“ Babe! Happy monthsary!” Surpresa kong sigaw pagpasok nya ng kwarto nya.
“UY! Nakalimutan ko. Sorry.”
“Ha? Bakit na naman?”
“Busy eh. Chka sinamahan ko pa nga friends ko sa gala nila”
“Parang amoy alak ka yata? Naginom ka ba?”
“ha? Ah eh. Konti lang.”
Nilinis ko lahat ng notes sa kama nya at nilagay sa isang small box.
“Mahiga ka na. Magpahinga ka na. Baka malate ka bukas sa school mo. Una na muna ako.”
“Sige ingat pauwi”
Parang may nagbago. Dati bago ako umuwi may kiss and hugs pa. Hindi din naman nya nakakalimutan yung monthsary namin. Bakit ganun? Anong nangyari sa kanya?
Dumaan ulit ang mga araw.
It’s our 2nd year & 11th month! Sobrang saya ko. Oo sobra. Pero parang may nararamdaman akong kakaiba? Parang nanghihina ako. Pero sige wala to. Tinext ko agad sya.
“Babe! Are you free tonight? Let’s have a dinner date?”
“Di ako pwede babe. May tinatapos akong project”
“Pero its our 11th monthsary?”
“Sorry babe nakalimutan ko. Sorry talaga”
Anlaki ng pinagbago nya simula nung nagging kami. Always busy, laging mainit ulo. Laging may gala. Pero okay lang. College na sya at di maiiwasan yun. Oo, naranasan ko din yan last year pero hindi ako nawawalan ng time sa kanya.
Kinabukasan paggising ko, nakita ko yung medical ko sa ibabaw ng cabinet ko. Naalala ko na naman yung sakit ko. Siguro It is God’s plan. Sabi nga nila after a rain, There’s a rainbow.
Bago sumapit ang 3rd anniversary namin, nanghihina ako araw araw. Lagi akong maputla. Nararamdaman ko na sya. Di ko na maitatanggi sa sarili ko na konting konti na lang. Kelangan ko ng magpaalam. Hanggang dumating ang day na pinakhihintay ko. 3rd anniversary namin. Nagulat ako paggising ko na sya mismo unang nagtext..
**********
Ano kaya ang txt ni Michelle kay Chris? :)
Abangan ang susunod na Chapter ng Happy 3rd Anniversary. :)
BINABASA MO ANG
Happy 3rd Anniversary!! (ONESHOT)
Romance"Make sure the person you love not only knows that you love them but they feel that you love them" -Mike Tablante