Buhay ni Kyla. (Hay Buhay! ヅ)

158 2 1
                                    

She's the man (Part 2)

basahin niyo yung part 1, para hindi kayo malito sa story. ヅ

_____________________________________________________________________________

(continued)

Sumalubong sa kanya ang ngiti ng kanyang mama na abot hanggang tenga.

Sabay sabing "May surprise ako sayo." at pinuntahan ang anak at tinakpan ang mata nito gamit ang kanyang kamay.

"Wag mo munang imulat ang mga mata mo ah?" sabi ng mama niya.

"Opo ma."

(kinuha ng mama niya ang white gown at sabay sigaw ng SURPRISE debutant!!)

medyo hindi natuwa si  Kyla, sabay sabing "Ma, sabi ko naman saiyo na ayokong mag-gown sa debut ko, kung maari nga lang wag na kong magpa-debut party eh."

"Dalaga kana anak, bakit puro baseball bat lang ang gusto mo?"

"Ma, ngayon hindi na. they just cut out the team.." malungkot na sabi ni Kyla habang umaakyat sa hagdan..

"Edi makakapagfocus kana sa pagiging dalaga mo niyan anak." natutuwang sabi ng mama niya.

"Wala ako sa mood ngayon ma, next time nalang." sabay sinarado ang pinto sa kwarto niya.

Nakita niya dun ang kuya niya na nag-iimpake ng mga gamit niya.

Napansin niya ang laki-laki ng bag niya at natanong niya sa kanya kung saan siya pupunta..

Sagot ni Kyle.. "Alam ni mama, mag i-stay ako kina papa. ang alam ni papa mag i-stay ako dito. yan ang kagandahan ng divorce." pabirong sabi niya.

"San ka talaga pupunta?" tanong ni Kyla.

"Pupunta kami ng bandmates ko sa Canada, nakakuha kami ng slot sa Music Festival dun."

"Paano pag-aaral mo?" Concern na tanong ni Kyla..

"Tungkol nga pala dun, pwedeng magpanggap ka bilang mama ko. tumawag ka sa mga teachers ko at sabihing may sakit ako.. yung pangmatagalang sakit ah? tulad ng Dengue ganyan.." pabirong sagot nito sakanya.

 "Kyle! kaka-kick lang sayo sa university natin dahil sa pag-aabsent mo ah? hindi ito ang magandang simula.." galit na sagot nito sakanya..

"Kyla! Gusto kong maging musician! Hindi kailangan dun ang TRIGONOMETRY! tsaka kung gusto mong makamit ang pangarap mo. minsan you have to break the rules." sabay tapon ng bagahe nya sa labas ng bintana at tumalon narin siya.

"See you in two weeks! bye!" dagdag pa niya..

"Kyle!!! Saglit!" sigaw niya kaso tumakbo na ang kuya niya at nakaalis..

Narinig ng kanyang mama ang sigaw, kaya madali itong umakyat at nagtanong.. "Nasa papa mo ang kuya mo dimo pa alam? bat ka sumigaw?"

Agad-agad ay kinuha ni Kyla ang cellphone niya, sabay sabing kausap niya raw ito sa cellphone niya..

"Okay, ang weird nyo talagang magkapatid. magkamukha nga talaga kayo.." sabi ng mama niya at bumaba na ito..

Nang marinig ni Kyla ang salitang "Magkamukha nga talaga kayo" dun pumasok sa isipan niya ang  planong...

"Yeah, If I can't join them. be them."

Part 2 Ended... ♥

Itutuloy...

Spoiler: Next Part will be the biggest change of Kyla's Life.. ヅ

Stay Tuned!

___________________________________________________________________

Follow Me On Twitter @RaySalesMusic

Add Me On Facebook facebook.com/DatduyG 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's the man (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon