After ng engkwentro namin sa mga bastos na yon. Ayon na suspend sila sa school. Ilang buwan ang nakalipas mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Actually hindi mahirap maging kaibigan si Kiana kaya ayon close na din kaming dalawa pero mas close sila at dahil minsan pakiramdam ko ako pa yung na a out of place sakanila pag magkakasama kami, kusang bumuo ng wall ang sarili ko. Reason why is para huwag mag engage ng emotions sa mga taong nasa paligid ko. Including them pero I really doing my best to ignore what's inside of me.
Ngayon napagdesisyonan namin magkita-kita dahil bakasyon namin ngayon ayon nagkita kami sa isang restuarant para may lunch. Christmas break daw kami sabi ng teachers namin pero ang daming ibinilin na mga projects gada subjects. Yawahae.
"Alam mo ba Kia--"hindi pa natatapos ni Ren yung sasabihin nagcut off na agad si Kia.
"Hindi ko alam"mataray niya pang pagkakasabi.
"Gagi hindi ko pa talaga nasasabi"natatawang sambit ni Ren.
"Ah hindi pa ba? HAHAHAHAHA" sambit ni Kia sabay tumawa ng todo. Timang talaga itong dalawang to aba.
"Alam mo ba kung kailan ang first time na naging late si Noona?"tanong niya.
"Since birth Ren"tawang-tawa niyang sabi.
"Baliw hindi no!"angal ko. Ganyan talaga yang dalawa bihira na nga lang akong makasama sakanila ako pa yung binubully.
Sa ilang buwan na nakasama ko si Kiana. Naging komportable na kami sa isa't-isa. Hindi siya mahirap maging kaibigan kaya siguro close na close talaga silang dalawa. Hmmp. Ganon den kami ni Ren pero doon ko narealize na hindi lang sakin siya ganon. Hindu ako nagseselos nanibago lang talaga ako kaya nung tumagal na naintindihan ko na ang lahat nakapag adjust na ako at naging komportable but I start building some wall again baka kasi kailangan ko pang mag adjust ng sobra sa mga susunod na panahon.
"Nung grade 1 kami nakwento na ata ni Ma'am Becky yung talambuhay niya bago pa lang dadating si Naya. First day of school pa yon ha?"salaysay ni Ren.
"Excuse me po ma'am"sabi ni Mommy sa teacher doon sa loob ng classroom na nagtuturo na ata.
"Ay saglit lang class." Pageexcuse nung guro sa mga bata na kasing edad ko ata at dahan-dahang lumapit yung guro sa amin ni Mommy dahil nasa labas kami ng pinto. Nakita ko pang nagsitinginan sa akin yung mga bata doon sa loob kaya mas sumiksik ako sa likod ni Mommy.
"Bakit ho ?" Magalang na tanong ng guro sa amin.
" Dito po ba ang class ni Ma'am Becky?Pasensya na po late po anak ko. Nagsisimula na po ba kayo?" Tanong ni Mommy sa guro ko pala.
"Opo ako po iyon, siya po ba si Ms. Veqo?"tanong nito.
"Opo, siya na lang po ba ang wala?"tanong ni Mommy.
"Opo pero kasisimula lang po namin nagpapakilala pa lang po ako sakanila." Paliwanag nito.
"Pasensya na Ma'am. Inihatid pa namin yung Lola niya sa ospital."paliwanag ni Mommy.
"Ayos lang po emergency naman po pala. Sige po pasok na po siya." Sabi ng guro at tumingin siya sa akin at ngumiti. Hinarap naman ako ni Mommy.
"Anak babalik ako dyan mamayang tanghalian ha dadalhan kita ng lunch. Behave ka lang dyan. Galingan mo ha kapag may tanong si teacher sagot ka lang kapag alam mo. Okay?"sabi ni Mommy sa akin.
"Opo"tipid kong sagot.
"Doon ka sa tabi ni Fereo." sambit sa akin ng guro at umupo kung saang upuan niya itinuro katabi ang isang lalaking payat at mukang tahimik.
YOU ARE READING
We're Broken Lovers
Teen FictionWe're both inlove together with our bestfriend at the same time we're separately broken.