Enjoy this chapter! ✿
-----
Chapter 2
Rayne's Point Of View
Inayos ko na bag ko kasi free day naman pala namin ngayon unlike sa school namin dati, lessons agad. Balak din kasi namin ni Clix maglibot sa mga Club Registration.
Hindi kami nakakasali sa mga clubs nung mga nasa lower years kami kasi noon sa dating school namin halos full na kaya hopefully more opportunity for us here.
"Balak kong sumali sa Cooking Club, ikaw?" Biglang saad nito
"Gusto ko sa Music Club, sayang at hindi tayo magkatulad ng hilig..." Sagot ko. Kapag nasa bahay minsan si Clix, siya ang nagluluto ng meryenda namin, taga-lamon lang ako, lol.
Lumabas na kami at pumunta sa mga iba't-ibang stalls ng Club Registrations
"Eto na pala yung Cooking Club oh." Wow, may mga pa-free taste ata sila. As we approach them, grabe nakakatakam yung mga pa-free taste nila.
"Oh, may mga nakahain na foods oh." Saad ni Clix like you could see his eyes twinkling.
"Hello, would you like to join the club? By the way i'm Charles." If your day is brighter, mas magiging brighter kapag isang katulad ni Charles ang sasalubong sa araw mo. Very charming!
"Oh hello, i'm Clix, pwede ko bang tikman yang mga pa-foods niyo?"
"Of course." Sagot naman nito sabay bukas nung parang fountain na style na paglalagyan ng mga iba't-ibang pagkain.
"Pero feeling ko mas masarap kung may dessert, pwedeng beng keenen kete." Tinapik ko lang yung gilid ng ulo niya, talaga itong taong ito, may pagka-ano din.
I didn't mention na meron mga naging ex-boyfriend ito, the longest one is two weeks, lol.
"Baliw, pagpasensyahan mo na po siya, ganiyan talaga po 'yan." Tumawa lang siya revealing those perfectly white teeth.
"Una na ako, nasa pinakagilid ata yung registration Music Club eh baka mapuno kasi agad yung slots nila, kitakits mamaya."
"Gesge(Sige sige), chat mo ako." Humiwalay na ako sa kaniya at hinanap ko yung name nung booth, hindi naman ako natagalan bago ko makita.
Dali-dali akong pumunta doon.
"Meron pa po bang slot?"
"Hi! I'm Richard, the president of the club and yes we still have, sulat mo nalang name mo dito then yung iba pang info's mo."
"Thank you po."
"Then, punta ka lang sa studio ng school at ayusin lang namin ito then saka namin kayo i-meet okay?" Nakaka tiyamba lang ba ako or marami talagang mga gwapo dito, hindi ako malandi para mag-hunt ng lalaki it's just what i observe, transferee eh.
"Okay po." Habang naglalakad ako papuntang studio ay napansin kong andaming mga nakasuot ng bandana sa ulo na may nakasulat na "DALE DAIRIES" pati sa mga braso nila. Huh?
Mga babae at mga ka-pederasyon ko, natatawa na lang ako sa mga itsura nila na parang mga timang. Mukhang fansclub nga ata sila.
Hindi ko na sila pinansin pa at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nang makarating ako sa studio at wala akong nadatnan na tao sa loob, hmm? Parang marami nang naka-register kanina ah, ba't ako lang nandito ngayon?
"Hello?" Grabe nag-echo ah, bumalik sa akin yung sinabi ko. Andaming mga instruments dito like mga guitar na naka-align sa gilid, trumpets, violins, piano, organs(electric piano), electric guitar at drumsets.
YOU ARE READING
Mellow[BXB](Ongoing)
Teen FictionHearing that voice makes him want more. What is the art of wanting more? Does it require to follow melodic patterns to his hearts? Is his notes to high to reach? If he does, will they blend so perfectly? Will he sing between the lines of his unsaid...