*Kenichi Hondrado's P.O.V*Dahil sa nangyari hindi ko na tinuloy ang pagreport ko sa Admin at dahil nawalan na din ako ng gana ay hindi na ako pumasok sa klase ko.
Hindi rin naman ako makakapag focus dahil hindi ko man aminin may kunting takot din akong nararamdaman. Hindi sa duwag ako. Pero inaalala ko kung anong kayang gawin ni Jarred saakin.
Papunta na ako ngayon sa court kung saan nag ttry out sila brent. Sinigurado ko munang maayos ang itsura ko dahil ayokong isipin nila na may nangyaring hindi maganda saakin.
Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko kapag nagtanong sila tungkol sa pagrereport ko sa Admin.
Napabuntong hininga nalang ako.
Naupo muna ako sa cafeteria sandali dahil hindi pa naman tapos ang try out nila brent.
Tinawagan ko muna si Phillip para kunin ang susi ng motor ko.
Ilang sandali pa ay nasa harapan ko na si Phillip.
"Here's your key!" Masiglang sabi ni Phillip at naupo sa tabi ko.
"Thanks." Tipid kung sagot.
"Oh bat parang ang tamlay mo ata?" May pagtatakang tanong ni Phillip.
"Hindi ko na tinuloy ang balak ko." Straight to the point kung sabi.
"Whaaatt? But why?" Pailing iling nitong sabi.
"Hindi ko alam beshy! Bigla akong nakaramdam ng takot eh." Pagsisinungaling ko.
"Takot para sa sarili ko. Na baka balikan ako ni Jarred pagkatapos." Dagdag ko pa.
"Alam naman nating lahat na napakahayop ng lalaking yun!" May diin kong sabi.
"So, what's your plan now? Hahayaan mo nalang?" Tanong nito.
"Wala naman akong choice. Nagiging praktikal lang din ako. Ayoko din palakihin yung gulo at isa pa ayokong bigyan ng problema si Mama." Malungkot kong sabi.
Bigla ko tuloy naalala si Mama. Kung nandito lang sana sya may paglalabasan ako ng problema.
"Huwag ka nang malungkot besh! Okay lang yan nandito naman ako. Smile kana!" Masayang sabi ni Phillip na siya namang kinasaya ko.
"Saan kana nyan ngayon? Bat di kapa pumapasok sa klase mo?" Pag iiba ni Phillip ng usapan.
"Hindi na ako papasok. Tinamad na ako. Hahahaha!" Natatawa kong sabi.
"Gaga ka talaga! Oh sya pano maiwan na kita dyan at marami pa kaming ginagawa sa department eh." Pagpapaalam ni Phillip.
"Sege besh! Chat nalang us!" Sabi ko at lumakad na sya paalis.
Ilang sandali pa ay sila Brent naman ang dumating.
Halos magtilian ang mga babae sa cafeteria ng dumating sila.
"Jusko ang lalandi." Sabi ko sa isip ko.
Hindi naman nila ito pinansin at umupo agad sila sa tabi ko.
Ganda ng lola mo! Pak na Pak!
"Sorry nalang kayo girls! Pero saakin sila lahat!" Sabi ko sa isip ko. Di ko tuloy mapigilang hindi matawa.
"Anong balita Ken sa pagpunta mo sa Admin?" Tanong agad ni Raffy.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.
"Hindi ako tumuloy." Nakayuko kong sabi.
"Annnoo?? Hindi ka nagreport sa Admin?!" Malakas na sigaw ni Brent na kinagulat namin lahat.
BINABASA MO ANG
Miss Flawless
FanfictionGanda'y kaakit-akit! Mala porselanang kutis! Binatilyong ubod ng kinis! Kababaihan, taob sakanyang hagupit! #BoyXBoy #M2MEroticStories #LGBTTHEMED #Men4Men