ELLEAH'S P..O.V
Hindi ko alam pero kanina pa ko binabagabag ng mga binitawang salita ni Dustin
"You always don't believe me,kaya nga di mo hinayaan mag explain ako pero ano pa nga ba ang magagawa ko?"
Parang may kung anong bagay akong nararamdaman simula pa kaninang umaga matapos naming mag-usap naguguluhan ako kung bakit ko to nararamdaman kung bakit parang nasaktan ako sa nakita kung expression ng mukha niya kanina hindi ba dapat wala na akong pakialam?hindi ba dapat...ughhh!!!.. nakakainis ayoko ang ganito!ano na naman ba ang nangyayari sakin?at bakit ako nagkakaganito,ayoko nito!!
"I don't want this!"
"Ms.Vasquez!" gulat akong napalingon sa professor namin nung bigla nya na lang tinawag ako ang pangalan ko at mas nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko na halos ang lahat ay nakatingin sakin mismo
"Y-Yes ma'am?" Halos manginig ako sa hiya at takot na din oh my gosh what have I gotten myself to?
"Is there any problem in my class Ms.Vasquez?" Grabi natatakot talaga ang prof na to at talagang nakataas pa ang mga kilay nya sakin!
"N-no m-ma'am" kahit anong pigil ko di ko parin mapigilan ang mautal ng dahil sa kahihiyan lalo pa at nakatingin sakin amg lahat na parang nanjjudge pa talaga kaya napayuko na lang ako hayyy...ano na naman ba ginawa ko sa sarili ko?dahek?! Aishhh...
Di naman nagtagal ay bumalik na si ma'am sa discussion niya kaya agad ding nabaling ang atensyon ng lahat sakanya pero bago ko ituon ang mga paningin ko sa harap ay nilingon ko muna siya at nakitang nakatingin siya sakin pero nung napansin niyang nakatingin na din ako sakanya ay agad na lumamig ang mga titig niya sakin na may kung ano bago siya nag-iwas ng tingin
Nagtuloy-tuloy lang ang mga klase namin at sa mabuting palad di ko na naman napahiya pa ang sarili ko pero ewan ko ba paminsan minsan papasok at papasok talaga sa isip ko ang mga sinabi niya
"You always don't believe me,kaya nga di mo hinayaang magexplain ako pero ano pa nga ba ang magagawa ko?"
Nung tumalikod siya sakin matapos niya bitawan ang mga lintanyang yun parang naguilty ata ako ewan pero basta yun ang nararamdaman ko sa mga oras na yun hanggang ngayon at di ko naman maintindihan kung bakit kinakailangan ko pang makaramdam siguro kasi tama siya sa part na di ko siya hiyaang magpaliwanag pero aanhin ko pa ba ang mga paliwanag na yun kung tapos na rin lang naman ang lahat? May magbabago ba?mawawala ba yung sakit na naramdaman ko nun?diba hindi naman kaya alam ko sa sarili ko na di ko na kailangan pa ang mga paliwanag na yun..
Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko namalayan na nasa harap na pala ako mismo ng cafeteria, kanina pa tapos ang klase namin pero di ako dumiretso agad dito kasi gusto ko muna mawala lahat ng mga iniisip ko na di naman importante at para na rin maiwasan na makasabay ko siya kasi baka mamaya mamilit na naman ang isang yum tsk..pero wala naman akong planong pumayag sa alok niya nakakairita -_-
Pumila na agad ako kasi kunti na lang naman ang bumibili kasi nga kanina pa nagsimula ang lunch break at halos patapos na rin yun at habang nasa pili ako hindi nakaligtas sa paningin ko si Dustin he's sitting in their usual spot alone, bat naman kaya nag-iisa siya?asan sila Miguel?
Nagulat ako nung bigla na lang siyang napatingin sakin at ng makita niyang nakatingin din ako sakanya ay agad na nagbago ang expression ng mukha niya, saka siya nag-iwas ng tingin sakin
Nung ako na ang oorder ay bumili lang ako ng sandwich,carbonara at tubig, naghanap ako ng pwede upuan at maswerte ako ngayon kasi madaming bakante pero ang hindi ko maintindihan ay di ko maiwasang mapatingin sa kinaruruonan niya at namalayan ko na lang amg sarili ko na naglalakad palapit sakanya
YOU ARE READING
Begin again
Short Storya love story that will make you crazy because of it's roller coaster ride of emotion