Frits Yellow Sachi
"Okay, since we still have time before lunch, I want you all to have your free activity." Boses ni Prof ang gumising sa diwa ko.
Napahikab ako, huni ng mga ibon at mahihinang boses ng mga tao ang naririnig ko, ramdam ko rin ang simoy ng hangin na pumasok mula sa bintana ng classroom namin.
Sino ang 'di aantukin?
"In your free activity, you'll paint in Greek Period style, kayo na ang bahala if you want to paint some characters from their famous mythology, or whatever," kumibit-balikat siya. "You can pass it later, or tomorrow before my time," dugtong niya pa, napasimangot lang ako.
"Prof!" tawag ng isang classmate ko at nagtaas ng kamay.
"Yes, Mr. Magiliw?"
"Whole body po ba or half?" tanong niya dahilan para mapukaw ang interes ko.
Teka nga.
"Kayo ang bahala, it's free activity after all, pero para mas madali, you can do the half body," nakangiting sagot ni Prof.
"In addition, you can look for the references ng details," dagdag ni Prof.
Kumuha na sila ng mga materials habang ako ay napahikab na lang at mabagal na kinuha ang akin.
Ang babaeng 'yon kasi pinuyat ako kagabi, sinabi ko lang na payag na ako sa sinabi niya, tuloy-tuloy na ang pag-text.
At ako namang gising na gising kagabi ay in-entertain siya, hanep na 'yan.
Ipinuwesto ko na ang canvas ko at pinagmasdan ang mga kasama ko, nagsisimula na sila, ako nakatunganga.
Tignan mo nga naman, mas mahal pa nila ang sining kesa sa pagkain, hindi ba sila nagugutom?
Palibhasa nasa Greek Period ang style ng ipi-paint, which is, largely nude ang madalas na katawan ng ipipinta.
Ano namang ipipinta ko rito? Hindi ako masyadong familiar sa greek mythology, pero sa tingin ko mas magagawa ko kung may taong laman ang ipipinta ko.
Bahala na, free activity lang naman.
Palihim akong sumisilip sa mga gawa ng classmate ko para magka-idea, ito talaga ang pinaka-main advantage ng nasa dulo ang pwesto, pwede mangopya.
Siyempre biro lang, minus pogi points iyon. Mahirap gumawa ng sining, buti nga at may batas na riyan eh. Plagiarism is a crime.
Napabuntong hininga ako. Si Aezle na lang, mukha lang naman nya ang pumasok sa isip ko kaya no choice.
Since greek style nga, medyo kakaiba mukha niya rito, iba rin dapat ang ayos ng buhok— medyo gawin kong curly, napag desisyonan kong lagyan na lang ito ng damit o ang sa pagkakaalam kong tawag dito ay chiton.
Nilagyan ko na lang ng konting details, siyempre. Portrait lang ang ginawa ko kaya hanggang braso lang ang ipininta ko. Sa potrait na ito naglagay ako ng background na statue ni Aphrodite at iba pang details na sinisimbolo siya tulad ng rosas at salamin. Siguro kung kasali si Aezle sa greek mythology, isa siguro siyang anak ni Aphrodite.
![](https://img.wattpad.com/cover/240834464-288-k84262.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bouyancy of Yellow
Ficção Adolescente◤ 𝘾𝙊𝙇𝙊𝙍 𝙎𝙀𝙍𝙄𝙀𝙎 #4 ◢ Frits Yellow Sachi is the last among the Sachi siblings. He had a bright facade which suits his name 'Yellow', and who knows? Not all loves yellow. With all of the wandering eyes, reckless mouths, and while fighting w...