Chapter 2

3 3 3
                                    

A/N: Hi!! Its me again HAHAHAHA so @3ckyyyy eto na!  Salamat sayo!! Hahahaha abang ka lang sis!.

--------------------------------------------

1 month ago.....

Selene Lyra PoV

"San ko to ilalagay Ellyza?" tanong ko kay Ellyza habang hawak ang isang upuan.

Naglilinis kami ngayon ng bahay ni Ellyza na sya na ring tinitirhan ko.

Isang buwan na ang nakalipas magmula nung umalis ako sa bahay ni Tita Elleana.

Pinatira ako dito ni Ellyza para daw may kasama sya habang wala ang lolo at lola nya na syang kasama nya dito sa kanyang bahay.

Ang lolo at lola daw nya ay may pinuntahan ngunit hindi nila binanggit sa apo nila kung saan ang kanilang pupuntahan.

"Ahh ate doon nalang sa gitna dahil higit na mas maganda ang disenyo nyan" nakangiting saad ni Ellyza habang hawak ang isang walis.

Ipinagilid ko ang upuan atsaka pumunta ng garden na nasa bakuran ng bahay nina Ellyza.

Kumukuha ako nang mga gulay tulad ng Talong,Okra,Kamatis, at Ampalaya ng marinig ko ang pagsigaw ni Ellyza mula sa loob ng bahay.

Dali dali akong tumakbo sa loob at doon nakita ko ang isang puting lobo na pilit binubuksan ang pintuan.

Lumapit ako at tinulungan si Ellyza na itulak ang pintuan upang hindi makapasok ang lobo.

"Ate Lyra!!!! Makakapasok na sya!!" nag aalalang sabi ni Ellyza.

Mas nilakasan pa namin ni Ellyza ang pagtulak kaya napa atras ang lobo.

Nanlaki ang mata namin ni Ellyza ng makita naming papalapit muli ang lobo at mukhang galit na galit dahil nakalabas na ang mga ngipin nito na parang handa na kaming kainin!

Waaaaaa!!! Lord help us please!

Aatras na sana kami ngunit naisabit ang suot kong jacket sa isang alambre dahilan para maalis ito at lumantad ang tatto ko sa kamay.

Ang tatto ko ay isang Moon,

Hindi ko alam kung saan ito nanggaling dahil una ko iyong nakita noong 8 years old ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ko alam kung saan ito nanggaling dahil una ko iyong nakita noong 8 years old ako.

Tinanong ko iyon noon kay tita pero minura lang nya ako.

Napatigil ako sa pag iisip nang umatras ang lobo na parang isa akong nakakatakot na nilalang.

Nagulat kami nang bahagya itong yumuko at nagtatakbo paalis.

Nagkatinginan kami ni Ellyza at nakangangang tinignan ang palayo ng palayong lobo.

.

.

.

.

.

.

My QueenWhere stories live. Discover now