lamang.

Habang kumakain pansin kong tahimik ang aking papa habang kumakain kadalasan kasi s'ya ang pasimula ng ingay tuwing nag sasalo salo kami sa hapag.

"Papa okay ka lang po ba bakit ang tahimik mo?" Tanong ko kay papa kaya napatigil s'ya sa pag subo
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Diba sabi ko umuwi ka pagkatapos ng birthday celebration ng kaibigan mo?" Masungit na saad ni papa kaya medyo kinabahan ako pinag papawisan ang akin kamay hndi ko alam ang papalusot ko shet.

"Gabi na rin kasi pa natapos ung program kaya mas minabuti na namin na duon tumuloy may sariling kwarto naman kami duon pa" napapikit ako dahil sa pag sisinungaling ko. Sorry papa hindi ko ugaling mag sinungaling kaso pag nalaman n'yo ang nangyari tiyak magagalit kayo.

"Bakit hindi ka manlang nag text sa mama mo? Nag antay kami hanggang disoras ng gabi nagbabakasaling uuwi ka!!" Bulyaw sa'kin ni papa, napayuko na lang ako.
Hinimas ni mama ang braso ni papa para pakalmahin dahil nakikita ko sa mata ni papa ang disappointed at galit.

"Sorry po hindi ko kasi namalayan ang oras at lowbat ang cellphone ko" nakayukong sabi ko ayokong makita ang galit n'yang mata naiiyak ako.

Napabuntong hininga na lang si papa at napa iling iling
"Next time mag sabi ka kung hindi ka uuwi para hindi kami nag aantay sa'yo ng disoras ng gabi"mahinahong sabi n'ya
"Opo papa sorry po mama at papa" nakayukong saad ko.
"Sige na kumain na kayo at ng mahugasan ko na 'yang mga pinagkainan natin"nakangiting saad ni mama at pinapatuloy ang pag kain.

The billionaire's baby(On-going)Where stories live. Discover now