Iloveyou Forever and ever amen!

96 3 2
                                    

Michelle’s POV

3rd anniversary namin. Lagi na lang akong walang time sa kanya. Minsan palusot ko na lang ang project para makapaggala. Kaya naisipan kong unahan syang bumati para makabawi. Tinext ko agad sya..

“Babe! Happy 3rd anniv! Mahal na mahal po kita!”

Ang tagal nya bago magreply. Kadalasan kasi, 7:30 pa lang ng umaga, Gising na sya. 9:00 am ko sya tinext mag 12:00 na, di parin sya nagtetext.

1:30 ng nagtext sya.

“Babe, dare kita. Kung mahal mo ko, wag mo kong itext hanggang bukas. Tingnan natin kung kaya mo.”

“Game. J”

Dahil mahal ko sya, kakayanin ko yun. Oo. Kahit mas pinipili ko ang barkada ko, mahal ko pa rin sya.

Kinabukasan tinext ko agad sya paggising ko.

“BABE! NAGAWA KO! MAHAL NA MAHAL PO KITA!”

Nagtataka ko kung bat di sya nagreply. Tapos bigla syang nagtext.

“Anak, this is Chris’ mom.. Punta ka naman dito sa bahay.”

“Okay po tita. I’ll be there later.”

After 1 hour, nakarating ako sa kanila. Sa labas pa lang nagtataka na ko kung bakit andaming tao sa kanila.

Pagpasok ko, nagulat na lang ako na yung taong mahal ko, nakahiga na sa kabaong na nasa harap ko mismo. Di ko na napigilang umiyak. Biglang lumapit mother ni Chris and gave me a Medical record.

“Anak, ayan yung medical ni Chris kaya naming nalaman na may cancer sya”

Tiningnan ko yung date. AUGUST 12, 2006. After ng 2nd year & 8th month namin. Lalo akong napaiyak nung nakita ko yung letter sa loob na nakalagay..

“Hi babe!

Sorry kung di ko nasabi sayo tong sakit ko ha? Ayoko lang magaalala ka sakin. Alam mo na. Lagi kang busy eh. Sya nga pala. CONGRATULATIONS! Nagawa mo yung dare ko sayo na hindi ako itext for 24 hours. So, pwede bang gawin mo yan araw araw? Lagi kitang babantayan babe. Mahal na mahal kita.

-Chris”

Di ko alam kung bakit naging ganto. Andami kong pagkukulang sa taong mahal ko bago sya nawala. Sana nakabawi man lang ako. Sana naipadama ko sa kanya na mahal ko sya bago sya mawala..

-THE END-

*************

Pinagtulungan po namin ni HotDang ung story. Sana po naiyak kayo sa pag patay namin sa isang character. INGAT!!! :)

make sure the person you love not only knows that you love them. but they feel that you love them. :) -HotDang

Happy 3rd Anniversary!! (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon