Ang hiling ng isang ibon upang makakamit ng kalayaan

6 1 0
                                    

Ako lamang ay may isang tanong...

Minsan man lng ba ay inyong naisip na ako'y nasasaktan din?

Sa iyong mga salitang nakakasakit

Mga salita na tila bang sinasaksak ang aking puso ng isang milyong beses...

Hindi ko na alam ang aking gagawin, bakit ganon?

Bakit kailangan ko pang mag dusa sa inyong mga salitang nakakasakit...

Minsan nyo nang sinabi saakin na "Mag ingat ka sa iyong mga pinagsasabi at nakakamatay ang mga salita."

Ngunit bakit ganon? Ako ay araw araw nyong sinasaksak ng mga salitang nakakapanghina sa aking kalooban...

Oo aking aaminin na ako'y di perpekto ngunit tao din ako na nakakaramdam ng sakit...

Gabi gabi ako'y nag pipigil ng aking hikbi upang di nyo malaman ang aking kahinaan ngunit

Diko na kaya ang aking pag tatago kailangan ko ng ilabas ito...

Ngunit sa pag labas ng aking napakalakas na hikbi ay ang bara sa aking lalamunan ay nawala

Ngunit sa aking pag hinga ay nahihirapan, nahihirapan pigilan ito ulit upang di nyo makita na ako'y isang mahinang nilalang lamang...

Ang tanging gusto ko lamang ay isang tao na iintindi sa aking mga hinaing isang taong yayakap sa akin at sasabihing nariyan lng sya sa aking tabi upang ako'y samahan...

Ngunit ang mga unang tao pa na aking inaasahan na gagawa neto ay syang unti unting muwawasak sa aking puso...

Ang mga taong iniisip ko na syang magiging sandalan ko sa lahat ng aking problema ay sya pang

Nagiging sanhi ng aking pag kalusaw...

Ako'y natatakot na kung sabihin ko sa kanila ang aking tunay na sa isipan ay ako'y kanilang husgahan...

Natatakot ako na kanilang ipilit na baguhin ang aking sarili upang pasayahin lamang sila...

Ngunit kalian ko ba pwedeng makamit ang aking kalayaan? Kalayaan na ibuka ang aking mga

Pakpak at lumipad sa isang lugar na kung saan ay walang mananakit sa aking damdamin

Isang lugar para sa mga ibong nag hahanap ng kalayaan na makawala sa kanilang hawla

At magiging totoo sa sarili nila upang makamit ang tunay na kaligayahan...

Ngunit ito lamang ang mananatiling isang hiling na hindi maaring matupad...


______________________________

First time ko lng gumawa ng ganito haha hope you like it...

It Hurts (ONE SHOTS)Where stories live. Discover now