CHAPTER 1: The Party

330 7 0
                                    


*Kenichi Hondrado's P.O.V*

"Bakit kasi kailangan isama mo pa ako eh. Alam mong wala akong kainterest interest sa mga party party na yan eh!" Naiinis kong sabi sa kaibigan kong si Phillip habang nagsusuot ng polo shirt.

"Ayan ka nanaman Ken! Diba matagal ko ng sinabi sayo na aayain kita kapag dumating na ang birthday party ni Brent? At tsaka, anong masama kung pupunta tayo. Invited naman tayo." Mahaba nitong paliwanag.

"Okay at ready na ako. Ikaw ready kana ba? Malalate na tayo. 9Pm ang start ng party mag aalas otso na babyahe pa tayo." Dagdag pa nito.

"Oo na ito na tapos na! Ewan ko nga sayo bakit kailangan pumunta kapa sa paparty ng kupal na yun. Eh ang yabang yabang naman non kala mo kung sinong gwapo." Yamot kong sabi

"Eh gwapo naman talaga. Aminiinnnn!" Pang aasar nito.

"Kayo lang ang naggwapuhan sa gago na yun! Eh mas gwapo pa nga ako don eh!" May paninindigan kong sabi.

"Correction. Maganda. Hindi Gwapo. Wag kang feeling!" Natatawa nitong sabi.

Hindi na ako umimik at inirapan ko nalang si phillip.

"Oh sya tara na. At baka malate pa tayo." Pagmamadali ni phillip.

"Ako na mag ddrive ha. Wala akong tiwala sayo pag ikaw nagmamaneho para akong mamatay sa pagpapatakbo mo." Sabi ko sabay agaw ng susi ng motor kay Phillip.

"Oh basta Ate Aye kapag tumawag sila mommy ang sabihin mo nag overnight kami kila Phillip ha. Wag mo sasabihin na may iba kaming lakad." Pagbibilin ko sa katulong namin dito sa bahay.

Kaming dalawa lang dito ni Ate Aye sa bahay dahil nasa Japan ang nanay ko. Doon kasi ang business namin dahil isang hapon ang napangasawa ng nanay ko. Nag trabaho kasi siya doon bilang isang Japayuki at doon niya nakilala ang tatay ko.

Pero hindi din nagtagal ang pagsasama nila dahil binawian na ng buhay ang tatay ko dahil sa may sakit ito sa puso.

Pero kahit sa maikling panahon ng pagsasama nila ay nakapagtayo sila ng negosyo doon na ngayon ay nasa pangangalaga ng nanay ko dahilan kung bakit wala siya ngayon dito sa pinas.

Dito rin sa pinas nag give birth saakin ang nanay ko umuwi ito dahil sa hindi naging maganda sa simula ang pagsasama nila ng tatay ko. Kaya mula elementary hanggang first year highschool ay dito ako nag aral.

Pero nung mag sesecond year na ako ay dinala ako ng nanay ko sa Japan upang doon ipagpatuloy ang pagaaral ko. Sa kagustuhan narin ng tatay ko na makilala ako ay pinagbigyan ito ng aking ina.

Simula noon naging maayos na ang pagsasama nila. Naging maayos naman ang buhay namin doon sa Japan pero hindi ko talaga ginusto na manatili doon. Dahil ang gusto ko sa pilipinas parin tumira.

Kaya nung tumungtong na ako ng kolehiyo ay napagdesisyunan ko na bumalik ulit ng pinas upang doon ipagpatuloy ang pag aaral ko.

Nasa 2nd year college ako noon nung mabalitaan ko na inatake sa puso ang tatay ko dali dali akong lumipad noon palabas ng pinas ng makarating saakin ang balita.

Nung dumating ako ng Japan, huli na ako. Dahil patay na ang tatay ko. Sobra ang iyak ko ng mga panahon nayun hindi ko matanggap na wala na ang tatay ko. Sinisisi ko noon ang sarili ko dahil mas pinili ko na tumira sa pinas kaysa makasama sila. Hindi ko matanggap. Sobra akong nagsisisi noon.

Hanggang sa napagdesisyunan ng nanay ko at kamag anak ni papa na ipagpatayo ako ng business sa pinas at kaming dalawa ng kapatid ni Mama ang mamamahala . Para narin habang nasa pinas ako ay may source of income ako para sa sarili ko.

Miss FlawlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon