Five

503 7 0
                                    

Baby

".... Stay With Me.."

".... Stay With Me.."

".... Stay With Me.."

".... Stay With M—

"Liana!! Ano ba? Kanina pa kita kinakausap di ka nakikinig!" Sigaw ni Siara saakin. Pesteng Trench yan oh.. Pineste pa kasi utak ko...

Friday Na at walang pasok bukas.. Hahyy. Makakapagpahinga na ako.. pati na rin utak ko...

"Sino ba yang iniisip mo hah? Si Zach ba ulit Yan?" Sabay ngiting nakakaloko si Siara saakin.

Naglalakad kasi kami pauwing condo. Malapit lang kasi ang nakuha naming condo sa pinapasukan namin dito sa Manila.

"Hell No! Ano ka ba Siara! Pagod lang ako." Rason ko.

Ano ba ang dapat na rason? Si Zach Agad? Ganun?

"Masyado kang halata Liana.. Hahyy.. Tara na nga.."

NagElevator na kami para mabilis. Pagkapasok ko palang sumalampak na agad ako sa sofa.

"I'm Tired" ani ko at sinubsob ang mukha ko..

"Magbihis ka na muna tapos diretso tayo sa Mall. Magrogrocery pa tayo.." Utos ni Siara saakin..

Magrogrocery kami agad agad? Kakabili lang namin last week hah?

"Madami pa tayong stocks dyan diba? Kakapunta lang natin last week sa mall. Remember?"

"Sisihin mo ang sarili mo Liana.. Ikaw nga tong kain ng kain dito ng mga stocks natin eh. Di ka naman tumataba!"

Dumiretso na sa Shower si Siara para mamaya daw ng biglang umilaw ang Phone ko.

Fr: +639335******

       Hi Baby! Let's Eat Dinner Tonight. Susunduin kita Dyan. Take Care.

- Trench D.

Shete! Eto nanaman at pinepeste ako! Paano niya nakuha Number ko? Sinave ko muna Number niya at nireplyan.

To: Trench

   Baby mo mukha mo! Busy ako tonight! Bye!!

Ang bitter ko ba? Hindi naman diba?

Nagbihis na ako ng Shorts at Plain Neon Tshirt na nakakaagaw ng Atensyon sa Mall.

Bakit ko pa kasi naisipang suotin to?

"Liana naman! Magsusuot ka na nga lang ng Tshirt na plain ganyan pa! Halika na nga!" Hila niya at pumunta sa mga Part ng Chips.

Nagulantang ako ng biglang nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko at tinignan.

Fr: Trench

      I Know You Are Not. By the way, Nice Neon Shirt Baby ;) but please change your short shorts. Stay Safe.

No Way! Paano niya ako nakikita?!

To: Trench

      Sinusundan mo ako no?!!

Isesend ko palang ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko! Waaah! Nagmumuni-muni lang ba ako?

Hinawakan ko ang mukha niya at yung balikat niya..

"Why Baby? Di ka makapaniwala na nadito ako?" Sabay ngiti niya ng nakakaloko.

Siya nga -___-

Tumalikod agad ako at hinanap si Siara nang bigla niyang hinigit ang braso ko at hinarap sakanya..

"Hey I'm just joking. Sino kasama mo?" Aniya at tumingin sa likod ko..

"Siara." Sabi ko sabay talikod at naglakad..

Bakit ang sungit ko sakanya?

Nararamdaman kong sinusundan niya ako at may binubulong na "I hate shorts".

Ano bang paki niya? Nahanap ko si Siara sa may Mga Napkins.

Bago pa ako makalapit sakanya ay napansin niya na ako at yung nasa likod ko. Yung Pesteng nasa likod ko -,-

"Trench! Liana saan ka galing? Trench kasama mo siya? Saan kayo nanggaling?" Tanong niyang litong lito na.

Siya nga tong nangiiwan eh!

Sasagot na sana ako ng sumabat agad si Trench.

"Uhmm. Can I borrow Liana? Promise ibabalik ko siya." Borrow?!!

"Uhh.." tumingin muna si Siara saakin and I give her Wanna-die-Look. Nakuha niya ang sinasabi ko pero iba parin talaga siya..

"Sige!! Kahit di mo na ibalik yan! Haha!! Alis na ako hah? Ingat kayo! Babye!" Aniya at mabilis na nawala sa harapan namin.

"Let's go?" Sabay lahad niya ng kamay saakin pero di ko tinanggap at nilagpasan ko siya.

Nakakainis! Ano bang balak ni Siara dito hah?!

Naglakad na ako paalis ng Mall. Gusto ko ng umuwi, malapit lang naman yung condo dito.. Lakarin ko nalang.

Di ko alam kung hanggang ngayon sumusunod parin siya saakin. Habang naglalakad ako, may narinig akong di ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko.. Nilingon ko kung saan nagmula yung boses na yun pero sana pala di ko nalang nilingon..

Tumawid ako ng tuloy tuloy. Ewan ko, gusto kong tumakbo... Tumakbo ng tumakbo hanggang sa mapagod ako.. pero ang bilis ng pangyayari..

Nakita ko ang mabilis na paparating na sasakyan papunta saakin..

"LIANA!!!!!"

*Screeeechhhhh*

(To be Continued)

----------

Update Ulit Haha :)

Stay Tune :*

-Farrexel


When He LeftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon