Akin Ka Pero Ang Puso Mo Ay Naiwan Sa Kaniya

15 2 11
                                    

Akin Ka Pero Ang Puso Mo Ay Naiwan Sa Kaniya.

"Bilisan niyo! Mahuhuli na tayo!"

"Saglit lang po, Mama!"

Kaniya-kaniyang sagot ang mga kapatid ko kay Mama. Pinasadahan ko nang ilang beses ang kabuuan ko sa aking tukador tsaka ngumiti.

"Dian!"

"Po?" sagot ko.

Inayos ko ang bag ko.

"Naghihintay si Ian dito sa baba, naku, dalian niyo na!"

"Bababa na po ako."

I glanced my reflection once again. Nang makontento ay inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa aking balikat tsaka na bumaba.

Tinakbo ko ang hagdan pababa, sumalubong sa akin si Ian na nakabusangot. He's wearing a black tuxedo, na brush up din ang kaniyang buhok.

"Bakit ganiyan ang mukha mo?"

"Hindi ba't sinabi ko sayo na h'wag kang tatakbo sa hagdan?"

Pasimple ako ngumiti, lumapit ako sa kaniya tsaka inayos ang suit niya. I give him a peck on the lip.

"Hindi mo ako madadala sa ganiyan, Dian."
Pinulupot ko ang kamay ko sa kaniyang braso and showed him my puppy eyes.

"Sorry na, gusto lang kitang makita agad."

Bumuntonghininga ito, "Alright, h'wag ka na lang uulit."

"Aye aye!"

"Dian!"

"Po!"

"Tara na!"

Tumingin ako kay Ian na nakatingin din pala sa akin, "Tara?"

"Let's go."

Today is my cousin's wedding, ikakasal siya sa kaibigan ni Ian, na naging kaibigan ko na din. It's funny how their love story started, buong akala namin before, hinding-hindi magkakasundo ang dalawang iyon, but faith twisted it.

And today is the day their heart and soul will be one.

Nakayakap ang braso ko sa braso ni Ian habang palabas kami ng bahay. Nang makalabas ay nakita ko ang mga kapatid ko na abala sa pag-aayos ng mga gamit at pagsiksik sa kani-kanilang mga sarili sa sasakiyan.

"Ako dito!"

"Ako sa bintana!"

"Hindi, ako! Alam niyo namang hindi ako sanay sa biyahe, diba?"

"H'wag ka ngang paimportante, wala pa sa isang kilometro ang magiging biyahe natin!"

"Kahit na!"

"Anong kahit na? Untog ko ulo mo sa bintana, you want?!"

"Sapakan na lang, oh!"

"Kahit matanda ka sakin, papatulan kita!"

Nasapo ko ang ulo ko dahil sa gulo ng mga kapatid ko. Ilang minuto ang lumipas ay tumigil sila dahil sinuway na ni Mama. Napadako ang tingin ko kay Papa na hanggang ngayon ay abala pa din sa paglalagay ng mga gamit sa compartment ng sasakiyan.

Si Ian ay abala din sa pagtulong kay Papa. Lumingon siya sa kinatatayuan ko he smiled, I smiled back.

"Hoy, babae!"

Lumingon ako kay Mama na ngayon ay nakapameywang na sa akin.

"Po?"

"Nasaan na 'yong pinagmamalaki mong regalo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now