Three

7 2 0
                                    


.

Chapter 3

Aa


NAKAKAINIS naman. Nakakainis talaga siya!

“Ang panget naman dito.” mapanglait kong sabi habang iniikot ko ang paningin sa paligid.

“Grabe ka naman, masarap luto nila.” kumamot siya sa ulo niya habang naghahanap ng mauupuan.

“Ale, may available seat pa ba?” tanong niya sa Ale ng dumaan sa harap namin na may hawak na tray.

“Pasensya na iho, pero wala ng bakante. Kung gusto niyo tumayo na lang kayo duon.” tinuro ng ale kung saan may mga nakatayo rin sa gilid. May mga nakatambay pa at may mga mukhang adik na kumakain din. May manyak pa siguro, jeez.

Tumingin sa akin si Gerald at ngumiti.

Seryoso ba siya?

“Ayoko nga, uuwi na lang ako.” sabi ko.

“Sige na, experience din yan.” pagpupumilit niya.

“Para naman tayong tanga, ano lang? Namimista? Nakatayong kumain?” nakakunot na pakikipagtalo ko sa kanya. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa dibdib. Inikot kong muli ang tingin ko sa paligid, nakita ko ang mga taong nag-eenjoy sa kinakain nila at medyo naiinggit na ko.

Parang ang sarap.

“Sige na,” pagpupumilit pa niya, “Kung sana nakinig ka sa A.P. naten at hindi ka pinapunta sa Faculty, edi napaaga tayo at masayang nakaupo habang kumakain.”

Napatingin ako sa kanya, at napatawa ng sarkisto.

“Eh ikaw kaya may kasalanan. Kaya ko namang sabihin na hindi ko alam eh, pero ikaw tong pabida at tinulungan daw ako 'kuno sa pagka-pangit na sulat na halos kasing laki ng langgam.” sabi ko sabay alis duon pero hinuli niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya.

Muling tumibok ang puso ko na parang matatanggal na sa loob ko.

Bakit ganito nararamdaman ko sa tuwing malapit siya sa akin?

Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga.

“Kaya nga bumabawi ako sayo.” mababang tono niyang sabi, “Kaso lang ayaw mong nakatayo.” sabi niya. Inikot niya pa ang paningin niya sa paligid at parang nag-iisip ng paraan kung anong gagawin.

Sabagay, hindi ko rin masisisi ang mga babaeng nagkagusto at umiyak sa ugok na 'to.

Talagang guwapo siya at attractive person.

Pero mas guwapo Nicholo ko hihi.

Sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa kaniya ay biglang tumunog ang tiyan ko.

Aish! Traydor talagaa!

Balak ko na sanang umuwi eh.

Kakainis naman.

Tumingin si Gerald sa tiyan ko at ngumiti.

Hallo January (Month Series One)Where stories live. Discover now