Chapter 1

8K 209 24
                                    

Plain and simple. Shallow and naive. This is how Anna sheltered herself from the complex standards of the society.

Payak.

Ayaw niya sa magulong sistema kaya kontento siya kung ano lang ang mayroon siya. Kahit sa pagpili ng kulay, ayaw niya ng sari-sari. Sa pagitan ng bahag-hari at kalangitan, mas gusto niya ang kulay ng langit. Kahit maganda sa mata ang bahag-hari, malamig naman at nakakarelax pagmasdan ang bughaw na langit.

Ngunit alam din niyang komplikado talaga ang mundo at hindi siya makaiiwas. Kahit ang kisame na tiningala niya ngayon ay kahon-kahon. Bakit kaya hindi na lamang plain iyon? Kailangan pa may mga linya sa pagitan ng isa't isa. May gap. Kahit pantay-pantay pa ang sukat at halaga. Kahit nilikha para sa iisang layunin.

"Anna, tapos ka na bang isukat iyang damit? Labas na rito para makita ko!" Boses ni Melanie mula sa labas ng fitting room.

Bumalik siya sa huwesyo at binigyan ng isang kutos ang sarili. Tulala na naman siya at kung anu-ano na ang pumasok sa utak niya.

"Saglit lang po, ate!" sigaw niya.

Dali-dali niyang isinukat ang puting long-sleeves na may malaking laso sa harapan at may ternong pulang pencil cut mini-skirt. Sinipat niya ang sarili sa salamin sa kanyang harapan. Masyado yatang maikli ang skirt. Ngumuso siya at lumabas para makita ni Melanie ang outfit niya.

"Maiksi po ang skirt, ate. Kapag tumuwad ako, kita na ang singit ko."

"Hm," hinagod siya nito ng tingin at pinaikot-ikot. "Pero, bagay sa iyo. Makinis naman iyang legs mo. Kukunin natin iyan."

"Paano po ang singit ko?" angal niya.

"Maitim ba ang singit mo? Kuskusin mo kasi kapag naliligo ka."

"Ate talaga!" bumusangot siya. "Sabi mo pampaputi ng singit ang kalamansi. Araw-araw naman akong umiinom ng juice niyon."

"Ang sabi ko sa iyo ipahid mo iyon sa singit mo tuwing naliligo ka." Itinulak siya nito pabalik sa loob ng fitting room para mahubad niya na ang damit.

Bukas ay pupunta siya ng Andromida Conglomerate para pormal na tanggapin ang appointment niya bilang isa sa mga Council Personal Assistants. Nakapasa siya sa exam pagkatapos ng madugong pag-aaral sa loob ng anim na buwan. Hindi niya alam na ini-enroll pala siya roon ni Ramses.

"Miss, kukunin ko ito at tatlong pair ng terno-cargo. Include the shoes as well," Melanie instructed the sales lady of the boutique.

"Yes, ma'am." Mabilis na tumalima ang matangkad at magandang sales lady.

Limang shopping bags ang nabitbit niya mula roon. Tatlong boutique pa ang pinasok nila at nakabili sila ng smart casual na mga pares ng damit, bago sila nagtanghalian sa isang Japanese restaurant na nasa loob lang din ng mall.

"Iyong mga itinuro ko sa iyo, huwag kalimutan. Tuwid ang lakad, breasts out, stomach in." Paalala nito habang kumakain sila.

"Hindi po ba stomach out, breasts in?" Bumungisngis siya, sakto namang may dumaang buntis sa tapat nila. Nagkatinginan sila ni Melanie at pinandilatan siya nito.

"Ang vitamins mo, regular mong iinumin iyon. Baka tatamad-tamad ka na naman pagbalik ko ng Rio Verona," may pahabol pa itong sermon.

Kumagat siya ng malaki sa flourless Ichigo Chizu Cake.

"Buti na lang likas talaga akong maganda. Kung ako siguro ang unang nakita ni Kuya Ram, baka kami ang nagkatuluyan," malantod niyang hinawi ang kanyang buhok papuntang likuran. Kahapon may nagpuntang stylist sa bahay pero hindi na pinakialaman ang kanyang buhok dahil likas na makintab na raw at maganda ang bagsak.

NS 12: PRODIGAL DESIRE ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon