Chapter 1

228 6 4
                                    

Rhain Pov

"Iha bago pumanaw ang Lolo mo, inutos niya ang annulment paper na ito para sa inyo magasawa." Nagulat ako sa sinabi ni attorney.

"Pe..pero ayaw ko pong mahiwalay kami ni Maico." Sabi ko rito.

"Hindi kapaba napapagod iha, kasal nga kayo ni Mr. Montemayor pero naging asawa ba sayo o kaya naging ama sa anak niyo."

"Hindi pero..."

"Wala ng pero pero iha, basihin mo nalang ang sulat ng Lolo mo sayo. At pag nabasa mo to saka na magdesisyon at sana pagisipan mong mabuti deserve niyong maging saya ng anak mo"

Tumango nalang ako.

Noong maka alis na si attorney nag punta ako sa study room para basahin Ang liham niya para sa akin. Walang tigil ako sa pag iyak hanggang sa makatulong na ako sa study room.

_________

Hito ako ngayon naghihintay sa opisina ni Maico, ang soon to be ex husband ko. Na pag desisyonan kong ibigay Ang annulment paper kay Maico. Naisip ko kasing tama sila attorney at nakakapagod narin naman umasa na mamahalin niya kami.

Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Maico kasi bumukas at pumasok si Maico.

"Anong ginagawa mo rito Rhain" tanong nito sa akin "diba kabilin bilinan ko sayo wag na wag kang pupunta rito" Sabi niya.

"Hmm.. may ibibigay lang sana ako" sagot ko sa kanya

"Ano yun at para maka alis kana, wait kasama mo ba si Seth?" Tumango ako.

Sa huling pagkakataon gusto kong subukan kung may pagasa bang mamahalin niya kami.

"Hmm. Maico hanggang ngayon parin ba wala ka paring balak ipakilala kami ng anak mo sa mga gulang mo" tanong ko.

"gusto mo talagang malaman? Oo at wala akong balak ipakilala kayo" ang sakit sakit parang pinibiga ang puso ko.

"wag kang umiyak ika at ang lolo mo lang naman may gusto ng kasal na ito kung pwede lang sana..." Pinutol ko ang sinasabi niya

"Ito kunin mo" binigay ko sa kanya ang envelope na hawak ko "gusto mong makalaya diba, yan basahin mo at pirmahan mo, annulment paper yan pinagawa ni Lolo Bago siya pumanaw" nagulat siya sa sinabi ko


"pumanaw" tumango ako "last month lang pumanaw na si Lolo. Hindi mo talaga yun malaman kasi Wala kanamang pakialam. Ang kaibigan  abogado ni lolo ang nagbigay niyan sa akin. Hindi ko pa nababasa ang mga yan kasi yun ang bilin ng abogado ni lolo saka ko nalang daw ako pipirma pag nabasa muna at na pirmahan."

"Himala atang nagbago ang takbo ng utak mo at pumayag ka na makipaghiwalay" Sabi niya

"Tawagan mo nalang ako pagtapos mong basahin at pirmahan para makuha ko." Sabi ko ayaw ko kasing sagutin ang tanong  niya.

"Tika nga bakit kailangan ikaw ang kailangan magdala nito kung pwede naman ipadala mo nalang" tanong niya

"Gusto ko lang" Sabi ko. Sa totoo lang nandito kami sa manila para sa trabaho ko at swerting summer vacation narin naman ng anak ko.

"Una na ako" paalis masama ako ng bigla siyang magsalita.

"May iba ka na ba?" seryosong tanong niya, parang gusto kung matawa sa tanong niya pero umiling ako bilang sagot

Won't Let You Go (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon