Kabanata 6

2K 46 3
                                    

I sighed deeply as I saw the streets filled with busy people. Napahawak ako sa scarf ko noong biglang kumulog. The sky was getting darker kaya nagmamadali narin akong makauwi dahil medyo takot din ako sa kulog. Tumawid na ako sa daan noong tumawid narin ang ibang mga tao, hawak ko ang isang plastic na may lamang pagkain sa kabila kong kamay habang tumatawid ako pauwi.

Today, I didn't ride the bus. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko minsan ay nababaliw na ako sa mga pinanggagawa ko sa buhay ko. I'm not even sure if my decisions are right.

Simula noong umalis ako sa pinas at tumira ako dito ng mag-isa sa Japan ay pakiramdam ko na parang may kulang sa'kin. Going here was against my will, I missed my friends, lalo na ang isa kong kaibigan na hanggang ngayon ay galit parin sa'kin habang nakikibalita lang ako kay Ianthe sa mga nangyayari sa Pinas habang hindi pa siya tuluyang umaalis.

I blew the strand of my hair na tumabon sa mata ko. Malapit na ako sa kanto kung saan ang bahay ko kaya medyo bumagal ang paglalakad ko. I know that a storm was approaching, I like rainy seasons though I'm a little scared when there is thunder. Nakaka-relax kapag umuulan tas sasabayan pa ng mga tugtog at kanta ng LANY at the 1975. Rain always calms my nerves. Tuwing umuulan ay gusto ko lamang matulog o kumain habang nanunuod ng movies sa netflix.

Humugpit ang hawak ko sa plastic at kasabay noon ang pagtigil ko sa paglalakad. In front of my house is the guy who never left my mind since the day he kissed me without asking for my permission. Nakasuot siya ng jacket katulad ko habang may hawak din siya sa kamay niya na parang baunan. Bigla naman siyang lumingon sa gawi ko at sabay ngiti na mas lalong nagpa-depina sa pagiging chinito niya. And fuck, he looks so fucking hot and cute at the same time!

Inayos ko naman ang sarili ay pinigilan na maglabas ng emosyon kahit na parang kinikiliti ako sa loob. His smile and chinky eyes affects me so much na hindi ko na alam minsan kung ano ang ginagawa ko kaya dapat level-headed ako at palaging kalma kapag nasa harapan niya. Naglakad ako palapit sa kanya. I stopped in front of him with enough distance between us. Ngumisi naman siya noong parang nabasa ang iniisip ko.

"Hey," He greeted with a smirk on his lips.

"H-hey." Halos sampalin ko ang sarili ko dahil sa pagka-utal ko! Seriously, bitch?! "What are you doing here?" I asked nonchantly.

Nakita ko ang pagpasok niya ng kamay sa bulsa niya bago niya sinagot ang tanong ko.

"You haven't called me." He said pero hindi sa tunong upset. He's rather calm more than I expected. "That's why I went here to check you."

Tumaas naman ang kilay ko sa huli niyang sinabi. Though I like him, it's cringey for me na makarinig ng mga ganoong salita na parang importante ako sa kanya.

Ngumuso ako ng bahagya. "I don't need you to check me." Ani ko bago iniwas ang tingin sa kanya at naglakad palapit sa maliit na gate ng bahay ko.

I opened it then entered. Nilingon ko naman siya at tiningnan ng blanko. Hindi ko talaga alam kung ano ang plano niya at narito siya. Maybe he wants his jacket, I can return it to him para umalis na siya. Nawawala talaga ang composture ko kapag narito siya and I fucking hate this shit!

Umatras ako ng bahagya at iniwas na bukas ang pintuan para sa kanya. Tumingin naman siya sa'kin na parang binabasa ang iniisip ko.

"You want me to enter?" He asked.

Gwapo na nga para namang tanga. Ampota.

Inirapan ko siya. "Do you plan on staying outside while a rain is about to pour?"

Umiling naman siya at kaagad na pumasok kaya napa-irap na lamang akong muli.

I walked to my front door and unlocked it, iniwan ko rin ang pintuan na bukas para sa kanya habang tinatanggal ko ang suot na sapatos noong makapasok na ako sa loob. I pushed the switch para umilaw ang loob ng bahay ko. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa'kin kaya hindi na ako nabahala pa na lingunin siya. Hinubad ko ang scarf ko bago inayos ang medyo magulong buhok dahil sa malakas na hangin sa labas.

Against The WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon