CHAPTER 2: Threat

137 3 0
                                    


*Kenichi Hondrado's P.O.V*

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Kahit inaantok antok pa ay pinilit kung bumangon. Kinusot kusot ko ang mata ko at inikot ikot ko ang mata ko sa buong paligid.

Laking gulat ko ng makita ko na nasa loob ako ng kwarto ko. Nawala ang antok ko dahil napansin kong iba na rin ang suot kung damit.

Ang huling naalala ko ay nagiinuman pa kami nila Brent sa bahay nila.

"Fuck!" Malakas kong sabi.

"Paano ako nakauwi? Sinong naghatid sakin dito sa bahay?"

"Sinong nagpalit ng damit ko?"

Halos di ako mapakali at hinanap ko ang phone ko at nakita ko iyon sa study table ko.

Agad kong kinuha iyon pero nakapatay.

"Lowbat pa!" Mahinang bulong ko.

Hinanap ko ang charger at dali daling chinarge.

Nag hintay pa ako ng ilang minuto at ilang sandali pa ay nag bukas narin ito.

Agad kong tiningnan ang inbox ko at nakita ko na andaming message ni Phillip.

"Besh, nasa bahay kana ba ninyo? Nahatid kana ba ni Brent?"

"Lasing na lasing ka kagabi. Ako na sana ang maghahatid sayo pero nag insist si Brent na sya na daw ang maghahatid sayo."

"Mag message ka agad saakin kapag nabasa mo to. Yung motor mo nasa akin. Hindi ko na nahatid dyan dahil sobrang late na rin."

Mga message na nabasa ko mula kay Phillip. Halos mamutla ako sa kahihiyan ng malaamn ko na si Brent ang naghatid saakin dito.

"So sino ang nagbihis sakin?" Bulong ko sa sarili ko.

Tinignan ko ulit lahat ng suot ko at mula sa panlabas hanggang sa underwear ay iba na ang suot ko.

"Putang ina!" Mura ko.

Hindi maaring si Ate Aye ang magbihis saakin. Dahil hindi nya yun gagawin.

"Arrgghhh! Kenichi! Ang tanga tanga mo!"

"Napakatanga mo Kenichi!"

"Arrrghhhh!" Sigaw ko.

Halos mamula ako sa sobrang hiya.

"Si Brent kaya ang nagbihis sakin? Kung siya edi?"

"Arrrgghhh! This can't be!"

"Nakita na niya ang buong katawan ko! Fuck!"

Napa kagat labi nalang ako sa sobrang katangahan ko.

Tinignan ko ang oras at alas otso na pala ng umaga.

Agad akong lumabas ng kwarto para bumaba at magtanong kay Ate Aye.

Naabutan ko ito sa kusina na nagluluto ng almusal.

"Ay magandang umaga sir. Gising na po pala kayo." Bati nito saakin.

"Ate paano ako nakauwi ng bahay?" Deretsahan kong tanong.

"Ah may naghatid po sainyo dito sir. Mag papasado alas tres na ata yun."

"Nagising ako sa sobrang lakas ng doorbell. Akala ko po kayo na."

"Nagulat nga po ako nang makitang hindi si sir phillip ang kasama ninyo."

"Lasing na lasing po kayo sir kagabi. At akay akay kayo nung lalaking naghatid sainyo."

Miss FlawlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon