KIA : CHAPTER 2
"Kia apo, paabot nga ako niyang mangkok sa harapan mo." Imik ni Lola.
- 𝐊 𝐈 𝐀 -
Nandito padin ako sa kusina kasama si lola. Magluluto na daw kase siya at may darating na bisita si Sir Teo.
Tatlong putahe lang ang niluto ni lola. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang niluluto. Parang nagutom naman ako. Sana maging kasing galing at sarap din akong magluto kagaya ni Lola. Bawat galaw ni Lola ay sinusundan ng mga mata ko.
"Kia apo, baka matunaw na ako niyan." Sabi ni Lolang nakangisi sa akin.
"Ah-eh Lola ang galing mo po kase!" Sabi ko habang niyakap si Lola sa likod.
"Ay sus.. Wala lang ito..marunong ka na bang magluto apo?" Tanong niya habang hinahalo ang niluluto niya.
"Uhm.. Hindi po Lola e. Hi Hi" Sabi ko habang ngumuso na parang pato.
"Hindi ka ba tinuturuan ni Sandra? Aba e ang alam ko e may asawa na si Ate mo Charlie at ikaw nalang ang anak na babae sa bahay niyo. Dapat may alam kana kahit paunti unti." Makwelang sabi ni Lola.
"Panu niyan pag nagasawa ka na e di ka naman marunong magluto." Dugsong pa ni Lola habang nakatawa. Napasibangot ako.
"Lola naman e di pa naman ako mag-aasawa e." Medyo pahalukipkip kong sabi. Si Lola kung anu-anong naiisip. Bata pa naman ako e.
"Staka ambata ko pa kaya Lola, pinasok mo po agad yang pag-aasawa e wala pa naman sa isip ko yan." Dugsong ko pa at napatawa naman ng malakas si Lola pero biglang tumigil at ngumiti ng matamis. Si Lola pinagtitripan ata ako.
"Sir Teo nandyan ka pala. May ipapaluto ka pa bang ibang pangulam?" Biglang sabi ni Lola at nakatingin sa gawing likod ko.
"Wala na po. Nauhaw lang." Seryosong imik nito. Ewan ko pero may kung anong meron sa boses niya na nakakapagpatayo ng mga balahibo ko. Kinakabahan nanaman ako lalo pat bumabalik nanaman sa isip ko ang nangyare kanina. Iinom daw pero umupo pa doon sa stool at tumambay pa.
"Ah ganun ba." Nginitian siya ni Lola habang naghahalo ng niloloto.Ano ba kase at nakaupo pa siya doon, hindi ba busy siyang tao. Napepe tuloy ako. Silipin ko kaya, nakatalikod kase ako sa kanya kaya di ko din alam ang ginagawa niya. Binalik ni Lola ang atensyon niya sa akin at pinagpatuloy ang aming usapan.
"Mabalik nga tayo sa pinaguusapan natin kanina Kia apo." Sabi ni Lola
"Di ko naman sinabing magasawa kana para matuto kang magluto." Dugtong pa niya dahilan para mamula ako ng pagkainam inam. Bakit kailangan pa kase namin ituloy yung ganitong usapan habang nandyan lang sa likod ko si Sir Teo.
"Lola, mamaya nalang natin ituloy ang ganyang usapan." Pabulong ko kay Lola. Feeling ko nagtakbuhan ang dugo ko sa katawan papuntang mukha ko. Tumingin naman sakin si Lola at tiningnan din niya si Sir Teo. Bigla siyang ngumiti nanaman.
"Nahihiya ka ba kay Sir Teo? Mabait naman yang si Sir Teo mo ah." Biglang sabi ni Lola na ikinalaki ng mata ko. Tumingin pa siya sa likod ko.
"Hindi naman Lola." Naku kung alam mo lang Lola ang nangyari kanina. Sino ba naman kase ang mapapakali kung ganun ang nangyare sa una niyong pagkikita ng amo mo. Ngumiti pa si Lola bago niya takpan ang kawali.
"Tapos na ito Sir Teo." Sabi ni Lola kay Sir Teo. Tumango si Sir Teo habang busy sa cellphone niya.Habang tinutulungan kong maglinis si Lola ng mga ginamit sa pagluluto e pasimple akong nasulyap kay Sir Teo na hanggang ngayon ay nakaupo padin sa stool malapit sa amin. Hindi naman niya ako nahuhuling natingin sa kanya, baka pag nahuli niya ako ay kung ano pang isipin niya. Ilang taon na kaya si Sir Teo. Sa itsura niya at pangangatawan sa tingin ko bata pa siya. Pabulong akong nagtanong kay Lola.
"Lola. Ilang taon na si Sir Teo?" Sabi ko. Tumingin muna si Lola kay Sir Teo bago sumagot.
"24 apo, bakit mo natanong." Seryosong sagot ni Lola. Nagkibit balikat naman ako.
"Mukang kaseng masungit na matandang binata." Medyo napatawa ako sa sagot ko at napangisi din naman si Lola.
"Mabait naman yang si Sir Teo, apo. Siguro gawa lang ng trabaho niya sa opisina kaya medyo masungit." Nginitian ako ni Lola. Kaya ba sinigawan niya si Ate Rory kanina tapos ako naman pinagtripan. Hindi na ako umimik ulit at pinagpatuloy nalang ang paglilinis. Ang hindi ko alam e kahit ang hina na ng boses namin ni Lola e pinakikinggan padin kami ni Sir Teo.
![](https://img.wattpad.com/cover/247892690-288-k115765.jpg)
YOU ARE READING
KIA <ONGOING> [SLOW UPDATE]
RomanceIlang araw ng di nauwe si Teo. Hindi niya ako pinapansin, pag nagtetext ako sa kanya ay di siya nareply. Ayaw ko siyang pagisipan ng masama pero nakikita ko ang pagbabago niya nitong mga nakaraang araw. Nahihirapan ako sa inaasta niya. "Hoy Kia, tu...