“Sir, may tumor po kayo sa lungs. Stage four cancer”
“Ako?! Ha?! Pero di ako naninigarilyo or anything!”
“Sir, baka po pag byahe byahe nyo. Nagkasakit na po ba kayo sa lungs before?”
“Nung bata ako. Asthma. Pero sobrang tagal na nun!”
I am 7 years old nung huli akong inatake ng asthma. Di ko alam gagawin ko habang pauwi. Umiiyak ako sa kotse habang pauwi. Di ako makapaniwala. Paguwi ko, Sinabi ko sa Mama ko yung result.. She was shocked. Sino ba namang magulang ang matutuwa pag nalamang may sakit ang anak nila diba?
Bago ako matulog, tinext ko si Michelle.
“Babe! I have to tell you something”
Pero di sya nagrereply. Baka nga tulog na. Anong oras na din kasi. Hindi ako makatulog. 11:30 na ng gabi. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa sakit ko.
Kinabukasan, pinaconfirm ko sa Doctor ko kung totoo nga na may cancer ako.
“Mr. Felizardo, Im sorry to tell you pero totoo ang lumabas sa medical mo.”
“Pero Dr. Cruz, pano?”
“Di din natin alam pero may..” Natigilan si Dr. Cruz sa pagsasalita.
“Bakit po? Anong meron?” Kinakabahan kong tanong.
“May taning na buhay mo. You have only 4 months Mr. Felizardo”
“Doc, wala na bang ibang paraan?” Sabi ko habang umiiyak.
“Wala na anak. Kung maaga pa lang, nakita na natin yan. Maagapan pa sana natin”
Habang nasa byahe ako pauwi. Di ko alam gagawin ko. Anong gagawin ko dun sa 4 months na yun.
Pagdating ko sa bahay bandang 1:30 ng hapon. Tinext ko si Michelle.
“Babe. I’m going to pick you up at 8:30. I love you”
Di ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya to. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nya.
8:30 nagkita kami, magkasama kami. Habang papunta kami sa paborito naming restaurant ay magkausap kami.
“Babe sorry kung lagi akong walang time sayo. Busy kasi talaga sa school eh”
“Okay lang. Naiintindihan naman kita eh”
Di ko napansin na nandun na pala kami sa tapat ng restaurant.
Pagpasok namin, Umorder ako ng food naming dalawa. Habang nagiintay kami ng food, biglang nagsalita si Michelle.
“Babe, sorry nga pala nung eleven ha?”
“Nako nako. Wala yun babe. Busy ka lang siguro. Graduating ka kasi kaya ganyan kabusy.”
“Pero promise ko, babawi ako paunti unti sayo”
“Nako wag na. Oo nga pala. May sasabihin ako..”
“Ano yun?”
“May Sa-...”
Biglang dumating yung waiter dala yung food namin. O buhay nga naman. Ayaw yatang ipasabi kay Michelle lahat.
“Nako babe! Mamaya na yang sasabihin mo. Kumain na tayo”
“Ha? Ah, eh, Sige.”
“Pray muna tayo?”
“Sige babe.”
Habang nagdadasal kami, di ko maiwasang umiyak. Nakitingin lang ako sa kanya. Ano kayang gagawin nya pag nalaman nya yun? Malulungkot kaya sya pag nalaman nya yun? Yun na lang tumatakbo sa isip ko habang nakatingin sa kanya.
“Oh bakit ka umiiyak babe?”
“Ha? Wala. Napuwing lang ako”
“ganun? Sige kain na tayo.”
Habang kumakain kami,di ko na alam kung pano ko masasabi sa kanya. Di ako makaisip ng paraan.
After naming kumain, inihatid ko na sya sa kanila. Pagkahatid ko umuwi na agad ako para magpahinga. Paghiga ko sa kama ko, iniisip ko kung papasayahin ko na lang sya dun sa natitirang four months o sasabihin ko sa kanya yung sakit ko? Siguro papasayahin ko na lang sya ng four months. Ayokong magalala yung taong mahal ko.
Lumipas ang mga buwan. Dumating na ang 2nd year & 10th month naming dalawa. Nageffort ako simula sa labas nila hanggang sa loob ng kwarto nya. Punong puno ng petals ng rose. Habang dun sa pader ng kwarto nya, Puro picture naming dalawa, sa kama punong puno ng notes na 1000 reasons why i love her.
**********
Ano kayang masasabi ni Michelle sa ginawa ni Chris sakanya? :)
Abangan ang susunod na Chapter ng Happy 3rd Anniversary. :)
BINABASA MO ANG
Happy 3rd Anniversary!! (ONESHOT)
Romance"Make sure the person you love not only knows that you love them but they feel that you love them" -Mike Tablante